Pakopya?

164 14 21
                                    

"Mr. Gunther, gumagawa ka ba ng seatwork mo?"

Ano ba yun? Nakita naman niyang natutulog yung tao, tapos tatanungin kung gumawagawa ako? Tanga naman ni Ma'am. ( -.-*)

"Uhh.. Gagawa palang po Ma'am Reese." bored kong sabi, tsaka tumingin sa katabi ko.

Mehehehe... Mangongopya nalang ako! Wooohhh!

"Psst.. Ikaw babae." tawag ko dun sa katabi kong busy sa pag sasagot. Hehe.

Tumingin naman siya sakin at nakakunot yung noo niya. Tss. Lukutin ko mukha ng babaeng to. Hindi ko nga siya kilala kahit classmate ko pa siya.

"Pakopya?"

Bigla naman siyang nagulat sa sinabi ko. Tss. Parang nakakita ng multo e. Ngayon lang ba nakarinig ng salitang 'Pakopya' na kakambal ng 'Pandadaya'? Hindi ko naman nga alam yung ni-lesson namin kasi di ako nakikinig. (_ _)7

"Ayoko nga. Sabihin kaya kita kay Ma'am Reese." Aba! Sino ba tong babaeng to? Kung makasagot parang di natatakot sakin ah. Di niya ba ko kilala?

"Papakopyahin mo ba ko o masisira ang buong buhay mo?" Ma-otoridad kong sabi sakanya.

"Paano mo naman yun magagawa? Sino ka ba?" Aba! Hindi nga ako kilala ng babaeng ignoranteng to.

Napapoker face nalang ako sa kanya. Pero alam ko naman na papayag yan mamaya. Bwahahahaha*evil laugh*

"*smirk* Ako lang naman si Knight Ghab Gunther. Ang tagapagmana ng Gunther Interpiece. Ano papakopyahin mo ba ko o sisirain ko ang mga pangarap mo?" Maangas na sabi ko pero di pa din natatanggal sa mukha ko ang mga ngisi ko.

"Ahhh.. Ganun ba? Sige sige. O kumopya ka na." tapos pinatingin niya sakin ang papel niya. Bwuahahahaha! Mukhang matalino ang katabi ko at medyo maganda nadin. Pero Bwuahahahha!

"Madali ka naman palang kausap e. Kailangan pa tinatakot. Tss." tapos kinuha ko yung papel niya. Pero....

Ang nakita ko ay isang doodle ng pangalan niya. Ang nakalagay ay FRANCESS AYE. WTF?! Pinagloloko bako ng babaeng to?!

"Ano ba to?! Pinagloloko mo ba ko?" nakakunot ang noo kong sabi sakanya. Siya naman ay parang nagtataka.

"Tama naman ang papel na binigay ko sayo ha? Art po ang subject natin ngayon! Incase na hindi mo alam bumasa ng oras." naka cross arms at nakataas ang kanyang kilay ng isumbat niya sakin na ART time nga pala ngayon. Dafuq! Pahiya ka Knight! t(-.-t)

"Sorry poooo! O eto na papel mo. Pangit ng drawing mo. Magaling pa aso ko. Tss." Bawi nalang sa panlalait. Hahahahaha!

"Harsh neto. Gumawa ka na nga jan! Sumbong pa kita kay Ma'am. Di kasi nakikinig, tulog pa more Knight! Push mo yan!"

"Gusto mo talagang masira mga pangarap mo? Ano nga ulit pangalan mo?" Wahahaha! Buti walang paki si ma'am sa dumadaldal. Yosh!

"Francess Aye Ligaya is the name. Bago lang ho ako dito tanda." sabi niya habang inaabot yung kamay ko at.. At Nag BLESS?! Tungunu! Tinawag na nga akong tanda nagmano pa.

"May sapak ka ba sa utak Francess? O gusto mong sapakin kita dyan?" Masungit ako sa mga taong ignorante at hindi ako kilala. Tignan kasi nila kung sino binabangga nila at baka masira na ang buong buhay nila. Wahahahaha!

"Bakla ka ba? Pumapatol sa babae pagkatapos mo kong kopyahan ng Art ganyanan? Kapal naman ho ng face niyo." then she rolled her eyes. Tss. Paikutin ko pa paningin niya ng mahilo siya dyan.

"Wala ka naman pinakopya sa akin. Ano naman makokopya ko sa doodle mo e drawing yan? Buti pa sana kung yung mga seatwork sa Math, AP, at iba pa pero Art lang naman yan at hinding hindi ko kokopyahin yang drawing na mukhang kinalkal ng manok. Wahahaha!"

"Ma'am---" Hinila ko siya papalapit sakin dahil tumayo siya bigla. Sh*t tong babaeng to! Maga-guidance pako pag nag sumbong to. Tss.

"Ayiieeeee!!!" sigaw ng buong klase. At narealize ko na may nakadampi sa labi ko at.... At si Francess na sobrang nanlalaki ang mga mata. Same goes here!!!

Natulak ko siya palayo dahil... Dahil. Argh basta!

"Wahhh! F-first kiss ko! Huhuhu!" sabi niya na parang maluha-luha at napahawak pa sa labi niya. OO PUTCHA! Nahalikan ko yang Francess na yan sa harap ng mga kaklase ko! Ulol! Pati sa harap ng teacher ko! Woooohhhh! Sira buhay ko neto! Pero ang lambot ng labi niya ha! Wahahaha! Ayos na din. (^____^)v

******

Kung hindi lang ako nangopya baka hindi kami mag kasama ni Fracess ngayon at masayang nag mamahalan. Hahaha! Nakakatawa kami noon. Tss. Buti nalang ako first kiss niya at first time niya din daw magpa-kopya nun dahil natakot siya sa akin. Tss. Ayaw daw niyang masira buhay niya. Wahahaha!

Ngayon nagpapasalamat ako sa teacher ko na si Ma'am Reese dahil ginising niya ko para gumawa ng walang kwentang doodle seatwork nayun. Nag papasalamat din ako dahil hindi ako nakinig at nangopya lang. Sa magandang babaeng ignoranteng makakasama ko habang buhay. Si Francess Aye Ligaya-Gunther. We're getting married at naka graduate na din ng course na BA. This story ends here. Where it all started in the word 'Pakopya?'.

"The End"

"Pakopya?"(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon