Chapter 01

16 5 16
                                    

Introvert Tutor
written by: juzcammy


"HE DOESN'T NEED TO DO IT, RIGHT? DIBA? DIBAA?!" I said as I eat my avocado ice cream. They looked away and pretend they didn't hear something.

"Dami palang fafa dito, no? O to the M to the G ang fofogi--O to the M to the G Kameila ang hurt hurt huhu." Aniya ng bading na 'to dahil piningot ko lang naman ang tainga niya. Hays, pasalamat ka' yan palang ang ginawa ko!


Vian King Palaez, kung pogi ka at nakasalubong mo si Vian sa daan ay tumakbo kana na parang hinahabol ka ng isang sindikato dahil once na maabutan ka nito ay ipagdasal mong humaba pa ang buhay mo at hindi ma-stress sa kagagahan nito. Mabait naman siya, wag mo lang lalaitin ang eyeliner niyang mas makapal pa sa buhok mo sa kili-kili. Ayaw sa sports pero handang mag pa-shoot sa mga fafa.


"Talaga bang dedeadmahin niyo ko ha? Look, na i-istress na'ko tapos kayo parang walang pake, yung totoo kaibigan ko ba talaga kayo o one-whole friendship lang 'to?" I asked and crossed my arms. How could they?!


silence...



"Ha?" Sabay na tanong nila.




"You mean.. One-SIDED friendship?" Sabay na tanong nila ulit at pinagdiinan pa ang salitang SIDED.



"Y-yun nga 'yon.. parehas lang naman 'yon.. p-psh!" Kumuha ako ng isang scoop sa ice cream ko saka sinubo ito. Rinig ko ang pagbuntong hininga nila saka ang pigil na tawa.



nobody's perfect! lahat nagkakamali! lahat nang-iiwan! lahat nangloloko! arghh napasobra.



"Your Daddy was good at making decisions, Kams.  Para sa' yo rin naman 'yon, I'm just worried because what if aswang pala yung tutor mo na nagpapanggap lang na tao then ikaw pala yung mission niya na dadalhin sa lugar ng mga engkan--"


"I'm serious right now, Trishae." She shrugged her shoulders and took a scoop at her ice cream.


I'm deadly serious then she will talk again that kind of stuff! Psh.



Trishae Foruela, mahilig kaba sa mga aswang, engkanto, multo etc.? Si Trishae ang bagay sa'yo magsama kayong mga weirdo. Super bait pero wag na wag mong papakealaman ang lagi niyang bitbit-bitbit na libro tungkol sa mga engkanto, aswang, multo, etc. dahil magkaka world war 3 ulit sa mundo. Ayaw sa mga mababaho pero sa mga multo, aswang, engkanto palong-palo.



"Ay nako teh, basta sure akong kailangan mo talaga ng tutor!" Saad ni Vian na parang determinadong determinado.



"Andiyan naman kayo! We can study together, diba? Ya'll guys can help me! No need the tutor." I looked at their eyes. Nabalot ng katahimikan ang paligid na parang may dumaang anghel nang bigla nilang nilapit ang mukha sa'kin saka bumulong.



"Tayo ang pinakamababa ang grades sa class remember?" Sabay nilang saad saka bumalik sa pagkakaupo na parang walang nangyari.



"But still.." Pabulong na saad ko. I left out a heavy sigh.



"Tsaka teh, isipin mo may mapapakopya kana saming tamang sagot, hindi yung sarili mong formula sa math yung--" Sinubo ko ang pang scoop ng ice cream ko sa bunganga ni Vian. Kailangan pa talagang sabihin 'yon?!



"Isipin mo nalang, it's a win-win pa rin. Mapapataas yung grades mo tapos syempre sa'min din dahil papakopyahin mo kami ng natutunan mo sa tutor mo." Trishae said. I gave her my deadpan look.


Introvert TutorWhere stories live. Discover now