It has been, what? 10 years?..
10 years since I left this place. The place where I was born, the place where I've grown up. Sobrang dami kong alaala sa lugar na to simula pagkabata. Masaya, malungkot, masakit. Ang lugar na naging malaking parte ng pagkatao ko.
Nang dumaan ang sasakyan sa arko na may nakalagay na San Andres palatandaan na papasok na kami sa bayan namin, binuksan ko ang bintana ng kotse para makalanghap ng sariwang hangin. Napapikit ako habang malamig na nararamdaman ang ang malamig na hangin na pang madaling araw. Napangiti ako ng naamoy ko ang pamilyar na amoy ng koprang kasalukuyang niluluto. Namiss ko ang amoy na to.
Nagmulat ako ng mata ng may matanaw na mga establisyemento, marami na ang pinagbago ng lugar na ito. Sampung taon akong nawala at hindi lang ako ang nagbago. Marami, kasama na ang lugar na dati ay pamilyar sa akin pero ngayon parang isang dayuhan ako dahil halos hindi ko na makilala sa sobrang daming pinagbago. Masaya ako na malaman na umasenso din ang mga tao dito.
Nakakapanibago. Dati mga maliliit na tindahan lamang ang nandito sa bayan pero ngayon mayroon ng malalaking groceries. Wala na din yung dati naming kinakainan ng meryenda nandun kasi iyon nakatayo sa may malaking grocery siguro ay nabili na ang lupa. Natanaw ko din na maayos na ang palengke at marami na ang nagtitinda kunsabagay madaling araw na at sa ganitong oras dumadating ang mga sariwang isda at ibang produkto. Marami na din ang mga taong namimili. Wala sa sarili akong napangiti ng may alaalang pumasok sa utak ko. After 10 years, ngayon ko lang ulit hinahayaang ang sarili kong maalala ang mga nangyari dito.
Namangha ako lalo ng mapadaan kami sa simbahan, linggo ngayon at paniguradong may misa. Maraming naglalakad siguro ay aattend ng misa. Masyadong malikot ang mga mata ko, nagbabakasakaling may makitang pamilyar na mukha. Naexcite ako sa isiping iyon at natawa sa sarili. Siguro wala ng nakakakilala sa akin dito. Sampung taon akong nawala at katulad ng pagbabago ng lugar na to ganun din ang mga taong naging parte ng buhay ko noon.
Katabi lamang nito ang San Andres High School kung saan ako nag aral, may mga nadagdag lang na bulding pero ang kulay nitong light blue at white ay ganun pa din. Sino sino pa kaya ang mga teacher na nandun? Siguro habang nandito susubukan kong dumalaw sa dati kong school. Lumagpas na kami sa bayan at siguro mga 15 minutes pa bago kami makarating sa lumang bahay ng lola ko. Medyo madilim na ulit sa labas kaya sinarado ko na ang bintana.
Alas sais na ng umaga at nagsisimula ng tumaas ang araw, this! this is my favorite part of the day. A start of a new day. Parang ang daming gustong sabihin sayo, pero malalaman mo lang pag naranasan mo ng manatili sa dilim. Tumama ang liwanag nito sa mukha ko kaya napangiti ako. I really love this feeling, It's like the sun is giving you a blessing.
Medyo kinabahan ako ng makita na ang mga pamilyar na bahay na nadadaanan namin. Hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga. Umalis din ako sa pagkakasandal sa upuan dahil hindi ako mapakali. At ng tumigil nga ang sasakyan sa tapat ng bahay ng lola ko..
Nandito ako. Nandito na ulit ako sa lugar na iniwan ko sampung taon na ang nakakaraan.
YOU ARE READING
[ORANGE]
RomanceThe sunrises after the dark night. The sun rises for a new day. New opportunity. New Hope. They said that you need to experience the dark night to be able to appreciate the sunrise but what if you don't know how to escape from the dark night? What...