chapter 1

49 2 0
                                    

*Sydney's POV*

"hey beany!" sigaw ni Lance habang papalapit sakin.

"gusto mong masipa ulit?" sabi ko habang nakatingin sa ibaba niya. Kasi naman! Beany siyang Beany eh Sydney ang pangalan ko.

"Naku wag! Baka di na dumami ang mga gwapo sa mundo" he hold his crotch.

"HA.HA.HA! Funny Lance! Funny!" please insert sarcastic tone here. I automatically rolled my eyes on him.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa binabasa kong chain message mula sa unknown number. Actually nabasa ko na siya kanina. Ayoko lang talaga na tingnan pa si Lance.

"ano yan beany?" umupo siya sa tabi ko at sinilip ang phone ko.

"pwede ba?! Stop calling me Beany! Sydney ang pangalan ko! Psh." nakasanayan niya na sigurong tawagin akong Beany. Ewan ko kung bakit Beany. Heck I care.

"Eh kasi naman, nagiging kamukha mo na si Mr. Bean. Hahaha!" umilaw ang cellphone ko at may new message. "oh tingnan mo pati wallpaper mo si Mr. Bean. HAHAHAHA!"

"Ano bang pakialam mo? Tss. Buti nga siya napapasaya niya ko." tumingin ako sa relo ko. It's already 7 in the evening. Still, nandito parin ako sa school doing nothing. Di ko nga alam kung bakit ako nandito sa mini park ng school.

"aw" tumungo siya. Problema neto? after ilang seconds, tumayo siya at inilahad ang kamay niya sakin ng nakangiti. "tara na uwi na tayo"

"sinong may sabing sasabay ako sayo?" I arched an brow on him.

"hmm, sino nga ba?" he smirked at nagkamot ng ulo. Kunwari nagiisip. "ako yata? hahaha! Tara na kasi"

I sighed. Inabot ko ang kamay niya at nagpahigit. Nagpatiuna na ko sa paglalakad habang siya nakasunod lang.

Silence..

Silence..

Silence..

"Sydney...." napalingon ako sa kanya. Ngayon niya nalang ulit ako tinawag ng ganun. Usually kasi tinatawag niya kong ganun pag seryoso siya. So, it means, his serious mode is on.

"what?" hinawakan ko ang strap ng bag ko habang mataray na nakatingin sa kanya.

"ahh, ano.. Wala"

"psh." tumalikod na ko sa kanya at naglakad na ulit. Awkward silence formed.

"ahh, Sydney, dito na ko" sabi ni Lance habang turo ang isang kanto.

"what? Diba walang daan diyan papunta sa inyo?"

"may dadaanan pa pala akong gamit sa kakilala ko. sige bye~" kumaway na siya at nag flying kiss habang unti unti siyang nawawala sa paningin ko. Medyo madilim kasi yung daan.

Napatingin ako sa mga tambay sa isang tindahan. Nakatingin sila sakin ng nagtataka. Oh well, mga lasing kasi kaya ganyan.

--

"Ma I'm home" binaba ko na ang gamit ko sa sofa at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Feeling ko kasi nawala lahat ng laway ko sa bibig.

"bakit ngayon ka lang?" she said while going down the stairs.

"may hinintay pa po kasi akong kaibigan" ibinaba ko na ang baso ko sa lababo at nagmano kay mama.

Tumango tango lang siya.

"ma akyat na po ako"

"di ka kakain?"-mama

"di na po. Busog pa ko." seryoso ako sa sinabi kong busog ako. Ewan ko ba. Di pa naman ako kumakain pero busog na ko.

Weird feelings..

Binitbit ko na ang bag ko at umakyat na.

--

Agad akong sumalampak sa higaan ko at kinalikot ko ang phone ko. Yung new message kanina, chain message ulit.

Natatakot na ko sa mga chain messages na yan ah!

Kinuha ko nalang ang laptop ko at nagfacebook.

23 notifications.
2 friend requests.
1 message.

How I wish na hindi chain message itong nasa chatbox ko.

I just mark all the notification as read. Binuksan ko naman yung friend requests. Si Lance Gonzales at Ivan Santos.

Ang alam ko binlock ko na tong si Lance ah? Bakit nahanap niya na naman fb ko?

Ivan Santos? I don't even know him.. Tss.

Message from Lance Gonzales:

Please iaccept mo na ko :3 miss na kita eh..

"Hay nako! Marinig ko nga lang pangalan mo inis na ko. Iaccept ka pa kaya?"

Eto na naman ako, talking to myself. Nababaliw na naman ako.

Yawned..

Inaantok na ko.. Sinara ko na yung laptop at nilagay ito sa ilalim ng unan ko. I closed my eyes and let myself go on dreamland.

Unexpressed (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon