chapter 8

0 0 0
                                    

"Pula--" Seryoso nyang sambit sa pangalan ko. Pusha, dami daming pwedeng ipalayaw sa akin-Pula pa talaga?! "Akala mo ba hindi ko alam na may kasintahan kang tao?"

"Bakit ama? Pagbabawalan mo na ako? Mahal ko po si Ella. At katulad nang ginawa mo noon na ipinaglaban si Ina sa lahi natin, gagawin ko din iyon sa kanya. Ipaglalaban ko sya."

Nagmanipesto sa kamay ni Ama ang kanyang itim na espada. Kaagad itong nag-apoy. "At paano kung hindi ako pumayag? Ako parin ang ama mo. Ako ang hari at prinsipe ka lang. Ako parin ang masusunod."

Hindi ko inakala na aabot kami ni ama sa ganitong sitwasyon. Bumuntong hininga ako. "Kung ganun ama, wala akong pagpipilian kundi ang kalabanin kayo. Ipapalagban ko si Ella." Pumikit ako saglit at pinakiramdaman ang kapangyarihan ko.

Nang magmulat ako, humaba na ang buhok ko na umaabot hanggang bewang. Hati ang kulay nito, asul sa kanan at pula sa kaliwa. Sensyales na nasa maximum level na kaagad ang kapangyarihan ko.

Napaatras si ama nang pwersahan kong sinira ang mga baging nya para makawala ako. After that, nang maramdaman kong malaya na ako ulit, binuksan ko ang dalawang palad ko at dalawang espada ang nagmanipesto sa mga kamay ko.

Naglalagablab ang espada ko sa kaliwa habang ang nasa kanan naman ay nagyeyelo. Inililipad nang hangin ang mahaba kong buhok habang nakatingin ako sa aking ama.

"Handa ka ba talagang kalabanin ako para sa babaeng yun? Hindi ko inasahan na lalake kang ganito. Isang kang prinsipe, Pula. Mag isip ka!"

"Hindi tayo aabot sa ganito kung hinayaan mo nalang ako. Kapag inalayo nyo sya sa akin hindi na titibok ang puso ko. Patawad ama, pero kung kinakailangan kong gawin ang saktan ka. Gagawin ko." Hinigpitan ko ang hawak ko sa mga espada ko.

Handa na sana akong sugudin si ama nang bigla nang binitawan ang espada nya at tumawa sya nang tuwa. Ha? Anyare sa kanya? May nakakatawa ba sa nangyari?

twilightWhere stories live. Discover now