Chapter 02

1.2K 35 0
                                    

Owner

"Ms. Farida Mulier, thank you very much for accepting our invitation. I am pleased to show your talent and skill in endorsing our products."

Isang matamis na ngiti ang tanging naging bigay ko sa kanila dahil sa labis nilang mga papuri sa akin.

Maging ako ay masaya rin dahil sa magandang outcome ng ginawa ko hindi lamang 'yon dahil mabilis na sold out ang mga ito sa loob ng isang linggo.

"I would like to thank you for the invitation to endorse your products. I truly appreciate the opportunity to showcase my talent and skill, and it means a lot to me that you have recognized my abilities.." sagot ko at tinignan silang lahat.

Binigyan nila ako ng isang bungkos ng mga bulaklak at bago sila nakipag kamay sa aking manager at sa aking personal assistant.

"I hope that this is just the beginning of a successful collaboration, and I look forward to the next opportunity we have to work together." hindi nagtagal ay nakipag-usap silang muli sa aking manager at pinag-usapan ang magiging sunod kong endorsement sa kanila kung mauulit, kumaway sila ng matapos bago sila tuluyang lumabas ng building.

"Pagod ka na?" nangiting tanong sa akin ni Chloi.

Lumakad kami papuntang elevator at pumasok pinindot niya ang fourth button at tumabi sa gilid ko.

"Nakakapagod ang shoot." sagot ko naman at hindi maiwasang humikab sa antok.

She looked at her watch for a moment and focused her attention on the front.
"It's past time for lunch, you can leave after this. And at four o'clock in the afternoon Maisie will come to your condo with the makeup artist and help you with everything you need."

Tahimik akong nakikinig sa tabi niya at tumango. "Okay."

"At bawal kang ma-late." lumingon siya sa akin at matalim ang tingin.

Nang tumunog ang elevator ay sabay kaming lumabas at dumiretso sa dressing room. Kinuha ko ang handbag at phone ko bago lumabas.

"I'm leaving." tumango lang si Chloi habang abala sa kaniyang cellphone samantalang si Maisie ay ngumiti muna bago kumaway sa akin.

Pagkababa ng ground floor ay kaagad ko na tinawagan ang aking driver bago pa man ako makalabas ng building.

May humintong kotse sa harapan ko at lumabas ang aking driver, umikot siya at pinagbuksan ako ng passenger's side door kaya pumasok at hinintay siyang makabalik ng driver seat.

"Ma'am, saan po kayo kakain ng tanghalian niyo?" tanong niya sa akin pagpasok niya sa kotse.

"Takeout lang Manong, sa condo ako kakain." sagot ko sa kaniya at kinuha ang phone ko sa handbag na nasa tabi ko.

"Sa restaurant po ba ni Sir Wyatt, Ma'am?" tanong niya ulit bago binuhay ang engine ng kotse.

"Yes po, Manong.." sagot ko at abala sa pag-composed ng message sa pinsan ko.

To: Wyatt

I'm hungry.

Wala pang limang minuto ay kaagad na nag-reply siya sa message ko.

From: Wyatt

What would you like to eat?

To: Wyatt

Grilled Romaine Wedge Salad, Short Rib and Foie Gras, and Strawberry Lemonade.

BS01: His Wicked Billionaire Where stories live. Discover now