♡ Bakit hindi ka mahal ng mahal mo?

33 2 0
                                    

Kei: And we got our Question and answer segment! The question is from xxImposibble16.  Ang tanong ay bakit hindi ka mahal ng taong mahal mo? Well, xxImpossible16...Wag ka ng magtanong kung bakit hindi ka nya mahal dahil obvious naman ang sagot di ba? May mahal syang iba. At may mas deserving pa para sayo. Hindi mo sya dapat habulin at pag aksayahan ng oras. Yun lang po at maraming salamat.

♡ ♥ ♡

"Ang daling sabihin nun para sayo....Walang kwenta! Bakit pa kasi ako nagpadala ng tanong?!" Pinatay ko agad ang TV dahil sa sobrang inis ko. Ang dali daling sabihin nun para sa kanya dahil hindi naman nya nararamdaman yung nararamdaman kong sakit ngayon.

Masama bang magtanong? Baka mahanap ko ang nawawalang sagot na magbabalik sa dati naming relasyon ni Yza.

"Jace! Hindi ka tumagal ng 3 minutes dito sa labas tapos mag kukulong ka na naman? Ano bang gusto mo? Mag kukulong ka na lang jan hanggang bumalik sayo si Yza? Kapatid, mag move on ka na!" Sigaw ng ate ko.

Dahan dahang pumatak ang luha sa mata ko sa mga sinabi ni ate. Naalala ko na naman yung mga sinabi sakin ni Yza.

"Pasensya na Jace pero kaylangan na nating mag break. Hindi na kita mahal."

Ang mga salita nya ay parang bala ng baril. Mabilis dumating and masakit pag naka tama. 

"Jace...pasensya na sa nasabi ko. Pero kaylangan mo na talagang mag move-on. Kung kaylangan mo ng advice, wag mo yung hanapin sa TV. Kausapin mo ako. "

Binuksan ko ang pinto. "Ate...." Niyakap nya ako at hinaplos ang likod ko. "Shh...tahan na." Sabi nya sa akin.

Pumunta kami sa salas at duon nag usap. "Ate...ano bang kaylangan kong gawin upang mapasakin ulit si Yza?" Tanong ko kay Ate.

"Jace...bilang kapatid mo, ayaw kitang makitang nasasaktan. Kaya kung ako sayo, humanap ka na lang ng iba. Sigurado ako masaya na sya ngayon sa piling ng mahal nya ..eh ikaw? Nag aaksaya ka ng panahon sa pag iyak at pag-asa na babalik pa sya. "

Tumingin ako sa kanya. Tama ang sabi ni ate....Bakit ko nga ba pinag aaksayahan sya ng panahon? Hindi ko sya dapat habulin. Dahil mahal ko sya? Sa ngayon lang yun, bukas....sa makalawa.....sa isang buwan....mawawala din to. Kaylangan ko lang ng pasensya.

"Tama ka ate." Ngumiti ako. Ito ang una kong ngiti sa loob ng 1 linggo.

"Mabuti naman natauhan ka na." Sabi ni ate.

☆ ★ ☆

Naglalakad ako papunta sa University. Ang sarap ng pakiramdam na ganito.

"Aray!" Napaupo ako sa lupa nung makabanggaan ko ang isang babae.

"Oh! Sorry kuya!! Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ng babae.

Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang aking mata.

Sya ang unang babaeng nasaktan ko..

Ang matalik kong kaibigan...

Natalia Gomez

→→→→→→→→→→→→→→→→←←←←←←←←←←←←←←←←

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That string of fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon