Patawarin mo at tanggapin ang dahilan ng nararamdaman mong sakit. I woke up this morning with an unexpected notification, akala ko kasi natanggal ko na ang request ko sa kanya para mapasok ko ang account niya pero hindi pala. Ginawa ko yung request na iyon para malaman ko kung gaano siya magiging matapang but unfortunately ang balik pala ng joke ay sa akin.
Ang sakit sobra. Akala ko magiging madali na lang ang lahat pag natanggap ko na at naipangako ko na sa sarili ko na magiging maayos din ang lahat. Pero hindi pa pala. Mayroon pa pala akong isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang patawarin ang naging sanhi ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Akala ko sapat na yung dahilang napatawad ko na ang taong nang-iwan sa akin eh. Akala ko din kasi pag naging okay na ako sa kanya sakop na din nito ang tungkol sa lahat ng bagay tungkol sa break up. Pero hindi pa pala.
Ibang klase yung impact na naramdaman ko, I felt the same pain noong naguumpisa pa lang akong mag move on. I felt the kind of pain again yung halos ikamatay mo. Yung feeling na, sana hindi ko na lang nakita. Sana hindi na lang yun nangyari.
I felt lost again. Nawala yung concentration ko kung paano ko makakayanan yung pain. Then I broke down. I just let my eyes be washed again. Hinayaan ko na lang umagos ang luha ko habang nagtatanong kay God.
Bakit? Ano pong kasalanan ko at naririto na naman ako sa pwestong ito?
Bakit nararamdaman ko na naman ang pain na ito??
Di ba okay na po ako? God okay na po ako eh. Alam kong okay na ako.
Hindi ko alam kung bakit mayroong ganon Papa God.
Pero bakit hinayaan niyong masira na naman ang pundasyong itinayo ko para maging malakas ulit?
Ang ibig sabihin lang ba ng pinapakita ko sa ibang tao ay kasinungalingan lang?
Hindi po ba talaga ako ganon kalakas pa?
Yun lang ang ginawa niya Papa God but it feels like hell to me.
Puro tanong na hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung saan at paano ulit ako mkakatayo sa muling pagkabagsak ko.
Salubong / Easter Vigil, for the first time na nagpupunta kami ng family ko sa celebration na ito we decided to participate on the procession itself. Then I realized, maybe God just tested me kung gaano na ako katatag. Maybe He just let me feel what Mama Mary felt. The kind of sorrow na matagumpay niyang nakayanan. Gusto lang din Niya marahil pagtuunan ko ng pansin ang isang bagay na mas mahirap ibigay.
Ang magpatawad. Sabi nila, madali lang sabihin pero mahirap gawin. Ganun naman talaga di ba? Pero sa totoo lang, madali lang gawin iyon ang mahirap ay ang makalimutan ang sakit na naidulot nito. Mahirap sapagkat nakakatakot. Fears destroy someone's life. Dahil na din sa pinipigilan nito ang self growth mo. Pinipigilan nitong maging masaya ang tao. Dahil once na natakot ka na, hindi ka na kaagad mag ta-take risk. Paano ba yan? Ang buhay punong puno ng risks? Edi pag natakot ka na ano nalang mangyayari sayo? Nganga? Titigil ka na lang sa kinatatayuan mo? Naku! Mas nakakamatay yun. Dahil isa lang ang mangyayari sayo. Kakainin ka ng takot, lungkot at kung ano ano pang feelings. Mahirap yun baka mamaya ikabaliw mo pa. Ang mahirap pa dun wala naman siyang care kung mabaliw ka. Hindi niya kawalan yun. Kaya tumayo ka na dyan! Tama na ang mukmok! Baka mamaya niyan humahalakhak na yung naging reason ng pagkawala ng love life mo. Aja!
Accept the fact that you've been hurt by that reason. Nasaktan ka. Given na yun. Pero hindi dapat iyon ang maging kahinaan mo. Dapat doon ka mas magiging malakas. Mas magiging matatag. Hindi lang ikaw te ang nasaktan. Hindi lang ikaw ang MINSANG naging miserable dahil nasaktan ka at iniwan.
Caps lock ang minsan para maintindihan na hindi dapat dinamdam masyado ang pagiging miserable. Walang award at monumento na binibigay sa mga piniling maging miserable dahil lang sa iniwan at nasaktan. Hindi ka magiging famous dun so wag mong karerin! Kasi katangahan na iyon. Tanggapin mo ang katotohanang wala na kayo dahil sa rason na iyon. Mayroong naging ugat ng lahat ng sakit mo ngayon. Tanggapin mo na ng buong buo sa kalooban mo. Okay lang paunti unti basta ang importante matanggap mo. At sa huli patawarin mo na din siya. Forgivehim, his reason and accept that things weren't be the same anymore. So, Move on na te at kuya!
BINABASA MO ANG
Love Life: Views about Love and Life
Non-FictionMadalas ang salitang love life ay nagagamit bilang isang salitang tumutukoy sa buhay pag-ibig. Paano kung gawan natin ito ng panibagong kahulugan? Aayon ka kaya sa kaya nitong ipahiwatig sayo? Ito ay hindi isang kwentong umiikot sa mga characters. I...