Dear#04

128 7 4
                                    

Dear EX,

Makakahanap din ako ng kapalit mo! Oo kapalit mo, hindi katulad mo!

Your EX,

Dennisse

-00000-
"Dennise si Mike oh!" Turo sakin ni Mitsee dahilan para mapatigil naman ako sa pagsusulat ng mga kabitteran sa buhay.

"Dah! Move-on na ako te!"

"Eh paano kung makapagbalikan sya sayo?"

"Hah? Ewan. Pero ano ka ba? Imposible yun."

"Walang imposible sa love, dear!"

"So I don't care. Magsama sila ng barkada nya. I had enough!"

Lumapit naman si Mitsee sakin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"I think you're getting bitter, Den!"

"Hindi ba pwedeng nasaktan lang kaya nagkaganito?"

"Ewan ko sayo. Kaya ayoko magkalovelife e! NBSB goal."

"NBSB din naman ako ah, No Boyfriend since Break-Up!"

"Humanap ka na lang kasi agad ng kapalit ni Mike!"

"As if naman ganoon lang kadali yun! Nakakapagod din magmahal at magtiwala ano!"

"As if naman alam ko ang feeling, ano po." Ang inosenenteng si Mitsee pagdating sa pag-ibig.

"Pare-pareho talaga ang lahat ng lalaki. Kainis!", inis kong sambit

"Bakit nakarelasyon mo na ba ang lahat ng lalaki sa mundo? Wow, napaka-play girl mo talaga." biglang singit naman sa usapan ni Cholo, bestfriend ni Mitsee na supposedly bestfriend ko na din dahil sa bestfriend ko si Mitsee. Make sense? Ayst basta.

"Ang point ka lang, kayong mga lalaki na ang tanging goal lang sa buhay ay magpa-ibig na babae at mang-iwan pagtapos."

"Ah talaga? Pero huwag mong lahatin. Hindi ako katulad nyang Ex mo."

"At anong pinagkaiba ninyo? Sino na naman ba ang nililigawan mo ngayon, aba? Yung transferee diba?"

Isa pa din kasing playboy itong si Cholo. Oo, gwapo naman siya. Pero para sakin, pare-pareho silang pangit sa paningin ko dahil sa mga pinaggagawa nilang kagaguhan.

"Atleast ako, babae ang hinihintay kong makipagbreak. Hindi katulad niyang Ex mo, na wala na ngang pakialam sa mga nagiging girlfriend niya ay hindi pa kayo nirerespeto."

"At saang banda niya ako hindi nirespeto? Excuse me, naging kami pero never niya akong hinalikan ano."

"Ah baka hindi ka lang niya type para gawin ang ganoong bagay sayo!"

"At isa pa, noong naging kami may pakialam siya sa akin, at naiparamdam niyang mahal niya ako."

"Pinagtatanggol mo iyang Ex mo?", bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napansin kong nataasan ko pala siya ng tono. Pero wala na akong pakialam, iniinsulto niya si Mike.

"Mahal mo pa pala, hala habulin mo!", tinaasan niya rin ako ng tono. Sa sinabi niyang yan naramdaman kong bigla na lang siyang nagalit sa akin.

"At bakit ko naman siya hahabulin, ano ako aso at siya yung buto na kailangan ko para habulin?"

"So hindi mo na mahal?"

"Hindi na! Manigas siya."

"Good. May klase pa ako." sabay tayo niya at ginulo-gulo pa ang buhok ko.

Ano bang trip niya?
Ginulo niya pa ang halos isang oras kong pag-aayos ng buhok. My precious hair.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSB Diary (NoBoyfriendSinceBreakup)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon