Habang may sandali pa
akong nasisimot
nais kong ikulong
ka rito sa aking puso
kasi alam kong darating ang panahon
na aalis ka
maiiwan ito na pinagkakasya
ang ala-ala...
sasabihin ko sayo na malulungkot ito...
pero sana hindi matagal
hindi mahaba ang bubunuin gaya nang
pagmamahal.