Prologue

9 1 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment, and spread <3

Masaya akong naglalakad papuntang sasakyan ko. Katatapos lang ng 1 week seminar namin na ginanap pa sa Singapore. I can't wait to see my fiancé. Hindi niya alam na dadating ako ngayon kaya susurpresahin ko siya. Dumaan muna ako sa isang cake shop at bumili ng paborito niyang cake.

We've been living together for 3 years now and we've been together for 7 years. He proposed to me last year. His my first and hopefully my last. Pinarada ko kaagad ang aking sasakyan pagdating sa inuupahan naming apartment.

Nagtaka pa ako kung bakit madilim ang loob, mag aalas nwebe na ng gabi. Hindi pa ba siya nakauwi? Kunot noo kong binuksan ang pinto at bumungad kaagad sa akin ang madilim na sala namin. Hindi na ako nag abalang i-on ang ilaw at dumiretso na sa kwarto.

Naabutan ko si Daven na nakatulala. Lamp shade lang din ang nagsisilbing ilaw dito sa kwarto namin. What happened?

"Love." malumanay kong sambit dito. Parang wala naman siyang narinig at nakatingin lang sa sahig.

"Hey. I'm back." masaya kong bati dito at hinalikan siya sa pisngi. Doon niya lang ako tiningnan. Halo halong emosyon ang nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata.

"May problema ba?" Tanong ko dito. Hindi siya sumagot sa halip ay niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry." kahit mahina ay narinig ko pa rin ang sinabi niya.

"Why? May nangyari ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya. He's been acting strange this past few months . Tumingin siya sa akin at dahan dahang hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry love. I messed up." nahihirapan niyang sagot sa akin. Lungkot, sakit, at paghihinayang ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

"What did you do?" Tanong ko dito.

"I got Levina pregnant." Hindi ako nakakibo pagkatapos niyang sabihin iyon. Baka namali lang ako nang narinig. Right?

"What?" Tanong ko ulit dito at seryosong tiningnan siya.

"I-I'm sorry. Fuck. I messed up big time. Love." Nagmamakaawa niyang sambit sa akin. Dahan dahan akong umatras sa kanya. Ngayon lang nagsink in ang sinabi niya sa akin. He got Levina pregnant? What the hell?

"Please. Say something." Nanginginig siyang lumapit sa akin pero umatras lang ako ulit. I don't know what to say. Dahan dahang umagos ang luha ko. Oh my god. Shit! Huminga ako ng malalim dahil naninikip ang dibdib ko.

"I got drunk. And then it just happened. I'm sorry." Pagpapaliwanag niya sa akin.

"You got drunk!? What the fuck Aziel Daven! Are you that drunk to forget that you have a fiance!? Oh my god! This is so fucked up!" Nagagalit kong sambit sa kanya. Nalasing? Huh! Kahit lasing ka alam mo parin ang ginagawa mo. Stupid reason.

"I'm sorry." Umiiyak niyang sabi sa akin. Galit ko siyang tiningnan.

"Sorry!? 7 years Daven. 7 fucking years! Sinayang mo lang sa isang pagkakamali mo! Do you think that I would forgive you!? Huh?! Lasing!? Sinong maniniwala sayo?!" I can't believe this. Hinihimas ko ang dibdib ko kasi literal na masakit ito.

"Please. Don't leave me." Napantig ang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Nagpapatawa ba siya?

"Don't leave you!? Huh! Sino namang babae ang mananatili pa sa tabi mo pagkatapos niyang malaman na ang kaisa isa niyang pinagseselosan ay nabuntis mo? Huh!" Galit kong sigaw sa kanya.

Umalis ako at lumabas ng kwarto. Hindi ko na yata kayang manatili pa roon. Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa kotse ko. Umaagos pa rin ang luha ko pero wala akong oras para punasan ito. Pinaandar ko ang kotse at umalis. Nang makalayo na ay inihinto ko ito at natulala nalang sa kawalan.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon