••Chapter 1••

31 7 0
                                    


Warning : sorry for typographical errors na makikita at mababasa n'yo.

(3rd person POV)

Nang makarating sa Unibersidad na pagmamay-ari ng kanyang mga Magulang. Ay agad na siyang sinalubong ng kanyang dalawang  itinuturing na tapat at totoong kaibigan sa parking lot ng Unibersidad.

Hindi na bago pa sa kanilang tatlo ang ingay sa tuwing darating sila sa Unibersidad. Dahil sa pag tili at pagsigaw sa kanilang mga pangalan ng mga binabae at kababaihan na humahanga at nagkakandarapa sa akin nilang kagwapuhan at tindig.

Tulad ni Luigi ay galing din sa mayaman at kilalang pamilya ang kanyang dalawang kaibigan na Sina, Waver Kyle Alcaide at Reign Ashton Hernandez. na heir's din ng kanilang mga Magulang.

Nagkakilala at naging Mag kaibigan ang tatlo noong mag-college na sila at makilala ang bawat isa. At napatatag pa ito dahil narin sa kanilang mga magulang na magkaka-kilala at magkaka-business partners sa bawat kumpanya ng mga ito.

~

Nang malagpasan ang nagkakagulong mga estudyante ay agad na silang tumuloy sa kanilang department sa Business course.

Mabilis na lumipas at natapos ang schedule nila sa pang umagang Klase. At ngayon ay lunch time na nila.

Habang seryoso na nag-uusap ang tatlo patungong canteen ng Unibersidad ay biglang napahinto sa paglalakad at pagsasalita si Ashton na akala mo ay nakakita ng multo.

Ng tignan nila ang direksyon na tinitignan ni Ashton ay napakunot sila ng nuo dahil isa lamang itong lalaki na mukhang babae dahil sa Ganda ng mukha nito at haba ng buhok na hanggang balikat. Hindi maialis nina Luigi at Kyle ang kanilang tingin dito dahil sa napaka among mukha nito.

Bigla nalamang naka-ramdam ng kakaiba sa pagtibok ng kanyang puso si Luigi habang naka titig sa misteryosong lalaki na may maganda at maamong mukha.

Nagulat nalamang sila ng makitang yakap na ni Ashton ang Binata ng mahigpit at may sinasabi dito na hindi nila marinig dahil masyado itong malayo sa kanilang kinatatayuan.

(Luigi POV)

Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang matitigan ko ang ganda at amo ng mukha ng lalaking yakap ngayon at kausap ni Ashton ay diko na maalis pa ang tingin ko dito pati na si Kyle na katabi ko lang. Habang nakatitig ako sa maganda at maamong mukha nito ay diko mapigilan ang mapalunok at ang unti unting pagbilis ng tibok sa dibdib ko na parang hinihingal na ngayon ko lang naramdaman. weird! nasabi ko sa isipan ko na hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.

Napakurap nalang ako at napabalik sa reyalidad ng pumitik sa harapan namin si Ashton na ngayon ay may ngisi sa labi.

"Bakit kayo ganyan makatitig?" tanong nito ng makabawi kami ni Kyle sa pakaka-titig sa kanina niyang kayakap.

" Bro! Sino yung kayakap mo na yon? Babae bayon o lalaki? " sunod-sunod na tanong ni Kyle, habang tumataas taas pa ang dalawang kilay.

" Bakit? Type mo?" balik tanong din nito kay Kyle. " at saka lalaki yon!?" parang hindi nya rin siguradong sagot.

" parang dika pa sigurado sa sagot mong yan? At saka ano mo naman yon." diko narin maiwasang mag tanong dahil curious din ako na ngayon ko lang din naramdaman.

Nagtataka man siguro dahil kunot-nuo nila akong tinitignan ay sinagot nalang din niya ang tanong ko.

" actually, he is my twin brother we're identicals but he has a featured of women kaya 'di kaagad masasabi kung Male or female ba sya, and I'm older than him ng 3 minutes, and kung nagtataka kayo kung bakit ganon ang look nya, ang masasabi ko nalang sa ngayon is his gay, but he is not that kind of gay's na nagkakandarapa sa atin or sa ibang gwapong lalaki. Sa ngayon yan lang ang masasabi ko dahil kase masyado pang magulo ang lahat at ayaw nyang may mga nanghihimasok or namamakialam sa kanya or sa pinag-dadaanan niya." mahabang paliwanag niya. " maski kami na family nya, walang magawa at maitulong sa pinagdaraanan nya. " dagdag pa nito na may halong inis at lungkot habang sinasabi iyon.

LOVE AT FIRST SIGHT. (BxB) [Mpreg.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon