Walang imposible sa mundo kapag merong love. Love is magical. Love is wonderful. Love is the most maddening, beautiful, horrible, painful, and wonderful joyous thing in the world.
But the moment I knew na ganito pala ang mangyayari sa aming dalawa, sana hindi ko na lang pala sinubukan. Sana nagpalamon na lang ako sa takot noong una palang. Sana nakinig na ako sa sinasabi at sinisigaw ng isipan ko noong mga panahong iyon.
Kahit na gusto ko mang balikan ang nangyari sa nakaraan, hindi na rin naman ito p-pwede pa. Hindi mo kasi ito basta-basta na lamang maibabalik na parang walang nangyari. I'd go back in time and change it but I can't. Akala ko madaling gawin eh, akala ko may magagawa pa ako.
Sa sobrang pagmamahal ko it turns out na ako pa ang naging masama, sa sobrang pagkakalunod ko unti-unti akong nawala sa sarili ko. Nilunok ko lahat ng pride ko, hindi ko inintindi ang dignidad ko. Hindi ko nabigyan ng pansin ang sarili ko. Hindi ko nirespeto ang sarili ko. Lahat ng masasamang nangyayari sa akin ngayon, alam kong ako rin ang may gawa. Iyang lintik na pagmamahal na iyan ang naging dahilan para masira ang buhay ko. Sa sobrang pagmamahal ko, aabot pala lahat sa ganito.
Nagsisisi ako sa mga bagay na nagawa ko sa sarili ko at sa kaniya, dahil alam ko sa sarili ko na kahit mahal ko siya, alam kong nasaktan ko rin siya. Nasaktan niya ako, nasaktan namin ang isa't isa.
Pero kahit na nangyari lahat ng iyon, nanatili pa rin sa puso ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Sariwa man lahat ng sakit, mas lamang pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko. And I guess that's what really love is.
"But if we loved again, I swear I'd love you right."
Pero mangyayari pa kaya ulit iyon? Itutuloy pa ba namin ang naudlot namin na istorya? Makakaya pa kaya naming ibalik ang lahat matapos ang mga nangyari? Kasi ako, kaya ko naman. Hindi naman pwedeng ako lang magisa ang magkukusang ibalik ang nasimulan naming dalawa, mahirap yun. Pero gusto ko pang ipagpatuloy kung ano ang nasimulan namin. Gusto kong balikan para itama ang lahat.
Because after all, the stakes are high, the water's rough but this love is ours...
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
YOU ARE READING
Aria and Adie: This Love is Ours
Teen FictionAdie feels a sense of relief as he sits in the dark and listens to the sound of the clock ticking by. He can't deny the fact that darkness causes him to feel calm. His past made him feel insecure and bad about himself, his past gave him so much trau...