Author's Note: Tinatamad kasi akong mag-update dun sa isang story kasi gumawa ako ng one shot. Hehe! Naiyak ako dito eh habang sinusulat ko, ewan ko ba. Basahin niyo na lang. Vote na din kayo. Mwaah!!:)
-------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan ba naitanong niyo na sa sarili niyo kung ano nga ba ang makapagpapasaya sa inyo? Bawat tao alam ko na may kanya-kanyang hinahanap sa buhay, walang kakuntentuhan sa kung anong meron sila.
Ako kasi palagi kong tinatanong ang Diyos, “Bakit po parang sa bawat paggising ko sa umaga, kahit nakikita kong nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya, ay pakiramdam ko pong may kulang pa?” Yan ang tanong na madalas bumagabag sa akin.
Hindi naman sa hindi ako kuntento sa kung anong meron ako ngayon. Wala na nga akong mahihiling pa sa buhay ko eh. Lahat nasa ayos na. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magtanong, “Ano pa po bang kulang?” Hanggang sa isang araw na lang ay nasagot lahat ng mga katanungan ko. Naramdaman ko na lang na kumpleto na yung kulang na hinahanap ko. Siya lang pala.
“Ma.”
Nahihirapan kasi akong ayusin itong neck tie ko eh. Bakit ba kasi kailangan pa ng nakaganito? Gwapo naman na ako kahit wala akong suot na kurbata. Hehe!
“Bakit anak?”
“Ma, paki-ayos nga po, kanina pa ako dito eh, baka ma-late na ako sa interview ko.”
Lumapit naman sakin ang pinakamagandang nanay sa buong mundo at inayos ang kurbatang kanina ko pa hindi maisuot ng maayos.
“Ayan ang gwapo talaga ng anak ko, tara na sa baba, kumain ka na muna bago ka umalis.”
“Ma, matagal na pong gwapo ang anak niyo. Hehe! Sige po susunod na ako.”
Sinigurado ko munang kumpleto na yung mga kailangan kong papers bago lumabas ng kwarto. Binitbit ko na rin pababa yung bag ko at nagdiretso sa kusina. Nandoon na rin yung bunso kong kapatid pati si Dad at Ma.
“Ready ka na ba sa interview mo John?” Naupo na ako at nagsimulang kumuha ng makakain sa mesa.
“Opo Dad.” Ang sweet talaga ng nanay ko at ipinagtimpla pa talaga ako ng gatas kahit ang laki-laki ko na, gatas pa rin ang pinapainom sa akin ng mahal kong ina.
“Kuya, sa unang sweldo mo ibili mo ako ng bagong shoes ha?”
“Ang dami mo ng sapatos ah?” Hindi na ako kumain ng marami dahil wala ako masyado sa mood pag ganito kaaga. Kung wala nga lang akong interview ngayon ay hindi ako gigising ng mas maaga pa sa ala sais.
“Kahit na kuya, iba pa din pag galing sa una mong sweldo, tsaka dress na din pala. Hihi!”
“Nako Karla, hindi pa nga natatanggap ang kuya mo eh. Galingan mo anak ah? Para mag-grocery tayo sa una mong sweldo.” Alam ko na kung kanino nagmana itong kapatid ko. Hay, pero kahit ganyan ang dalawang yan, mahal na mahal ko ang mga yan. Ang bukod tanging babae ng buhay ko.
“Ma, Dad, mauna na po ako para hindi po ako maabutan ng traffic.” Uminom lang ako ng tubig at tumayo na para umalis.
“Bye kuya, goodluck sayo.” Humalik lang ako sa pisngi ng kapatid ko at kay Ma.
“Goodluck anak, just be true during the interview.” Pahabol sa akin ng Dad ko.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang labasan ng village.
Maaga pa naman kaya magbu-bus na lang ako. Alas nuebe ang oras ng final interview ko, tamang-tama at alas siete pa lang. Naghihintay lang ako ng magdadaang bus ng may matanaw akong isang babae. Hindi naman siya yung tipo na head turner, pero ng dahil sa kasimplehan niya ay di ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Kung tatanchahin ko, hanggang balikat ko siguro siya, mahaba na medyo wavy ang kanyang buhok at maputi siya. Naagaw ng atesyon ko nung mapansin ko ang sugat sa kamay niya, parang mark siya nung karayom ng dextrose na hindi ko mawari. Pagkahawi niya ng kanyang buhok ay tumambad sa akin ang isang napakaganda at maamong mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/3982093-288-k306916.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Love (One Shot)
RomanceMinsan na nga lang makatagpo ng taong mamahalin at magmamahal sayo ng tunay napupurnada pa.