Bukang-liwayway pa lang ay nasa veranda na si Tanya at niri-review ang nobela na nakatakda nyang isumite bukas. Alas kwatro pa lamang at isolated ang lugar kaya confident syang magsuot ng pantulog lang sa veranda.
She's wearing a stripe cardigan na ipinatong nya lang sa kulay asul nyang undies. Engrossed na engrossed sya sa ginagawa kaya hindi nya napansin si Zacchaeus na nakatingin sa kanya mula sa loob ng silid nito.
Malakas ang signal ng portable internet na dala nya sa lugar, marahil ay dahil sa tower na nakita nya sa di kalayuan. Tumayo sya para kumuha uli ng kape sa coffee maker sa kusina. Coffee can make her concentrate. Karamay nya ang kape sa bawat akdang natatapos nya. She was startled nang biglang magsalita si Zacc mula sa likod nya.
"Too much coffee is not good, you know."
Bakit gising na ito ng alas-sinco pa lang? Usually ay alas nuebe ito bumabangon. Why he's so early? As usual he's wearing nothing but a cotton pants.
"You're early. Sorry, I'll just change." nilagpasan nya ito at pumasok sa silid nya para magbihis. Nagsuot sya ng padyama at tshirt.
"You have a great body. There's nothing to be ashamed of." paglabas nya sa veranda ay nanduon na ito. Sipping his own coffee.
"I'm sorry you have to see that. Akala ko di ka pa magigising. Meron kasi akong niri-review na kwento. I have to submit tomorrow." nagconcentrate na syang muli sa ginagawa not minding his stare.
"So you're a writer. What's your genre?"
"Can you not talk to me first? I really need to finish this today." nag angat sya ng tingin dito with annoyance on her face. Huli na nang marealize nya na hindi nga pala sya kilala ng kasama nya, she doesn't want to be disturbed while working on her manuscript.
Gulat ang unang bumadha sa mukha nito kasabay ng biglang pagtatagis ng bagang, he hissed before storming inside the cabin. Bigla syang naguilty, susundan nya sana ito sa loob pero agad din itong lumabas geared up for a run. Kakausapin nya sana ito to say sorry pero nilagpasan lang sya nito.
Napabuntong hininga sya saka muling nagfocus sa sinusulat. Alas nuebe na nang matapos sya, dali dali syang nagluto ng breakfast para sa kanila ng binata. Mula nung unang araw nya ay lagi na itong sumasalo sa mga niluluto nya. Which is a good thing ayon kay Mrs. Francisco.
KUMUNOT ang noo nya nang makarinig ng hagikhik ng babae mula sa veranda, bigla syang kinabahan. What if gawin uli nito sa babae ang ginawa nito kay Janine. Nagmamadaling lumabas sya para puntahan ang mga ito. He is kissing the girl in the couch wildly. Gigil ang bawat haplos nito sa katawan ng babae na ikinataranta nya, taliwas sa babae na parang nagugustuhan pa ang ginagawa nito.
"Zacc ___"humahangos na ungol ng babae, nanlaki ang mata nito nang makita sya, sinubukan nitong itulak si Zacc sa pagkakadagan dito.
"Don't mind her." She heard him murmur. Tuloy pa din ito sa paghalik sa leeg ng babae.
"Zacc no. Stop." anang babae at itinulak ito. Zacchaeus turned and glared at her before entering the house with dark expressions.
"I'm sorry Miss, but can you go home?"
"Yea. I'm sorry_, I have a motorcycle with me." tinanguan nya ito at sumunod kay Zacc sa loob. Hindi nya ito nakita sa loob ng bahay. Kinakabahang dumiretso sya sa stock room/punishment room. It's been a month nang huli itong pumasok doon.
Naabutan nya itong pawis na pawis habang walang tigil na sinusuntok ang punching bag. Wala itong suot na boxing gloves, pulang-pula na ang kamao nito.
"Zacc, stop it. You are hurting yourself."
BINABASA MO ANG
WANTED, IN A DIFFERENT WAY
RomanceTania Gregorio is a perfect definition of the term "Strong Independent Woman" She's a solo parent of three, she has her own career and most of all she doesn't need a man. ....not anymore. What if a man who is years younger than her pursue her? A ma...