Nasa harap ako ngayon ng nakakasilaw na screen ng computer dito sa library ng academy na pinapasukan ko
Currently working on my presentation for tomorrow, ako ung naka schedule na mag present ng topic para bukas
Ewan ko ba sa professor namin for that subject, students ung pinag rereport nya na dapat ay trabaho nya, tuloy sa halip na mag midnight review ung iba if may quiz, ginagawa itong presentation para mag ka grade
At ang matindi pa, anong oras na ba? 7pm na! Umuulan pa sa labas nagtitindigan ung mga balahibo ko dahil sa lamig, wala pa naman akong dalang jacket buti nalang patapos na to, tinitignan ko nalang ung resulta ng pag iistay ko dito
Sa tingin ko naman ay ayos na ito kaya sinave ko na at inilipat sa USB na dala ko at pinatay na ang computer, pagkapatay na pagkapatay ng computer ay eksaktong salubong ko sa dilim kaya dali dali kong inimis ang gamit ko at nagtatakbo na sa labas
May mga estudyante parin naman pala sa waiting shed kaya nakahinga ako ng maluwag, dapat ay wala nang tao rito kase 5pm naman ang uwian, pero heto sila, nagchichismisan. Napailing nalang ako, nagpapakahirap ako dis oras ng gabi para gumawa ng presentation pero sila nagchichismisan lang?
Naglakad na ako pauwi kase isang kanto lang ang pagitan ng school ko sa tinitirahan kong dorm, wala akong payong kaya no choice na mabasa pero ambon nalang naman na unti unting lumalakas kaya dali dali, bumalik ako sa waiting shed at doon nalang hinintay ang pagtila ng ulan
Umunti ng umunti ang kasama ko dito hanggang sa wala ng natira kaya natakot ako, dapat kase nagdala ako ng payong e!
Humina na ang ulan kaya naglakad na ako, pinang saklob ko nalang ung bag ko kahit wala rin namang naitulong, hanggang sa maya maya lang ay biglang tumigil ang pag ulan.. Pero kumunot ang noo ko nang matanto kong umuulan pa rin. Ngunit hindi na ako nababasa. Nasagot ang tanong ko nang tumingala ako. Dahil sa nakitang payong, nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa tabi ko at nakita si Conner na diretsong nakatingin sa daan kaya napalayo ako ng konti at nayapos ang bag ko
"Ah-ano." bigla ko nalang nasabi, hindi ko alam ang sasabihin ko, kase si Conner, kaibigan ni kuya na malayo ang loob sa akin, andito? sa tabi ko? pinapayungan ako?
"Wag kang lumayo, mababasa ka" sabi nya at inakbay ang kaliwang braso sa balikat ko na naging dahilan para hindi ako maging kumportable
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ng may tumahol na aso kaya napadikit ako kay Conner at napahawak sa nakaakbay nyang braso sa akin
"Conner, may ano, may aso" natatakot kong saad
Takot na takot kase ako sa aso dahil nung bata pa ako, nakabasag ako ng gamit noon na syang ikinagalit ni papa kaya pinalabas nya ako ng bahay, pero wrong timing naman kase nasa labas din ung aso na nagapang kagat daw sabi ng kapitbahay
Hindi ko nga alam na totoo pala yon kasi malabong magkaroon ng galang aso dito kase village to ng mga mayayaman, malamang may guard na nagbabantay sa gate bago makapasok pero naka lagpas parin sa kanila itong malaking aso na nakakatakot tignan, tumakbo lang ako ng tumakbo noon kase hindi ako pinagbuksan nina papa nong katok ako ng katok
Buti nalamang at may nakita akong matandang babae kaya lumapit ako at kumapit sa kanya habang umiiyak. Pinaalis nya ung aso gamit ang payong na hawak nya kaya natakot ung aso at tumakbo paalis ng papilay pilay, napayakap ako sa kanya nagpasalamat ng nagpasalamat at bigla nalang nahimatay
![](https://img.wattpad.com/cover/292507027-288-k923293.jpg)