"Sana'y Muling Magbalik" (poem)

82 0 0
                                    

Naaalala ko pa ang awit nating dalawa,

Sa tuwing tayo'y magkasama palaging kay saya,

Halina at patugtugin mo ang iyong gitara,

Habang nakikinig ay sasabayan ko ng kanta.

Oh kay ganda ng tanawin sa tabing dagat diba?

Kung saan araw-araw ay ginagawang dambana,

Mga inukit na pangalan sa puno ng mangga,

Bakit ngayon ay naging mga munting ala-ala.

At akin pang nadarama ang tamis ng pagsinta,

Kung tunay nga bang pag-ibig ang aking nakita,

Ba't noon sa piling mo ay walang kasing ligaya,

Ang puso kong ito'y araw-araw sumasaya.

Mali bang umibig sa hindi tamang panahon?

Kailangan bang sa hukay ay muli pang babangon?

At ang mga pangako natin ng panghabambuhay,

Mga katagang sa akin ay naging makulay.

Ako'y nananalangin sa Poon na Maykapal,

Nagtatanong kung bakit kailangan pang magmahal,

Ngunit ni isang tinig wala akong narinig,

Marahil ako ang mali at hindi ang pag-ibig.

Oh akin pang nawawari ang sakit ng kahapon,

Kung saan pag-ibig mo sa akin pa nakatuon,

Sa puso mo kaya ay mayroon ng panibago,

Kaya pati ako ay kinalimutan mo.

Ako ay muling napaisip tungkol sa pag-ibig,

At aking natalima kung saan ba papanig,

Tunay nga na ang pag-ibig ay isang daigdig,

At pwede kang mamili kung ano ay iyong ibig.

Hindi kita masisisi sa iyong pasya sinta,

Tayo ay mga tao lamang na nagkakasala,

At kung tunay man ang pag-ibig na aking nakita,

Ayos na sa akin ang minsan na ika'y nakasama.

Akin pang inalala ang payo ng aking ina,

Ang buhay pag-ibig huwag munang pasukin twina,

Dahil baka malunod at masadlak sa sala,

At hindi mo alam na ika'y mali na pala.

Hindi pa yata ito ang natatamang panahon,

Mga payo ni ina'y akin pang itinapon,

Wala na ba talaga oh aking sinta?

Ang talikuran si ina'y akin pang nagawa.

Bakit kaya ang pag-ibig minsan ay may dalang hapis,

Ang makasama ka ang tangi ko lang ninanais,

Nasan na ang panghabambuhay na pagsasamahan?

Kung nawala na ang inalay na pagmamahalan.

Ngayon ay nag-iisa habang nakahiga sa kama,

Aking inaalala ang kahapong kay saya,

Parang kailan lamang ay tayo'y magkasama pa,

Ngunit ngayon hinihiling na sana'y magbalik ka.

"Sana'y Muling Magbalik" (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon