Laptop and the blinking line.
I am planning to write another cliché love (?) story again.
Pero walang pumapasok sa utak ko.
Ha ha ha.
After how many years, nagtatangka na naman ako magsulat. E' ilang years na ba akong 'di nagwa-Wattpad?
Staring blankly at my blank document at word, how am I supposed to do this?
Since I started college I didn't even read books even though I bought books from the last book fare.
Porket wala lang ako magawa ngayon, nagsasayang lang ako ng kuryente lol.
Well, di naman ako ang nagbabayad ng kuryente so, g lang hehehehe.
Sinarado ko ang laptop ko at tumitig sa labas, tahimik.
Halos huni lang ng ibon ang maririnig mo bukod sa hilik netong kasama ko.
Isabay mo pa ang init pero ano bang magagawa ko, nakatutok sa kanya ang fan.
Napabuntong hininga na lang ako.
Ang hirap kapag di ka talented.
Gitara? Piano? Kanta? Arts? Libro?
Jusko, nasan ba ko nung nagpaulan si Lord ng hobbies? Tulog ba ko non? Buti pa to'ng kasama ko, kahit ang ingay matulog, busog lusog naman sa biyaya.
Dahil wala talaga ako magawa, sige, magce-cellphone na lang ako.
I've already had enough watching kdrama!
Charot.
Wala na ko pang facebook hehe.
Kairita naman kasi ang globe, dati ang ganda ng Gosurf50 nila. May pang yt at 1/gb per day of your choice ka pa, e ngayon wala na. kailangan mo na mamili kung pang-share or pang-watch and play na lang. bawal na talaga ang salawahan no?
Imbes na i-on ang wifi.
Gallery.
Sa lahat ng pipindutin ko, ba't eto ang pinindot ko?
Full of paking shits ng pictures namin ng ex ko.
Ha. Katawa.
Ginagawa naman naming 'yun' pero bakit niya pa yon nagawa sa iba.
Ang nakakatawa pa, binuntis pa.
Natawa na lang ako at dinelete ang mga pictures namin.
Anong sense kung nandito pa sa gallery ko ang picture nya e wala naman na kami and nasa deleted album na yun ng ios.
Anytime pwede ko irecover kapag magdradrama ako uahuauha.
Ilang beses ko na to nagawa e, ang idelete ang lahat tapos ending recovered. Oras na ba para magpalit ng phone para wala ng balikan?
Wala naman na talagang babalikan e.
Memories na lang.
Napatitig na lang ako sa mga notebooks ko, my babies. Buti na lang at broke ako, hindi ako masyado nakapag panic buying ng notebooks.
So, alin sa kanila ang hahawakan ko?
E-ni-mi-ni-mi-ni-mo alin sa in yo ang pi-pi-li-in ko?
Yung devotion ko, late lang ng ilang araw pero keri lang yan hehehe. Basta updated naman diba. Yung isa naman para sa pagsusulat ko ng Hangeul kaso tinatamad naman ako mag-aral mag Korean ngayon.
Napabuntong hininga na lang ulit ako.
Napatingin ako sa kasama ko, sana ol masarap ang tulog.
Ako din kaya?
Aniyo! Di pwede, maghapon na ko nakahiga!!!
Napangudngod na lang ako sa desk ko sa inis
at tuluyan ng nakatulog.