Pangalawang Tula

18 0 0
                                    


Mahal kung pipiliin mong umalis, umalis ka lamang sumandali.

Huwag mong dadalhin pati ang inilapat mo sa'king ngiti
Itira mo ang mga salitang babalik kang muli
Iwan mong bukas ang ilaw sa gabi
Maghihintay ako  hanggang may lakas ka na uling manatli.

Huwag mong bitbitin ang mga pangako mo't pagtangi
Mag iwan ka sa akin kahit kaunti,
isisilid ko ito sa apardor nating saksi sa pag-ibig na minsang itinaggi hanggan sa nahati,
at unti unting napawi.

Sa pag alis mo, dalhin mong lahat ng ating pagkakamali
Akayin mo ito kasama ang pag-intindi,
Ipatangay mo sa hangin ang pighati na ating nadadama,
Kung mapadpad man sa dagat, salubungin mo ang alon ng pagsisisi
At saka ka umuwi,

Na kahit anumang nagawa nating pagkakamali,
Mas mahalaga para sa'kin ang iyong pag uwi na kahit puno na ng pighati ang aparador  na saksi sa'ting pagtanggi, lagi akong umaasa na babalik ka't babawi.

Mahal, kung pipiliin mong umalis - umalis ka na sana.
Hindi ako nakakatiyak na mananatili sa nadaramang bigat sa mga pangyayari.

Mga Tala at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon