Hello sa inyong lahat ito ako ngaun comeback ahahaha ^___^ .
Isang kwento na hindi ko alam kung bakit ko nga ba ito na sulat pero sana mabasa nyo po ang mga sumusunod na pangyayari at sana magustuhan nyo ito. Maraming Salamat
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Katrina wala namang problema sayo kundi SA AKIN!! Sa akin Kat! Sa akin!” Sabi nya sa akin
“Alam kung alam mo na hindi tayo para sa isa't isa. Ikaw yung tipong ng babae na di dapat saktan e.” Alam mo naman pala eh, Bakit nakipag halikan ka parin dun sa babaeng malandi
“Alam kung gago ako Katrina pero sorry kung sayo pa ako nag loko. Sorry talaga” Pang ilang sorry na nya yan? Hay Hindi ko alam. Pero kada sinasambit nya ang salitang SORRY mas lalo akong nasasaktan.
“Kat hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang lakas ng luob para maging ganyan ka manhid? Bakit Kat? Di mo naman kaylangan tiisin yung sakit e. pwede mo akong saktan”
Kahit ako hindi ko alam kung paanu ko kinakaya ang ganung bagay. Ang pagiging manhid?
Hindi ko alam kung tama ba ito! Pero ang alam ko ganun ko kamahal si Jethro, Kahit maging tanga tanaghan pa ako di ko ’yun iintindihin pa.
Na niniwala kasi ako na Every mistake there's another chance to prove it! that you truly deserve it!
Pero sa kaso ni Jethro para sya na mismo ang nag patunay na hindi nya kaya yun. Lalo nung nakita ko sya sa likod ng building na may kahalikan na babae, Hindi ko alam kung anu ang iaakto ko dun sa nakita ko. Hindi ko alam kung susugurin ko ba sila para pag sasampalin yung babae para ipamukha na yung kahalikan nyang lalaki ay may girlfriend o Aalis na lang parang walang nakita.
Kaso Ako si Katrina isang Manhid!!! pinili kong umalis dun at inisip ko na wala lang yun. Isang lauran lang yun ni Jethro, Inisip ko na ako parin ang mahal nya.
Pero hindi!!
HINDI! Hindi ganun ang ng yari!
Ito ngaun si Jethro nasa harapan ko, unti unti nyang sinasabi ang lahat sa akin, Unti unti nyang sinasabi ang mga salitang ayaw kung marinig mula sa kanya.
Tama ata ang mga nababasa ko sa Wattpad, AsianFanfic at kung saan saan pa.
Para akong binaksakan ng langit ang lupa...
Para akong inapakan ni Edward sa Hansel at Gretel sa sobrang sakit ang nararamdaman ko ngaun...
Para naman may sumakal sa akin ng mga oras na yun para mahirapan akong huminga...
Para naman akong nakipag laro ng pitik bulag ng di ako nakapikit para mapaiyak ako ng sobra sobra...
Pero bakit ganun ang nararamdaman ko ngaun? Bakit pinapaniwala ko ang sarili ko na isa lamang itong panaginip.
Hindi mag sink in sa utak ko ang lahat. Ewan ko! Ang alam ko sinasabi ng puso at isipan ko na mahal ko talaga si jethro at di ko kaya syang mawala sa akin.
“No. Jethro! I know we can start all over again” Mariin kung sinabi sa kanya sabay hawak ko sa kamay nya naka patong sa lamisa.
Agad ko naman naramdaman ang pag tutol ni Jethro sa pag hawak ko sa kanya.
Katahimikan ang bumalot sa amin ni Jethro ng ilang minuto.. Nang marinig ko ang ingay sa upuan na kinakaupuan nya lang kanina.
Ngaun nakatingin ako sa kanya, Habang nakatayo sya sa harapan ko.. Ang mga tingin kung yun ay pinapahiwatig na wag nya gawin ito sa akin, wag nya sabihin ang mga salitang gustong gusto na nyang ilabas kanina pa sa mga puso nya.
BINABASA MO ANG
SaranghaeChingu(ILOVEYOUFRIEND)
Teen FictionTungkol sa isang relasyon ng dalawang tao na mag kaibigan. Sana makuha nyo ang POV ko dito. BESTFRIEND VS. BOYFRIEND. maraming salamat sana mabasa nyo at magustuhan nyo. VOTE COMMENT. kumao :)