Sabi nila ang buhay daw ay punong puno ng mga simbolo o signs. Katulad ng nasa kalsada, halimbawa na lang ang No Parking, No U -Turn, Loading and Unloading, No Stopping Anywhere etc., kailangang sundin mo ang mga ito kung hindi paniguradong mawawala ka o mas worst huli ka ng mga traffic enforcer magkakaroon ka pa tuloy ng record at multa.
Wala namang masama sa pagsunod sa mga ito, ito lamang ay mga batas na kailangang sundin para makapamuhay ka ng masaya at walang hassle sa buhay. Sa umpisa pa lang naman kasi, ang mga bagay na ito ang nagsisilbing guide natin eh. Ginawa para sa ikakabuti mo at lalo na ng kapwa mo.
Maybe magtataka kayo why I'm writing this kind of story, ang magiging sagot ko lang hindi ko rin alam. Napag-isipan ko lang din ng biglaan dahil para mailabas ko ang sumasabog kong mga thoughts and to save also my passion. (*Behind the Story (BTS): Ako po kasi ay isa sa milyong milyong taong naglalaro ng Clash of Clans. Kung player ka makakarelate ka sa sinasabi ko. hehe) Naglalakad kasi ako kanina pag-uwi ng nagmumuni muni ako tungkol sa thoughts ko about my recent heart break.
Hindi ako bitter ah nor galit sa kanya. I'm more on the super hurt side. Super sakit kaya. Kahit pa nasa moving on process na ako pero hindi pa din nawawala ang katotohanang mahirap talagang tanggapin ang realidad. So bahala na si God sa pain na nararamdaman ko.Daming side stories no? sensya naman na. haha. Ngunit habang ako'y nasa malalim na pagmumuni muni napansin ko ang mga road signs. Road signs na nagiging gabay ng mga motorista sa kanilang paglalakbay. Bigla ko tuloy naisip,maybe somewhere in between my recent failure namali ako ng basa sa mga life signs na binibigay ni God sa akin.
Hastag whogoat. Hastag lalim. Hastag Edi Wow.
Kahit din ako napa react sa naisip kong realization. Biruin mo yun naglalakad lang ako paguwi ganun na kaagad ang level-ing ng thoughts ko . Maaring over acting mang isipin pero you can't tell what if? Di ba? What if namali ka ng basa sa akala mong perfectly flowing love story mo? Wag naman sana pero anong gagawin mo?
Malas lang talaga ng mga tao, ang pag sisisi ay laging nasa huli. Pero sabagay, ang pangit naman kung alam mo na ang aral sa gagawin mo or sa ginagawa mo di ba? Hindi ka na matututo kasi hindi mo naman napagdaan lahat ng iyon. The essence of the trial will not be highly appreciated.
Bakit pa ba natin kailangang pagdaanan lahat ng iyon kung sa huli din naman masasaktan ka lang? Hindi ko din alam. Bakit nga naman di ba? Bakit kailangang maranasan mo muna ang sobrang saya hanggang sa nandoon ka na sa rurok nito kung sa huli din naman pala masasaktan ka lang. Iiwanan ka din naman pala. Iiyak ka din naman pala. Blaming oneself every time for the lost of one precious relationship. Pero sana isipin mo din, bakit mo sisisihin ang sarili mo sa isang failed relationship na alam mo namang nagawa mo ang lahat ng bagay para lang alagaan ito.
Just accept the fact na, unfortunately, isa ang relationship mo sa milyong milyon na relationship na failed. Nasasaktan ka lang ngayon kasi binigay mo ang buong ikaw hoping na ibigay niya rin sayo ang buong siya. Pero hindi eh. Hindi ka nagkulang sadyang hindi lang talaga kayo ang nakatadhana.
BINABASA MO ANG
Love Life: Views about Love and Life
Non-FictionMadalas ang salitang love life ay nagagamit bilang isang salitang tumutukoy sa buhay pag-ibig. Paano kung gawan natin ito ng panibagong kahulugan? Aayon ka kaya sa kaya nitong ipahiwatig sayo? Ito ay hindi isang kwentong umiikot sa mga characters. I...