Chapter 3

57 5 7
                                    

Sa pagdaan ng mga araw nakikilala ko na ang mga kaklase ko.

Oo na. Puro ako aral. Saan nga ba iikot ang buhay ko maliban sa pumasok sa school dahil wala naman interesanteng pangyayari na pwede ko man lang maranasan.

Maliban kase sa magkaroon ka ng nanay na hindi masyadong nagsasalita at kaibigan na ako lang ata ang kaibigan wala nang iba pa ang meron ako.

Typically I am the boring main character.

Hindi naman siguro maling i aknowledge ko ang sarili ko bilang main character since buhay ko to right? Ganun naman talaga diba. Ikaw yung bida,direktor,cast at staff and audience na din pala at yung mga nakakasalamuha mo sa araw-araw mga extra lang yan. Pero sana hindi nalang ako yung bida. Dahil kung katumbas ng pagiging bida ay magkaroon ng boring na buhay....wag na lang.

Iniisip ko lang kung hindi kami pinasok ng mga magnanakaw noong gabing yun. Yung gabing sana hindi na nangyari. Nine years old palang ako'napakabata para mawalan ng ama. Napakabata para masaksihan ang karumaldumal na pangyayari. Ayaw ko ng balikan. Ayaw ko ng maalala pero parang naging parte na ng pagkatao ko yung gabing yun. Na para bang parte narin ng araw-araw kong buhay. Gabi-gabi at paulit ulit lang ang eksenang yun sa ulo ko. Yun tipong nahihirapan kang huminga,sisigaw ka para humingi ng tulong pero walang boses na lumalabas at magigising ka na lang na hinihingal at pawisan. Walang katapusang bangungot.

Napaka klaro. Parang laging kahapon lang nangyari. Yung mga saksak na sinalo ni papa. Yung pagtatago ko sa loob nang amoy kahoy nyong aparador at tanging siwang lang ang naging daan sakto para makita ang lahat. Hindi pa naging sapat yun dahil sinunog nila ang bahay. Wala akong alam gawin o kung may magagawa ba ako... isang batang naiwan kasama ang ama sa loob ng bahay, at mag-isang lalabas pagkatapos ng gabi. Pasalamat nalang at wala si mama ng gabing yun. May pinuntahan daw na kamag-anak. Salamat dahil kung nagkataon walang matitira sa akin. Kahit hindi na sya katulad ng dati basta nandyan lang sya sa tabi ko.

Ewan pero sabihin na natin magaling akong magtago. Walang nakakahalata kung gaano ka miserable ang buhay meron ako.

"Pahingi ng papel ...pwesh?" ang maliit na boses ni Regine ang nagpabalik sa akin mula sa mapait na pag throwback ko. Thursday e.

Kumuha ako ng kapiraso at walang kibong inabot ko sa kanya. Pero hindi pa din sya umaalis sa harap ko.

"Isa pa hehe." Kaya pala. Parasites.

Inabutan ko pa sya ng isa at tuluyan na syang umalis.

Thank you ha. Napabuntong hininga nalang ako. Ganoon talaga ang tao. Papansinin ka dahil may kailangan lang sila sayo..at pagkatapos iiwan ka na. BINGGO!

Well kanina pa ako dito at wala pa din si Kim. Para atang hindi na papasok yun. Di man lang nagsabi. Tss. Five minutes na lang.

Si Kim yung tipo ng tao na simple lang pero rock.

Hindi ako palapansin.. I mean wala akong pinapansin maliban kay Kim. Simple lang, pag nagsimula ka kasing makisalamuha masyado'hahanaphanapin mo yung  atensyon nila, pag wala kang mahita maiinis ka lang. Ayoko din pinanghihimasukan yung buhay ko. Ayaw kong kaawaan o di kaya makalkal lalo yung mga mapapait na pangyayari.

I learned my lessons. Highschool noon at naisipang dumalaw ng mga kaklase ko sa bahay. Ayaw ko pero bigla nalang silang pumunta kaya wala nakong nagawa para pigilan sila. Nakita nila si mama. Nakita nila kung paano sya kumilos. Weird. Ganun daw kami. Kung ano daw kasi si mama ganun sigurado ako. Sinimulan nila akong iwasan at sa tuwing papasok ako nakikita ko paano sila magbulungan. As expected. Kaya ayaw ko ng maulit. Simula nun wala nakong kinausap o sabihin na nating walang gustong kumausap sa akin. Outcast.

Naka receive ako ng text kay Kim.

Kim : Hindi muna ako papasok. May emergency sa bahay. Pakopya nalang ng notes bukas. Ty!

Ano kayang emergency yun? Sana wala naman kakaibang nangyari.

"Good morning class." Bati ni Ms.Dizon sa klase. Bitbit ang laptop nito, umupo sya. Mukhang may activity ata ngayon a.

Nagulat naman kami ng bigla syang tumayo at naglakad papunta sa pwesto ni Ronnie na nasa right side malapit sa bintana. Nasa pinakauna kase ito. Nakakkatakot ang aura nya ngayon at parang judgment day ang ambiance sa loob.

Tahimik ang lahat at tunog lang ng malutong nyang heels ang naririnig namin. Kung may brand na beach walk  sa mga foot wear, eto naman ang tinatawag na bitch walk.

Nakayuko pa rin si Ronnie at halatang di alam na nasa harap nya na ang witch. May hawak ito na naka tago sa ilalim ng desk nya kaya di namin makita.

"Give me that,!" Taray ah. Mula sa lugar ko kita ko ang kaba,takot, at pagkagulat ni Ronnie. Kaya naman pala. Ano pa nga ba... Naglalaro na naman ito sa cellphone nya.

Ng mahalata ni Ms.Dizon na walang balak si Ronnie na ibigay ang phone nya " I SAID GIVE ME THAT." Mariing sabi nito.

At sinuko na nga ni Ronnie at hawak nya.

Bumalik sa gitna si Ms.Dizon.

"Sa lahat ng klase na handle ko ito ang pinaka worst. Una may weird kayong President na kala nya talented sya e aanga-anga naman...."

Tumingin lahat kay Bea na bakas pa din ang pagkalungkot nito dahil mukang walang balak ang prof namin na pakawalan sya.

"Napansin ko din na meron pala kayong Kathniel couple dito. Kung akala nyo nasa park kayo para maglampungan sa loob ng klase ko,,, nagkakamali kayo' gaya ng pagkakamali nyo sa pagpasok nyo araw-araw alam nyo yun John and Kariza!"

Para kaming nasa bahay ni Kuya at eviction night na. At patibayan nalang para sa susunog na PBB winner.

"Ngayon naman nahuli ko pang naglalaro lang pala sa klase ko si Mr.Alvaro. Para sabihin ko sa inyo  lang ako nakakita ng tunay na unity. Binubuo ito ng klase ng mga taong sinadya atang maging tanga sa buhay nila..."

Sumusobra na ang gurang nato a. Sa dami pala naming tanga sa klase sya bat hindi sya ang mag adjust. Tutal sya lang pala ang matino dito. Kapal na nga ng make up kapal pa ng mukha.

Hindi pa sya tapos. Ngayon talaga siguro ang araw na sinabi ni kim. Ang iisa isahin nya kami.

"Kayong tatlo' ni hindi kayo nahiya sa mga grades nyo ha. Kasing pula ng lipstick nyo yung mga grades nyo. Pakapalan nga naman ng mukha at foundation mga bata. Nasa kalagitnaan na tayo ng sem pero kayo stranded yung utak sa bakasyon."

Subukan mo kayang manalamin. Nakaka tangna ka na! Pero bakit walang sumubok na makipag laban para sa buong klase. Hahayan ba talaga namin na husgahan kami ng gurang na to.

"Ohhh. Mukang nag aapoy na si Grace sa upuan nya. O bat wala ata yung katabi mong ginagawa mong body guard. Natatakot ka na ba? Poor grace. Wala talagang ibang kakausap sayo dahil maliban sa mukha mong nakakatakot weird ka din. Para kang freak sa mga pelikula."

Abat! Talaga nga namang! Kung akala mo magpapa under ako sayo pwes tama ka! Sino nga ba naman ako para lumaban. Tama sya. Weird, freak at mananatili akong outcast. Pero hindi ko matagalan ang klase na to.

Tumayo ako at nagsimula ng maglakad palabas sana ng room ng bigla nyang tawagin ang pangalan ko.

'Grace  .......

Akala ko hihingi sya ng sorry sa akin at sa lahat. Asa pa ko. At hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng luha ko ng sabihin nyang "yung bag mo pakidala na ha? Mag iiwan ka pa ng kalat dito."

Binalikan ko ito at tuluyan ng lumabas.

Tumakbo at umuwi. Si Gina. Si Gina ang kailangan ko ngayon.

Miss Dizon. Mamatay ka na sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who's the killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon