I made this story for my lovely bestfriend meiyoww. I always make one shots for my close friends :)
. . .
Sheryl
"Game?"
Ngumiti ako at tumango sa sinabi niya. Minsan lang naman humingi ng pabor sakin ang kaibigan ko kaya pinagbigyan ko na.
"Thank you talaga Sheryl. Big help." nakangiting sabi sakin ni Mei. Gumaan ang loob ko dahil sa mga ngiti niya.
Umupo kaming dalawa sa magkaharap na upuan, nandito ako ngayon sa bahay nila kasi humingi siya ng favor sakin na tulungan ko daw siya sa project niya sa psychology. Actually kaming dalawa nga lang ang tao dito. It's okay, may tiwala naman ako sa kanya.
"Okay Sheryl, ang gagawin natin ngayon ay tinatawag na Picture Storytelling test. Ahm, this is a psychological perception used to determine your personality characteristics. Hehe." paliwanag niya sakin at inayos ang buhok niya.
Kumunot ang noo ko at nagtanong. "Paano ba gagawin yan Mei?"
Ngumiti siya ng konti. "May ipapakita ako sayong limang pictures, bawat picture ay may tanong mula sakin, ahm. Bale sasabihin mo kung ano ang pananaw mo tungkol sa bawat picture. Gets? Ahm. Teka kukunin ko lang yung pictures sa kwarto." sabi niya tsaka tumayo at umakyat papunta sa kwarto niya.
May pagka awkward talaga si Mei. Sabi ko sa isip.
Habang hinihintay siya ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan kung may message mula kay Joe. Nabadtrip ako nang makita kong wala. Hay, kaninang umaga pa yun di nagtetext.
"Nakuha ko na. Hehe."
Narinig ko ang mga hakbang ni Mei pababa ng hagdan kaya dali dali kong nilagay sa bulsa ang cellphone ko.
"Sino ka text mo?" nakangiti niyang tanong sakin. Pinagmasdan ko ang hawak niya. Puting cardboards. Yun na ata yung mga pictures.
"Wala." mabilis kong sagot. Hindi niya na kailangang malaman pa.
Naglakad siya papunta sakin at umupo sa harap ko. "Ayiee. May boyfriend ka na ba, Sheryl?"
Mabilis akong umiling. "Wala! Hahaha. Single pa ko Mei."
"Talaga? Baka meron, tinatago mo lang sakin." sagot niya sakin at inayos ang mga hawak niya.
I felt uncomfortable dahil sa sinabi niya. Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti. "Wala nga, Mei. Mag start na tayo. Nagmamadali ako e."
"Baka may date ka? Haha. Joke lang. Sige Sheryl start na."
Tumikhim ako at tinitigan lang ang hawak niya.
"Okay, first picture." she said and flipped the cardboard.
Pinagmasdan ko lang yung picture. Nasa black and white ito. Merong babae na nakatayo at nakalagay ang kamay sa mukha. Nakasandal siya sa pintuan.
"So, what do you think the character is feeling and thinking?" tanong niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Anong Nakikita Mo? (OS)
Mystery / ThrillerThere are devilish thoughts even in the most angelic faces.