A/N:
Feel free to use #IndelibleCh2 for your social media post reactions for this update <3
Also, if you haven't heard yet, I've recently published The Most Painful Battle under Psicom Publishing. You can purchase it for only 195 pesos with 3 new chapters! You can buy it here: bit.ly/tmpbshopee
Thanks and enjoy reading! <3
---
Chapter 2
Kevin Sy's POV
"Hindi ko rin inakalang makakasalubong ko dito ang isang Kevin Sy. Sa gitna pa talaga ng Brisbane River," sabay tumawa nang mahina bago niya ibinalik ang tingin sa hawak na baso na nakapatong sa itim niyang fit jeans. Bumagay sa pantalon niya ang suot niyang kumikininang na teal, long sleeve off-shoulder blouse. Naka-ponytail na mataas ang itim niyang buhok na abot hanggang sa baywang niya. Wala siyang ibang suot na alahas at napansin ko rin na pink na ang kaniyang mga labi kumpara sa kaninang pula. Nabawasan na rin ang kulay sa kanyang pisngi. May kaunting maliliit at itim na mga tuldok sa ilalim ng kaniyang mga mata na tila natirang bakas ng kaniyang makeup kanina. Inalis niya na siguro noong nag banyo siya.
Maganda na siya kanina noong may suot siyang makeup pero ang payak niyang mukha ngayon ay napakaamong tignan. Kapag tumitingin ang mga itim na itim at bilog na mga mata niya sa akin ay tila ba hindi niya kayang makasakit ng kahit ano o sino, para siyang anghel.
"Kaya nga. Small world, 'no? Dito pa talaga. Samantalang isang beses lang ata kita na-meet noon sa Pinas. Ang funny," kumento ko. Idinantay ko pa ang likod ko sa kinauupuan naming sofa upang mas ma-relax ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan ko ang kalangitan na naiilawan ng halos bilog na buwan. "Ah, waning gibbous."
"What?" pagtataka niya sa huling sinabi ko.
Itinuro ko gamit ng aking nguso ang kalangitan. "We just missed the full moon."
"Ha?"
Sinundan niya ang tingin ko sa kalangitan ngunit naguguluhan pa rin siya.
"Waning gibbous, it's a phase of the moon kung saan unti-unting nawawala ang liwanag sa buwan," paliwanag ko.
"Ah, okay." Tumango lang siya ngunit nakakunot pa rin ang noo niya.
"May nakapagsabi sa akin dati na weird things happen during a full moon," pagkukwento ko. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy. "Hindi naman full moon, but it feels like today is a weird day. Meeting you here and all that happened earlier— "
"Sorry," pagputol niya sa akin. Agad ko namang itinanggi ang paghingi niya ng paumanhin.
"No, no. That's not what I meant. You should really stop apologizing for nothing." Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya to reassure her, ngunit agad ko rin tinanggal dahil for some reason when our skin touched I felt a weird kind of warmth. I don't know what that was but it kinda scared me a bit, so I kept my hands inside my pocket and looked away.
I try to clear my throat before speaking again. "Ano, kasi, ang weird lang. I wandered into this yacht party thinking I'll be celebrating the last day of my 26th year alone with a sea of strangers. Kahit we barely know each other, it just feels nice to have someone I know." Nag-pause ako, ngumiti at pabirong dinagdag, "kahit sinukahan mo ako, at least it's a funny memory to keep before I turn 27."
"Wait! What do you mean the last day of your 26th year? Is it also your birthday tomorrow?" Bigla siyang umayos ng upo sa gilid niya upang mas makaharap siya sa direksyon ko at ipinatong niya ang isang braso niya sa ulunan ng sofa. Napansin ko rin ang gulat sa kanyang tono.
BINABASA MO ANG
Indelible
RomanceIn a world where one mistake can turn your life upside down, what would you do to reverse it? July Isabedra is at the height of her acting career. She's loved and admired by everyone. Everything seemed perfect until the day of her 25th birthday. S...