I LOVE YOU MS. CHINITA,
HANGGANG SA MULI NATING PAGKIKITA
[ ONE SHOT STORY, BUT IN A POETRY WAY ]
Unang lingo ng eskwela ng ika'y aking makita
Sinubukan kang kausapin pero nahihiya
Mag katabi sa upuan na aking ikina-tuwa
Palihim na nangiti ng ika'y ngumiti
Hindi makapaniwala sa taglay mong ganda
Mahal na yata kita aking chinita.
Pangalawang lingo ng makita kitang lumuluha
Hindi alam ang gagawin dahil ako'y nag-aalala
Sinubukang mag biro sana gumana,
Napatitig ka sakin at nag simulang tumawa
Ako'y napatitig sa mga mata mong unti-unting nawawala, dahil sa iyong pag tawa
Nag-away pala kayo ng iyong kasintahan
Na aking ikina-lungkot ng malala
Dahil ang babaeng aking mahal, ay may mahal na
Masakit pero kaylangang tanggapin
Mahirap pero aking kakayanin.
Pangatlong lingo na pala ang bilis ng lingo
Ngunit bukod dun bakit tila bigla kang nag iba?
May nagawa ba akong masama?
Wala akong nagawa kundi hayaan at pakisamahan ka.
Pangapat na lingo ngunit ika'y ganon parin
Nakaka lungkot lang na ika'y ganon parin.
Pang limang lingo ang lingo ng aking pag amin
Kinakabahan pero aking kakayanin
Ito na kaharap na Kita, salamat at hindi ka umalis
Napatitig ka sakin at tila hindi alam ang gagawin
Ito na ako'y aamin na
sisimulan ko sa, HI na susundan ng simula ng araw na ika'y aking makita
nabighani mo ang puso ko ng malala
hindi ko alam kung tama bang SABIHING GUSTO AT MAHAL KITA AKING CHINITA SIMULA NG IKA'Y AKING MAKITA.
Nagulat ang aking diwa ng ika'y biglang tumawa
Hindi ko alam kung ano ang sunod kung sasabihin ng ika'y biglang mag salita
Ako'y iyong mahal narin pala
Ngunit bakit tila may mga lungkot sa iyong mga mata
May inamin ka saking nanlumo ako bigla
Ika'y ikakasal na pala
Sa kasintahan mong walang kwenta
Nais kang itanan, Pero ito'y Mali.
Limang taon na pala ang naka lipas
Limang taon ng nakalipas ng ika'y lumisan
Limang taon nang puso ko'y nalumabay
Limang taon ng hindi ka nasilayan
Pero ito, ika'y muling nakita
Nakitang muli ang maganda mong mukha
Mga mata mong chinita, at ang iyong ngiti
Gusto kang lapitan pero alam kung ako'y muling masasaktan.
Maging masaya ka sa iyong kasal
At sa iyong magiging pamilya
Kahit hindi ako ang iyong kasama
Ito na ang huling araw na ako'y masasaktan
Ito na ang huling araw na ika'y nasa aking puso
Pero asahan mong ako'y laging andito
Hangang sa muli, mahal ko........
Ps. Still not edited
Pss. Hindi ko alam San lalagay kaya dito nalang
Psss. Bagong gawa fresh na fresh
Enjoy reading!! Votes and comments love youuu!!
- blue¬_¬
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryThis book contains different one shot stories so hope you like it and give some votes and comments also follow and support me Love you all!✨
