"Diyos kong mahabagin!"
Mabilis pa sa segundong napabangon si Zianah sa hinihigaan dahil sa malakas na kulog mula sa langit kasunod noon ang pag-buhos ng ulan. Hindi pa rin siya nakabawi sa naramdamang gulat at hawak-hawak pa rin ang dibdib. Akala niya ay magiging mahimbing na ang tulog niya pero simpleng kulog lang pala ang makakapag-pagising sa kaniya.
Bumangon siya sa hinihigaang sopa at tinungo ang salaming-bintana para pagmasdan ang dumadaloy na tubig dito.
Mag-isa lang siya sa tinutuluyang apartment kaya tahimik ang buhay niya kapag tag-ulan. May kapit-bahay rin naman siya pero hindi niya naman kalapit kaya nasanay na siyang mag-isa lagi.
Nagawi ang tingin niya sa labas kung nasaan ang sampayan na may nakasabit na damit. 'Ang nilabhan ko!' Naisatinig na lang niya sa isipan habang sapo-sapo ang noo. Ang nilabhan niya kaning umaga ay malayang napatakan na naman ulit ng ulan.
"No! Hindi ito pwede! Ilang linggo akong hindi naglaba dahil sa trabaho at ngayun lang nabigyan ng pagkakataon tapos mababasa na naman ulit! No, no, no!" Naikamot niya ang mga kamay sa ulo. Paniguradong wala siyang masusuot na damit sa trabaho kapag nagtuloy-tuloy ang pangyayari.
Dapat niyang makuha ang mga sinampay para mapatuyo iyon ng tuluyan. Siguradong tuyo na ang mga iyon at kung magkataon man ay mabasa ulit.
"Ang bobo mo naman kasi, selp! Kaninang umaga pa yan nailabhan tapos hindi mo pa naisipang kunin!" Hinampas niya ang sariling ulo habang maiiyak sa nangyari. "E, ngayun hapon na!"
Hindi niya kasalanan kung nakalimutan niya, kasalanan ng panahon kung bakit pabigla-bigla ito sa pag-ulan! Pero kahit ganun ay naiiyak pa rin siya, dahil...kasalanan nga niya!
Dala-dala ang payong at malaking basket ay patakbo agad siyang lumabas sa apartment. Sa harapan ng apartment ay mabubungaran ang pahalang na kalsada at kailangan niya pang umikot sa likuran dahil nandoon ang sampayan.
Hindi pa man nakaikot si Zianah ay napahinto siya. Naaninagan niya ang puting bagay na nakahilata sa gilid ng kalsada katapat ng kaniyang apartment. Nagtaka siya habang tinititigan iyon. Gusto niyang balewalain pero may nag-udyok talaga sa kaniyang lapitan iyon.
Nagderi-deritsyu siya sa gilid ng kalsada patungo sa puting bagay na nakita at habang palapit ng palapit ay mas lalong naaninagan niya ito. "Lalaki?" Nagtataka at nanlalaki ang mga mata ni Zianah.
Nangulat siya at nanginig sa nakita. Isa ngang lalaki, walang malay na nakahandusay. Tanging mataas; hanggang talampakan, na puting damit lamang ang nakabalot sa katawan nito, at may mga bahid iyon ng dugo.
Mabilis na lumuhod si Zianah para tapikin ang lalaki. "Kuya? Kuya, gumising po kayo." Ngunit wala itong naging tugon, nanatiling nakapikit ang mga mata.
Kinakabahan si Zianah habang nagpalinga-linga. Malakas ang kulog at ang buhos ng ulan, basa na siya dahil nilipad ng hangin ang kaniyang payong. At kung sisigaw siya walang makakarinig sa kaniya dahil malayo-layo ang mga kabahayan. Magtataka lang din lamang ang mga taong makakakita katulad niya. Hindi siya makakahingi ng tulong.
"Lord, ano ba ang nangyayari?" Papikit-pikit si Zianah dahil sa tubig na pumapatak sa kaniyang mata. Yakap-yakap niya ang ulo ng lalaking walang malay.
Kahit pa naguguluhan ay nasa isip ni Zianah na hindi niya maaring iwan na lamang ang lalaki sa kinalalagyan nito. Pakiramdam niya ay isa iyong malaking kasalanan. Kasalanan na kung kasalan ang hindi niya pagkuha sa mga sinampay, pero ang lalaking natagpuan niya ngayun ay hindi dapat pabayaan.
"Paano naman kita mabubuhat? Lalaki ka tapos babae ako. Walang silbi lang 'yong lakas ko kumpara sa lalaki," iyon lamang ang naging problema ni Zianah habang pinasadahan ng tingin ang lalaki. "Bahala na. Kaya ko 'to."
BINABASA MO ANG
Living With That Próstituted Guy
RomanceNot only women are the victims of rape and prostitution, there are also men that are involved. And there's a reason of how Axaros became one of them. He was saved by the woman named Ziana and thought she's the most trusted one but no. "Why, Ziana...