"Ae kapag natapos ka dyan, mag map ka ng sahig huh?" Sigaw ng aming boss."Yes boss." Tugon ko rito.
Pinagpatuloy ko naman na ligpitan ang mga baso at mga bote sa mesa. Anong oras na nanaman ako uuwi nito dahil nagsara ang aming club ay anong oras na dahil sa dami ng customer ngayon.
Matagal na akong magtratrabaho dito simula ng matapos ako ng senior high dahil ito lang buhay na meron ako. Kahit anong part-time job ang kinuha ko kahit nag-aaral ako. Magkapatapos kong magligpit ng mga mesa at paglinis ng mga sofa. Naisipan ko na din na mag map na ng sahig.
Hindi ako masyado na nakapag fucos sa pag-aaral dahil na rin sa mga gagawin ko.
Naglakad ako pauwi ng alas tres ng umaga dahil ito ang oras para magpahinga ako. Kahit anong pagod kailan kong magtrabaho dahil wala wala kami.
"Mabuti naman at umuwi ka na!" Salubong sakin ni tita."Asan ang pera mo?" Pa sigaw na ani nya sa harap ko nakasandal sya sa may pintuan at hinarangan talaga ako.
Kinuha ko naman ang wallet sa aking bulsa,bubuksan ko na sana ang wallet pero hinablot na kaagad nya at sya na ang kumuha hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan nalang sya na halungkatin ang aking wallet.
"Heto lang ang sweldo mo?"Sabay bato sakin ng wallet ko. Tumango naman ako doon at sinalo ang wallet na binato nya sa aking dibdib."Mabuti naman at malaki kahit paano noh?"
Hindi nalang ako sumagot at tumabi naman sya ng kaunti kaya nakapasok ako ng bahay.
"Kung inasawa mo sana yung anak ng mayor sana ngayon nakahiga na tayo sa pera, bobo mo kasi!" Reklamo nya sa aking likuran.
Hinubad ko naman ang aking bag at sapatos.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag aayus sa aking sarili hindi na ako nag-atubili pang buksan at tingnan ang aking wallet dahil alam ko naman na wala na akong aasahan pa doon.
"Magluto ka nalang dyan kung kakain ka bahala ka na sa buhay mo at ako aalis na muna."
"Auntie kumain na ba ang mga kapatid ko?"
"Malamang anong oras na umaga na mag aalmusal na yun." Ani nya pa.
Tumango nalang ako at pumunta nalang sa kusina, binuksan ko ang rice cooker pero wala ng laman at marami din hugasin.
Sinoot ko nalang ang apron at nagtakal ng bigas sa rice cooker at kinuha sa ref ang natitirang ulam ka gabi at yun nalang ang aking iinitin pero kailangan ko din magluto ng pagkain para sa almusal ng dalawa kong kapatid at kailangan din nilang mag baon ng pagkain sa school.
Wala na akong narinig na talak ni tita kaya alam kong umalis na iyon. Habang nagsasaing ako ininit ko nalang ang ulam at nagluto.
Umupo ako sa sofa at pinasahe ang aking balikat at aking leeg.
Kahit pilit ko alam kong inaantok talaga ako pero kailangan kong pigilan dahil marami pa akong gagawin. Kung matutulog ako ngayon ano nalang ang aalmusalin ng mga kapatid ko sa pagpasok.
Baka wala pa iyon baonin na kanin kung tutulog pa ako.
"A-ate!Ate?"
Sigaw ni Ie ng makita ako hindi ko naman mapigilan na tumayo at daluhan sya dahil antok na antok pa ang mga mata nya.
"Good morning ate!" Sabay sulpot ni Dean sa likod ni Ie.
"Mag hilamos na kayo at mamaya maligo na kapag nahimasmasan na kayo." Ani ko nalang at tumayo at pumunta sa kusina.
YOU ARE READING
Our Mysterious Forever (High school series #3)
RomanceHave you ever wondered what kind of life you have?The feeling that all the problems in the world are your burden? You have lived with pain, you should enjoy your life but you can't because there is a big thing in life you have to do. Everything you...