Ang mga tubig sa langit ay parang nag hahabulan, senyales na papatak ang ulan, parang pag-ibig na dimo mapipigilan,tumampisaw ka kahit alam mong ikaw ay masasaktan.
Dagunot dito'y parang Kay sarap sa
Pandinig, Bawat patak ay piyesa ng himig, at ika'y sumayaw sa ligaya ng tubig,Nilangoy mo kung saan ang baha ng pag-ibigTumila ang ulan at ika'y nabalot ng lungkot,at ang puso mo'y wari nakakulong sa laot.
Tumingala ka sa langit at ngiti mo'y nalukot, tapos na Ang laro at ika'y nilagnat ng poot.