Ng dahil sa chat

5 0 0
                                    

Third person pov.

Maagang nagising si Ej (Emmanuel John) dahil sa may plano sila ng kaibigan niya na si Cj (Crizza Jhane) na maglalaba sila sa ilog.

Araw ng sabado iyon at iyon ang araw nang paglalaba para sa kanila. Palagi silang pumupunta sa ilog para doon  ay maligo o 'di kaya ay doon maglalaba ng mga labahan nila.

Habang si Ej ay nag-aasikaso sa mga labahan niya bigla nalang tumunog ang selpon niya sa Messenger. Alam niyang si Cj na ito. Kaya kinuha niya ang selpon niya na nakalagay sa lamisa. At tinignan niya selpon at si Cj nga iton.

"Ej bilisan mo na nga dyan ang tagal mo naman anong oras na oh?" Nakasulat sa minsahe nito para sa kanya.

Kaya agad siya nagmamadali sa pag lagay ng mga maruruming damit sa kanyang bag hanggang sa napuno na ito.

Kinuha niya muli ang silpon at nag sulat din siya ng minsahe para dito.

"Ito na nga oh, papunta na ako dyan sa inyo hintay ka lang. Makapabilis naman ito sa akin e sino naman sa ating dalawa ang matagal kung gumalaw. I'm sure hindi ka pa dyan ready, right Cj?" Sabi ko sa kanya sa kanilang dalawa kasi si Cj angatagal kung kumilos.

"Ay basta bilisan mo na dyan ito na nga rin ako, naglalagay na ng mga damit ko. At tsaka pwede ba akong makahiram sayo ng brash nawawala kasi yung brush namin e" sabi niya sa minsahe.

Habang naglalakad si Ej tinignan niya ang selpon niya kasi ay tumunog naman ito.

Pagkabasa niya sa minsahe ay agad din niyang sinagot ang minsahe ni Cj para sa kanya. At buti nalang din isa siyang advance kung mag isip kasi dalawang brush ang dinala niya.

"Alam ko naman na palaging nawawala yang brush naginagamit mo. Kaya wag kang mag alala may dala akong isa pa para sayo." Sabi niya sa kay Cj.

"EJ may sasabihin ako sayo mamaya at tsaka diba gusto mo ng gc (group chat) may roon akong nasalihan maganda naman ang mga samahan doon gusto mo e sali kita doon?" Sabi niya sa akin.

At ito namn si Ej pumayag narin siya. At hindi na niya pinansin ang chat ni Cj dahil sa tatawid na siya sa kabila. Dahil medyo malayo layo pa ang lalakarin niya ay nagmamadali na siyang mag lakad.

Hanggang sa nakarating din siya sa bahay ni Cj buti nalang sa pag dating niya dito ay ready at ito kauna-unahang naging ready si Cj dahil ang palagi niyang nadadatnan nito ay hindi pa ito ready.

"Ma, punta muna kami sa ilog para maglaba." Paalam ni cj sa kanyang ina .

Habang sila ay naglalakad papuntang ilog nag uusap silang dalawa.

"But andami mo namang dalang labahan akala ko ba bag lang din?" Tanong ni Ej kay Cj.

"E kasi ba naman itong si mama pinadala niya yung labahan nila alam naman na nila na ako ang masmaraming labahan kaysa sa kanila nakalaba na kasi sila kahapon pero dahil sa may naiwan dahil daw sa may plano akong manlaba sa ilog kaya ayon pinalaba din sa akin itong isapang baskit." Litanya niya. Tinulungan siya ni Ej na buhatin ang nasa may baskit.

"Ahh, kaya pala HAHAHA idi sana wag ka nalang sanang tumuloy para hindi nadagdagan yang labahan mo HAHAHA." Sabi sabi ni sa kanya ng pabiro.

"Sige tawanan mo pa ako" na nanlilisik na mga mata ang pagtingin niya sa kay ej habang sila  ay naglalakad pa punta sa ilog.

"Hahahaha" tinawanan lamang siya ni Ej kahit na kita na sa kanyang mukha ang pagka inis pero alam ni Ej na lilipas din ang pagkainis nito sa kanya.

Hanggang sa wala na sa kanilang dalawa ang umimik nung nakarating na sila sa may hagdan nagtanong si ej kung saan sila magpwesto sa paglalaba.

"Cj, saan tayo doon parin ba sa dati nating pinaglalabahan o sa may lapad tayo?" Tanong ni Ej. Ang lapad ang tawag sa parte ng ilog na kung saan ay doon ang ibang tao naliligo dahil sa medyo malalim at magandang languyan dahil sa medyo ito maluwag ang pwesto at malalim din.

Napagdisisyonan nalamang nilang dalawa sa malapit dahil sa araw ding iyon ay medyo makulimlim ang kalangitan na parang nagpapahiwatig na uulan.

"Sa malapit lang tayo para madali lang pag akyat natin at pag uwi, at tsaka parang nagbabantang uulan ngayon e." Sabi ni Cj.

" Ikaw bahala susunod naman ako sayo." Sabi din naman ni ej.

Naghanap na nga sila sa kanilang mapwestuhan sa malapit sa araw ding iyon ay medyo madami rin ang naglalaba sa ilog.

Nung nakahanap na sila ng mapwestuhan ay nagsimula na silang mag tanggal ng labahan sa kanilang mga bag at lalona si Cj tinanggal na niya rin ang na sa baskit.

Habang winawaswasan nila ang mga damit, pantalon, at ang iba pa ay nag-uusap sila sa isa't isa.

"Cj ahm, ano pala ang sasabihin mo sa akin o e kwekwento?" Tanong ni Ej habang nag wawaswas din sa mga damit.

"Diba may sinabi ako sayo na gusto kitang e sali sa gc?"

"Oo bakit ano bang meron doon?"

"Isa iyong Christian gc, at andoon si pastor matt. Or kuya matt. Pastor ang tawag ko sa kanya kasi siya yung namumuno doon sa gc iyon atsiya din kasi ang palaging nag shashare ng mga salita ng Panginoon."

" Wow, maganda yan sige sali mo ko dyan? So ano nga pala ang e kwekwento mo sa akin na?"

"Ayon tungkol ito sa kay pastor Michael. Isa siyang Pakistan noong nasali ako sa grupo nila itong si pastor  Michael. Ay broken noon dahil sa marami ang nag luluko sa kanya lalo na sa mga naging karelasyon niya dito sa Pilipinas. Nasali ako sa grupo dahil sa may nag invite din sa akin sa ibang na maganda din sa gc ito. Tapos noon ay nagkausap kaming dalawa ni pastor Michael. Sa private message doon kami nag usap sinabi niya ang mga nangyari kung pano naging broken siya. May isa kasi siyang kasintahan na nanluko sa kanya may sakit ito sa puso ang babae ngunit niluo lamang siya nito na may roon na pla itong karelasyong iba. At nung nalaman ito ni matt. Siya na ang nakipaghiwalay dito." Patuloy na nagsasalita si Cj habang nag kukusot at nagbrubrush sa mga damit

"Tapos anong nangyari?" Tanong naman ni Ej habang nag brubrush at nagkukusot na sa mga damit.

"Nabigla nalamang ako sa kanya kasi ilang araw palang kami nagkakilala at sa social media pa kami nagkakilala ay nanligaw na ito sa akin hahahaha."

"Wow maganda hahahha" napatigil saglit sa ginagawa si Ej dahil sa pagkabigla. Pero nag simula muli siya sa pagkukusot

" Maganda naman talaga ako HAHAHA." sabi din naman ni Cj.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ng dahil sa chatWhere stories live. Discover now