Part 13

1K 42 19
                                    

TW!

*Flashback*

10 years ago.

Sira sirang bote ng alak, at ang babae ng kanyang tatay na nakahilata sa sira-sira nilang kama.

Wala namang bago para sakanya, nasanay na sya sa bisyo ng tatay na kada sweldo iwawaldas ang pera sa mga bote ng alak kaysa sa renta nilang isang taon ng hindi bayad.

"Ano ba minjeong?! Sino ka para sawayin ako?" Sigaw na sabi ng tatay ni winter, hindi nakaimik ang bata dahil takot sya na mahampas at pumasok bukas ng May mga galos sa balat.

"Wag ka nang mangulo!" Tuluyan na nyang binato ang walang lamang bote ng alak sa pader, nagulat si winter, kahit araw-araw ito ginagawa ng kanyang ama hinding hindi sya masasanay.

"Mauuna na po ako.." Mahinahon nyang sabi bitbit ang kanyang bag, tumango ang tatay nya bago sya pinaalis. "Mamaya, pupunta tayo sa mga Lee."

Hindi naman makatanggi si winter sa sinabi ng tatay nya, ang tanging magagawa nya ay tumango at umalis na.

Kumakalam ang kanyang sikmura dahilan ng hindi nya pag kain ng hapunan at umagahan. Tinignan nya ang mga batang masayang hinahatid ng kanilang mga magulang.

The envy in her eyes were visible, oh how she wished that her parents would treat her like how other parents treat their children. Sunday night outs, a home filled with happiness and laughter is all winter could dream of. But what can she do? she's alone.

Her father's alive and so is her mother, the difference is they're not here for her as a parent. Parang patay na din kung iisipin. She practically raised herself, providing all the things she need with her own money that she secretly makes from work.

Nag lakad sya sa maliit ng side walk habang ang malamig na hangin ay napalo sa kanyang mga balat, mapa aray naman sya dahil sa bago nyang sugat na hindi pa nagagamot.

Nakarating na sya sa kanyang elementary school na May malawak na ngiti, binati nya ng magandang umaga si kuya guard at ang mga guro na nakakasalubong nya.

"Minjeong!" Bati ni teacher Margaret, ang paboritong teacher ni minjeong. "Magandang umaga po binibining Margaret."

"Kumain ka na ba?" Nag aalalang tanong ng kanyang guro, nawala ang ngiti sa mga labi ni minjeong at dahan dahang tinago ang kanyang mga sugat.

Hindi naman bulag ang guro at napansin nya ang lahat, hindi nalang sya nag tanong at sinamahan nalang sa canteen si minjeong.

Pinapili sya ng kahit anong gusto nya, pero ang tanging pagkain na kinuha ni minjeong ay ang isang pirasong Skye flakes.

"Hindi yan kasya minjeong." tumingala si minjeong at nginitian ang guro, "Ok na po ako dito."

Umiling ang guro at kumuha pa ng ibang biscuit na kaya nilang bitbitin, nag pahatid sya kay minjeong papunta sa faculty room dahil May kukunin sya.

"Congrats pala anak at nanalo ka sa mtop, proud ako sayo." Lumiwanag ang mata ni minjeong sa mga salitang binitaw ng kanyang guro.

"Hintayin mo ako." Minjeong nodded and waited patiently for her teacher. Bumalik ito ng May hawak na isang papel at hinarap ang bata, "Alam mo kung ano ito?" Tanong nya at umiling si winter.

"Gra-Graduate ka minjeong, ako na bahala sa natitira mong expenses dito sa paaralan." Malawak ang mga ngiti ng guro habang si minjeong naman hindi maka salita sa biglang pag anunsyo nito.

Onting onti uminit ang kanyang mga mata, dali dali nya naman itong pinunasan habang May malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Anak, gusto ko makapag tapos ka ha." Hinila ni teacher Margaret and maliit na minjeong sa isang mahigpit na yakap. For the first time in her life minjeong felt true happiness, grateful towards her teacher na walang ibang ginawa kundi ang alalayan at alagaan sya.

CEO YU | Winrina (Discontinued)Where stories live. Discover now