••Prologue••

68 4 0
                                    

Warning : sorry for typographical errors na makikita at mababasa n'yo.

"June 15. 2029"

It's Monday and first day of my 3rd year College life in Business ads. na course ko sa pinapasukan Kong University na pagmamay-ari din ng Pamilya namin. na anak lamang ng mga nakaka-angat at kilalang pamilya sa business industries ang mga nakakapasok at iilang scholar na suportado mismo ng University namin.

Maaga akong nagising dahil sa pagtunog ng alarm clock ko na nasa bed side table lang ng tinitirhan kong condo, na ibinigay ni Dad, nitong nagdaang 21th birthday ko, na regalo nalang daw nila sa akin dahil nasa business trip sila at hindi mai-se-celebrate ang birthday ko.

But it's okay for me, dahil sanay nako na mas inuuna pa nila ang business nila kesa sa akin na nag-iisa nilang anak. At sanay narin ako na regalo nalang mula sa kanila and lagi Kong natatanggap sa tuwing birthday. When I got 10, doon na nagsimula ang pagiging workaholic nila at nawalan na ng oras para sakin, until now.

Agad akong nag tungo sa CR pagkatapos kong patayin ang alarm at makapag-unat ng katawan at ginawa na ang morning routine ko tuwing umaga sa loob ng CR sa loob mismo ng kwarto ko dito sa Condo. Malaki ang binili nilang Condo para sakin dahil may isa itong malaking kwarto sa loob na may sariling Cr/shower room and walk in closet at the same time na katabi lang ng CR/showerroom.

Meron ding king size bed sa gitnang part ng kwarto ko  at sa gilid malapit sa pintuan palabas at patungong sala, ay may isang couch at mini table. At malaking bintana na kita ang ibat ibang gusali sa labas na natatakpan ng kurtina sa other side, pero tinted naman ang salamin kaya walang makikita sa loob kapag nasa labas ka ng building.

Tapos nako maligo at gawin ang daily routine ko tuwing umaga, nasa kusina nako ngayon habang umiinom ng coffee at pinagmamasdan ang buong lawak ng sala patungo sa kusina. May maluwag itong sala na kumpleto sa gamit at isang flat screen TV, at mini kitchen na kumpleto sa appliances at utensils na ginagamit sa pagluluto at Refrigerator na kahit Hindi naman ako nagluluto dito, at laging sa labas kumakain or nag papa-deliver nalang at meron din itong CR para sa mga Bisita sa kitchen kung meron man.

Pag katapos kong mag coffee ay lumabas nako sa condo ko at nagtungo agad sa elevator at agad sumakay ng bumakas ito at pinindot ang ground floor. Pagkababa sa ground Floor ay Dali-dali akong nagpunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko at agad na pinaharurot patungo sa "GONZALES UNIVERSITY" na pinapasukan ko na pagmamay-ari din ng pamilya namin, halata naman sa pangalan ng University diba.

~~~~~~~~~~~~

Itutuloy.

~~~~~~~~~~~~

LOVE AT FIRST SIGHT. (BxB) [Mpreg.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon