Chapter 59

14 1 0
                                    


Cil's POV

*** DREAMWORLD***

Nasa isa akong madilim na lugar, maraming puno, tanging ilaw mula sa buwan ang liwanag upang makita ko ang aking nilalakaran. Tanging mga tinig mula sa mga insekto ang bumubuo ng ingay sa paligid. Hanggang sa makaramdam ako kaluskos at kalansing ng kadena na napanginig sa aking buong katawan. Dahan-dahan akong naglakad at pinakiramdaman ang aking nasa likuran ngunit agad akong natigilan ng maramdaman ang mabigat na kamay sa aking balikat.

***END OF DREAMWORLD***

Agad akong lumingon at itinulak ang tao sa sahig at tsaka siya sinakal. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, kung anong tumatakbo sa aking isipan. Basta ang tanging alam na nagpagising ng diwa ko ay nasa delikadong sitwasyon ako.

"A-ack" dinig ko, nakabukas ang aking mga mata ngunit Malabo dahil sa mga luhang bumaalot sa aking mata, "C-cil." Nasasakal na tinig nito habang tinatapik ang aking mga kamay.

"Bro!" dinig kong pamilyar na boses.

"Sister!" panibagong sigaw na narinig ko sa aking likuran.

Sa wakas at tumulo ang aking mga luha, tsaka luminaw ang lahat. Si Ian...

Dahan-dahang kong niluwagan ang pagkakasakal sa kanya at umalis sa pagkakapatong sa kanya. Nakita ko kung paano namumulang nakabakat ang bakas ng pagkakasakal ko sa kanyang leeg.

Agad akong nilapitan ni Ate Pin at Pia, tsaka inulanan ng mga tanong.

"Bro, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Pia

"Cil, are you alright?" tanong ni Ate Pin tsaka siya lumingon kay Ian na nakahawak siya kanyang leeg at panay ang pag-ubo. "What happened?"

Nag-aalalang tiningnan ako ni Ian at para bang tinatanong ako kung may nangyari ba.

"Please—" una kong sambit tsaka huminga ng malalim, "leave me alone, first." Tsaka pumikit ng mariin.

Alam kong gusto nila akong kausapin pero alam nila ang ugali ko, sa mga ganitong bagay, gusto kong maging mapag-isa. Matapos kong marinig ang pagsara ng pintuan ng aking kwarto ay doon ako umiyak ng mabigat at tiningnan ang mga naginginig na kamay.

Its been a month. This trouble of mine has been caught. Fear and sadness combined in my head, and even in dreams I am chased.

After that event, I can't sleep. Its either I dreamed being in the warehouse with fire or in the woods with rattling chains surrounds me. I thought it will come off in a matter of time, but the fact that I am able to kill someone, not someone, but the people surround me, the trembling feeling is already at my peak.

Lumipas ang mga oras at nandito pa rin ako sa loob ng aking kwarto, pinapanood ang pagwasiwas ng puting kurtina. Iniwasan kong matulog at baka na naman bumalik ang mga panaginip.

Sinasabihan nila akong kumain na, ngunit walang sagot o tinig na kaya kong ilabas.

Umabot sa kadiliman ng kalangitan, nagdesisyon akong lumabas ng kwarto. Tahimik na ang paligid at paniuradong nasa loob na sila ng kani-kanilang kwarto.

Pumunta ako ng kusina at binuksan ang ilaw sa island table. Pagkatapos ay dumiretso ng ref, tsaka kumuha ng pagkain. Tanging kinuha ko lamang ay japchae na nakalagay sa isang container. Kumuha ako ng chopsticks sa ilalim ng kitchen countertop at umupo sa high chair ng island table.

Mabilis lang ako kumain at iniligpit rin ito. Matapos kong gawin iyon ay pagtalikod ko ay saktong lumitaw ang isang taong naka-cross arms at nakatayong nakasandal sa pader.... Si Ian. Hindi pa siya umuuwi? Bumaba ang paningin ko sa kanyang leeg, bakat pa rin ang disgrasyang binigay ko sa kanya. Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit pero hindi pa rin nawala ang konsentrasyon ko sa kanyang leeg.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Missed You Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon