ASHEANNA MIKAELA SALVATORRE
6 YEARS LATER
"ASHIANA, call your kuya's. We're going to eat na." tawag pansin ko sa babae kong anak na naglalaro ng barbie sa lamesa.
"Yes mmy." dali dali siyang bumaba sa lamesa at pinuntahan ang mga kuya niya na naglalaro sa sala.
Inihanda ko na ang mga pagkain sa lamesa. Bacon, hotdog and fried egg. Normal na umagahan.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya tinignan ko ang pintuan ng kusina. And there they are. Ang mga anak ko. They're triplets by the way.
Lorkan Azaleo Salvatorre. The first born. Masungit, cold sa ibang tao pero saamin ng mga kapatid niya, sa Lolo at Lola niya at sa mga tito at tita niya lamang hindi. Hilig niya ang magbasa ng libro and playing games with his brother and sister. Wala siyang nakuha saaken at lahat ay nasa walang kwenta niyang tatay. Blue eyes, matangos na ilong at mapupulang labi.
Larkin Azalei Salvatorre. He is the bubbly type. Lagi siyang mapang asar lalo na sa kapatid niyang masungit, nagkakasundo sila ni Ashiana sa pang aasar sa kuya nila kaya lagi silang nag aaway. Pero hindi naman matiis ng kuya kaya hindi pa sumasapit ang gabi bati na sila. Hilig niyang maglaro ng gadgets. At lahat ng features nakuha niya din sa tatay nila.
Lashiana Azalea Salvatorre. She is the girly type. Syempre she is a girl e. Anyway, hilig niya ang maglaro ng barbie sa mga kuya niya. Nagpapa cute pa sya para lang makalaro ang mga kuya niya na laging nakasimangot pag naglalaro sila ng barbie. Lagi nilang sinasabi na hindi sila bakla pero pag nagda drama naman ang bunso ay wla silang magagawa. Spoiled si ashiana sa mga kapatid. Nakuha niya saken ang mata niya. Maarteng bata pero hindi naman nakakabwesit ang pagiging maarte hindi katulad ng iba. And she always wear dress kahit inside the house.
Habang kumakain ay biglang nagsalita si Ashiana
"Mmy, wala ba tayong shoot today?"
Kahit five years old palang sila ay tuwid na tuwid na silang magsalita and magbasa. Nag aaral sila pero online lang. Naiintindihan naman nila na hindi pa sila pwedeng mag aral sa school dahil sa trabaho naming mag iina.
Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi na we're a Model in our own agency here in USA. Hindi naman iyon hadlang sa pag aaral nila online. Infact sila pa nga nag suggest na mag model nung bago pa lamang itinayo ang company. Kahit na ang masungit kong anak ay walang magawa. The two requested it to him.
Hindi naman din ako tutol, because infact i'm a model too.
And now isa na ngayong sikat na kompanya ang AZ Clothing Company.
At kung iniisip niyo na baka malaman to ng tatay nila. I don't care. Because infact siya ang napaalis saamin. Hindi niya direct sinabi pero ang pagpa file niya ng annulment ay para na ring sinabi saamin ng anak niya na wala na kaming karapatan sa kanya. And isa pa, baka nga may anak na siya ngayon kay Shantal e.
I'm totally moved on from our past anyway.
"Bukas pa ang schedule ng shoot natin honey. You forgot already? It's Sunday and we're going to church." paliwanag ko. Kapag kasi sunday ay free ang schedule namin para magsimba at mamasyal.
Hindi ko pa pala nasasabi. Tinuruan ko na magtagalog ang mga anak ko para hindi nila makalimutan ang wika ng bansa na kinalakihan ng ina nila.
"Oh yeah right and it's family day." excited na sabi niya at pumalakpak pa.
"Okay, finish your food already kids."
KAKATAPOS lang namin magsimba at ngayon patungo kami sa mall. The kids suggested it. Nung nakaraan kasi nagpunta kami sa park kaya ngayon mall naman ang sinuggest nila.
Nagpapabili si Lorkan ng mga books na gusto niyang basahin. He loves to read at paborito niyang libro ay ang Harry Potter. Si Larkin naman ay nagpapabili ng mga latuan like cars. And si Ashiana naman ay mga barbie ulit.
We called her Ashiana dahil ayaw niyang tinatawag siyang Lashiana dahil para dawng panglalaki yung sa part na may Lash. Ang cute kaya.
We have bodyguards beacause i can't risk the safety of my kids kahit pa family day at hindi din naman sila tutol duon.
Pagkatapos din naming bilhin ang mga laruan ay pinahawak ko muna ito sa mga bodyguards at niyaya kong pumasok kami sa Jollibee at kumain muna. Paborito kasi ng mga anak ko ang jollibee.
We have a lots of bodyguards pero lima lang ang kasama namin ngayon. And they are all well trained so hindi ako kinakabahan.
Hindi naman ako striktang amo, kaya pinasabay ko na silang umorder. Nahihiya pa sila pero pinipilit sila ng mga anak ko kaya wala na silang magagawa. Close naman kasi ang mga anak ko sa mga bodyguards sa mansion except for Lorkan.
Halos lahat ata ng bodyguards kilala ng mga anak ko.
Pinagtitinginan pa kami ng mga tao ng pumasok kami sa Jollibee. Maybe because of our bodyguards? O ang mga anak ko? I don't know.
"Ang ganda at ang gagwapo naman ng mga batang yan."
"Syempre, tignan mo nga ang nanay o. Parang manika."
"Isn't that the famous model of AZ Clothing Company?"
"Obviously."
"Oh My God."
Marami pang mga bulungan ngunit hindi namin ito pinansin. Meron pa ngang nagsalita ng pilipino pero hindi na din namin pinansin. Obviously hindi na ito bago pa sa mga anak ko.
Kumain kami habang yung mga anak kong dalawa ay sobrang daldal. Yung isa naman bored lang na nakatingin sa mga kapatid niya. Pinagpe pyestahan din kaming picturan kahit nasa lamesa lang nila sila dahil hindi naman sila makalapit dahil sa bodyguards namin na nasa kabelang mesa. Hindi din kasi biro ang katawan nila na parang bouncer.
PAGKAUWI namin ay agad na nakatulog ang mga anak ko dahil sa pagod. Syempre sobrang kulit kanina. Pati nga si Lorkan na hindi naman nagkukulit nakatulog pano pa kaya yung dalawang sobrang kulit.
Pagkaupo ko sa kama ko. Yeah, ako lang mag isa dahil may sari sariling kwarto ang triplets.
Biglang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na tinignan ang caller. Nakakatamad.
"Hello, who's this?"
"Beshieeee." narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Ericka, my dear best friend.
"Why so excited, Ericka?" kunot noo kong tanong. Ang ingay niya pa ha. Well what's new? Lagi naman atang maingay ang babaeng to.
"Beshiee, ikakasal na akoo!" kasunod nyon ay narinig ko ang mahinang hikbi niya. Why is she crying anyway? Ahh this bitch.
"Bitch, why are you crying? And anyway congrats." sinsero kong sabi. I'm happy for her. Nakita na nya din ang para sa kanya.
"Thank you Bitch, anyway, you're invited in my upcoming weddung this coming Tuesday and ofcourse bring my beautiful and handsome's inaanak." and now suddenly her mode change. Pero ano daw? This upcoming Tuesday? Eh Sunday na ngayon ah. This bitch.
"What the heck. Eh Sunday na ngayon ah! Bakit ngayon mo lamang sinabi?"
"Kasi naman, nakalimutan ko. Sobrang busy kasi namin sa mga hinahanda for the wedding." nai imagine ko na na napapakamot siya sa batok niya.
"Okay fine, expect us to your upcoming wedding."
Matapos magpaalam ay agad na niyang pinatay any telepono. I'm so happy for her kahit di halata. I want the best for my bestfriend kaya pagkadating ko talaga ng pilipinas ay pagsasabihan ko yang asawa niya.
But wait, hindi ko pa pala natanong kanina kung anong pangalan ng mapapangasawa niya. But it's okay para surprise din saken. I love surprises kasi and sa friday na nga lang.
Tinawagan ko na ang secretary ko to book a flight for tomorrow para saamin ng mga anak ko.
So i guess, i'm ready to go back, yeah?
—————
Short update lang, ksks. Pwede favor? Can you comment your thoughts about this chap.? I just want to know, kung lame ba siya or what HAHAH. Thanks
BINABASA MO ANG
1: Logan Azrael Andrada (His Runaway Wife)
RandomLogan Azrael Andrada Asheanna Mikaela Salvatorre