Section
ZEL'S POV
Papasok na ako ng gate. Mejo kinakabahan ako kasi first day of school ngayon. 4th year high na kasi ako at isang kembot nalang at ga- graduate na'ko.
Haisttt... kinakabahan talaga ako di ko pa kasi alam kung saang section ba'ko napunta.
"Hoy !!!"
"Ayy butiki!!" usal ko ng may biglang umakbay sa mula sa likuran ko.
Magagalit na sana ako pero bigla nalang akong napangiti ng makilala ko ang hudas.
Si Kiel lang pala. Best friend ko siya mula pa nung first year high school ako. Every year, pareho kami lagi ng section na napupuntahan kaya hindi kami nito napaghihiwalay.
Pero ewan kolang ngayon kung magka section kami. Hehe sana hindi na "charoot lang".
"Pardz may good news ako sayo" Sabi niya na may nakakalokang ngiti.
"Ano? Sabihin mo na, pa suspense kapa eh"
"Eto naman di makapaghintay?"
Inirapan ko lang siya. Kasi naman ayaw pa sabihin
"Bahala ka! Aalis na'ko"
"Sige na nga sasabihin ko na!" Inis na sabi nito sabay irap.
"Eh kasi magkasection tayo!!!"
"Nanaman?" Medyo pasigaw na sabi ko.
"Wow ha? Kung maka sigaw, bakit ayaw mo ba?" Malungkot na sambit niya.
"Eh eto naman hindi mabiro. Siyempre gusto ko!! Ikaw lang kaya ang nag-iisang pardz ko" pagmamalaki ko sabay tapik sa balikat niya.
"Aww touch ako pardz" tugon nito na kunwari ay naiiyak pa.
"Tss, tara na nga" sambit ko sabay hatak sa braso niya.
Hawak hawak ko parin siya sa kaniyang balikat habang tinatahak ang hallway papuntang room namin. Bigla nalang akong napahinto ng napagtanto kong hindi ko pa pala alam kung saang section ba kami.
"Ahmm.. Kiel, saang section nga ba tayo?"
"Ayowwnn akala ko hindi mo itatanong. May pahatak hatak ka pa diyan tapos di rin pala alam kung saan pupunta" napabuntong hininga siya.
"Pardz, sa section A tayo" halos pabulong niyang sambit at tuwang tuwa pa na iparinig yun sa'kin.
Hindi narin ako magtataka kung bakit nasa section A kami. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino talaga kami hindi lang halata.
YOU ARE READING
High School Life (Love Amidst Class)
Teen FictionSi Zellaine May Laurelle ay isang 4th year high school student. Sa unang pagkakataon, naging magka-klase sila ng matagal na niyang crush na si James Clydon Morgann. Sa kanilang section, ay makakahanap siya ng mga totoong kaibigan na siya ring magig...