Nakakainis naman sila Jena ako pa talaga ang pinasakay dito sa bangka na purong lalaki. Aish.
Mabuti na lang at tumigil na rin si kuya sa kakatanong niya. Hindi ba halata na ayaw ko siyang kausap? Feeling close pa siya. Tapos inaasar pa siya ng kasama niya.
Feeling ko ay nakita ko na yung isang lalaking kasama niya hindi ko alam kung saan pero pamilyar siya sa akin.
Napatingin ako sa karagatan na kulay asul mabuti na lang at marunong akong lumangoy kung malolonod man kami.
Malayo ang agwat namin sa sinasakyang bangka nila Jena. Npatingin ako sa lalaking tumikhim at nakitang nakatingin siya sa akin.
Tinitingin-tingin nito? Sapakin ko siya, e. Umirap na lang ako sa kaniya at tumingin na uli sa maliit na isla dahil sa malayo na kami.
"Taga-rito ka?" Tanong ng katabi kung lalaki. Ang dami niyang tanong ah. Napakadaldal.
"Oo." maikli kung sagot para manahimik na siya.
"Ah, malapit lang kayo rito?" Tanong niya uli, wandot sasapakin ko 'to.
"Isang oras ang biyahe. Tsaka manahimik ka nga ang dami mong tanong." napairap na lang ako sa hangin, mabuti na lang at tumahimik na rin siya.
Naiinis pa nga ako dahil ako ang pinasakay sa bangkang ito puwede naman si Mark. Ako pa talaga. Hayst...
Mabuti na lang at nakarating na kami naunang bumaba ang mga kasama ni kuya. Nakasunod lang ako sa kaniya, ng makababa siya ay inoffer niya uli ang kamay niya.
Tinggap ko naman yun ayoko namang mabasa agad kapag hindi ako nagpatulong sa kaniya. Umalis na ang mga kasama niya at naiwan si kuyang hindi ko kilala.
"Bakit narito ka pa? Umalis na ang mga kasama mo." tanong ko at nakitang malapit na rin ang sinasakyang bangka nila Jena.
"Hindi naman kita pwedeng iwan dito mag isa ka lang." sagot niya kaya napatingin naman ako sa kaniya at tinaas siya ng kilay.
"Kaya ko naman ang sarili ko." ng mapatingin uli ako sa bangka ay papaba na sila Jena.
"Yo Aisha!" si Alexa.
"Bilisan niyo ang tatagal." Nakanguso kung sabi.
"You're so cute." napatingin ako sa lalaking katabi ko at nagiinit ang mukang umiwas ako ng tangin.
Siguro ay kulay kamatis na ang pisngi ko. Nakakahiya. Cute raw ako? Cute raw? Omygash.
"Hi Kuya pogi. Ano pong pangalan mo?" si Alexa ang kapal talaga ng muka nito may pa tanong tanong pa.
"Zavion." sagot ni kuya Zavion mabuti na lang at nalaman ko na rin ang pangalan niya, nakita ko pang ngumiti siya kay Alexa kaya parang kiti kiting kinikilig siya.
"Thank you, alis kana." sabi ko kay Kuya Zavion. Sumunod naman siya sa inutos ko nagpaalam muna siya bago tumalikod at sinundan ang mga kasama niya.
"Hoy may jugjugan bang naganap?" si Jena.
"Hoy! Yang bibig mo, walang ganong nangyari."
"Asus, pero ang pogi niya diba?" Si Ayesha.
"Kayo tigilan niyo nga ako tara na."
Sumakay uli kami ng bangka para makapunta na sa Lagoon. Ng makarating kami sa mismong Lagoon ay walang mapagsidlan ng saya ang ganda ng tanawin dito.
Meron pang big lagoon. Sa medyong malalim na parte ay doon kami tumigil para maligo.
"Magbihis na tayo." nagbihis na agad kami para makaligo na ng matapos ay naguunahan pa kaming magtampisaw sa malamig na tubig.
Parang nawala ang lahat ng problema ko ng mabasa ako ng malamig na tubig.
Ang sout ng mga kasama ko ay two-piece. Ang akin naman ay T-shirt at shorts short. Natawa pa sila sa sout ko pero hindi talaga ako sanay.
Pumunta ako sa malalim na parte para lumangoy. Ang sarap ng tubig ang saya saya napaka ganda pa ng mga tanawin.
Huminga ako ng malalim para lumangoy, ayokong magmulat baka masakit. Napatigil ako ng dahil sa isang matigas na bagay, umahon agad ako at tingnan kung ano yun.. Si kuya Zavion pala.
"Sorry." napatigalgal ako sa kaniya diba dapat ako ang mag sorry? Tumango na lang ako at lumangoy pa balik.
4:00 pm na nang mapagpasyahan naming umuwi ganoon pa rin ang set up. Hindi na ako umangal dahil sa pagod.
Papikit pikit ako habang nasa byahe kami.
"Inaantok ka?" alam mo feeling close talaga 'tong kuya Zavion na 'to. Tumango na lang ako sa kaniya
Nagulat ako ng hanapit niya ako palapit sa kaniya. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya alam ko na ang pinahihiwatig niya hindi na rin ako umangal dahil sa antok. Ang bango niya.
Nagising na lang ako ng parang may yumuyogyog sa balikat ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago tumingin kay kuya Zavion.
"Uhm, sorry,, nakatulog ako."
"Ayos lang." nag paalam na yung mga kasama ko sakanila na uuwi na kami. Sumakay naman kami sa tricycle.
"Ma, nandito na po ako." tawag ko kay mama pagpasok sa loob.
"Mukang pagod na pagod ka ah, hala matulog ka sa taas, tatawagin ka nalang namin pag narito na ang pinsan mo.
Umakyat naman ako sa taas at naligo. Natulog na rin ako pagkatapos matuyo ng buhok ko.
"Hey bud gusto mo ba 'yung babae na iyon? May patulog tulog pa sa balikat. Diba pare?" Si Xavier.
"Oo nga gusto mo ba iyun?" I sighed.
"No."
"Weh? Totoo?"
"Shut up." napatingin ako kay Alexander nang magsalita siya.
"Parang pamilyar siya sa akin. Nakita ko na ata siya nakalimutan ko lang kung saan." Bakas ang kaguluhan sa muka niya. "Oo nga pala. Doon daw tayo kakain kila tita. Pero ako lang daw ang pwedeng matulog doon dahil may dalagang anak, ayaw ni tita ng maraming lalaki."
They agreed to Alexander to eat to his relatives house. We arrived in Hosimano hotel to change our clothes. When we're done. We saw each other in the lobby.
"Oh, sasakyan mo Zavion ang gagamitin ako magda-drive." Alexander I give my keys to him.
Nakarating kami sa hindi gaanong kalaking bahay.
"Ako na ang kakatok." Prisenta ko.
"Sige." they all agree.
I knocked in the door and when it open I saw a girl with messy bond, and oversized shirt with black leggings.
"Ikaw?" Sabay naming sabi.
Oh, siya pala ang pinsan ni Alex. What a good sign.
Damn, dahan dahan kung binitawan ang paghinga ko.
Shit so beautiful.
-C
YOU ARE READING
Kiss Me Under The Moonlight
Teen FictionAisha Sullivan ay isang masungit at malditang babae