Hinatid ako ni Timothy sa bahay. Unang pag kikita namin hindi naging maganda ang naging pag uusap namin dahil habang nag kwento sya kung hindi ako nakatingin sa Cellphone ko tulala at lutang ako.
Kaya nag set ulit ako ng Date namin nakakahiya naman talaga kasi sa kanya e.
Andito ako sa bahay namin sa Cavite agad akong sinalubong ng sobra cute na pamangkin.
"Meme Kat" (Meme ang tawag sa akin ni Johnly.. mommy dapat kaso nung baby pa sya di nya mabigkas ng maayos)
"Kasama mo po ba si Meme Sab at si Dada Dexter" Sabi sa akin ni Johnly
Isang bagay na naman ang lumaptad sa akin at nag patunay sa Relasyon nila Sabrina at ni Dexter.
Hindi ko na sinagot ang tanung ni Johnly ang ginawa ko na lang ay kinarga sya at pumunta kami sa kwarto nya. Mejo pagod na din ako nuing araw na yun at sumsakit pa ang ulo sa mga bagay na mga nalalaman ko.
Sabrina bakit hindi mo sabihin maiitindihan naman kita e. Pero pinili mo pang ilihim sa akin.
Bigla ko naman na alala yung araw na sinabi nya sa akin na dapat wala daw lihiman. Pero sya ang bumali dun. at hindi pa dun nag tatapos pinag mumukha nya akong tanga. Lahat ng tao dito sa bahay namin alam na may Boyfriend sya ako na bestfriend nya.. BESTFRIEND NYA!! walang ka alam alam sa mga nangyayari sa buhay nya.
****
Pinili kung di sabihin na alam ko na ang relasyon nila Sabrina at Dexter, gusto ko kasi mismo si Sabrina ang mag sabi sa akin.. pero anim na buwan na ang nakakalipas pero di parin sinabi ni Sabrina sa akin.Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko naging malaking dahilan si Dexter sa mga di pag sipot ni Sabrina sa mahahlagang araw. Katulad na lamang ng akin Birthday.. Nag Text sya sa akin tatlong araw ng nakakalipas ang Birthday ko. Ang Special Day namin dalawa di man lang kami nag kita nung araw na yun dahil busy daw sya.
dati nag txt sa akin yun pag may time sya pero ngaun wala na. Hindi ko na rin sya tine-text hindi ko alam kung bakit. Pero lagi ko naman sya na iisip. Sa tuwing may makikita ko mag bestfriend na iingit ako. Bakit ganun? Bakit ang layo namin sa isa't isa lalo na ngaun.. lalo ko pang nararamdaman ang pagitan namin dahil may nakaharang na.
Kaya di ako nag dalawang isip tanggapin sa akin ang Offer ni Timothy. Sa luob ng ilang buwan naging buo na ang disyon ko. Ito na ata talaga ang karapatdapat.
****
Ngaun pa punta ako sa bahay nila Sabrina inimbita ako ng Mom ni Sabrina dahil birthday ng Dad nito.
Hindi na ako nagulat sa makikita ko pero si Sabrina ay kita kung gulat na gulat sya. Napatayo pa nga sya sa kinakaupuan nya..
Nag biso ako sa kanya parang wala lang.. parang walang kakaibang nangyayari..
"Hi Dexter" Bati ko sa katabi nya
Ngiti na lang ang tinugon sa akin ni Dexter pero si Sabrina ay natayo at nakatulala parin.
Kagulatgulat ba? Normal ko naman silang binati..
Pag katapos nun inasikasoa naman ako nila Tita at Tito.. kasama ko ang mga pinsan ni Sabrina.. kung dati pag may family Event sila sabrina ang kasama ko o ang kadikit ko ay si Sabrina pero ngaun hindi na..sI Dexter na ang nasa tabi nya.
Malapit na matapos ang araw pero hindi pa kami nakakapag usap ni Sabrina. Hindi ko kayang lumapit sa kanya at sa tingin ko naman hindi kayang lumapit sa akin ni Sabrina. Kita ko sa kilos at galaw nya ang tensyon.. pero pag nag tatama ang mga mata namin ay ngini-ngitian ko sya.
Tingin ko ito na ang tamang oras para umalis na dito. Nilapitan ko si Tita at Tito kasama ang iba nilang relatives at nag kakantahan.
"Tita at Tito kaylangan ko na pong umalis. Mahaba pa po kasi ang byahe ko"
BINABASA MO ANG
SaranghaeChingu(ILOVEYOUFRIEND)
Teen FictionTungkol sa isang relasyon ng dalawang tao na mag kaibigan. Sana makuha nyo ang POV ko dito. BESTFRIEND VS. BOYFRIEND. maraming salamat sana mabasa nyo at magustuhan nyo. VOTE COMMENT. kumao :)