Kabanata 1

7 2 0
                                    

"Marry me for 50 million pesos."

Tigalgal si Ada sa narinig mula sa binata. Tama ba siya ng pagkakarinig o marahil ay epekto lamang ito ng espiritu ng alak.

"Ada, answer me!" untag ni Creed sa nakatulalang dalaga.

"H-ha?" tanging nasambit niya.

"I wanted you to marry me in exchange, you will get 50 million pesos cash!" determinadong ulit ni Creed habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Ada.

Gagawin niya ang lahat para makatakas sa planong pagpapakasal sa kaniya ng sariling ina sa babaeng ni minsan ay hindi niya nakita.

"S-sir lasing na ba kayo?" binahiran ni Ada ng tawa ang nanginginig na boses at tinungga ang isang bote ng beer.

"I'm not drunk. I know, what I am doing!" depensa nito.

"Seryoso kayo?  Inaalok ninyo ng kasal ang anak ng kasamabahay ninyo?" ulit na tanong niya at sinalubong ang magagandang mata ng amo.

"Oo. I am offering you to marry me," kaswal na kaswal ang pagkawika ng binata.

Napailing na lang si Ada at muling itinuon ang mata sa malawak ng swimming pool.

Nakapagtatakang nalasing na agad ito samantalang nakaiilang bote pa lamang ang natutumba nila.

"Hey, you cant say no to my mind blowing offer. Napakalaki ng perang inaalok ko sa iyo!" giit pa rin ng binata, umayos ng pagkakaupo at humarap sa kaniya.

Kailangan niyang mapapayag ang anak ng kasamabahay na ito para pakasalan siya. Kailangan niyang maunahan ang inang si Greta sa plano nito.

"Sir, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ninyo kung bakit para tayong nasa gameshow ngayon. Wala akong panahon para makipag-usap sa inyo tungkol sa ganitong bagay. Itulog niyo na lang iyan."

Ibinaba ni Ada ang walang laman na bote at tumayo na habang si Creed naman ay pinanonood lamang ang bawat galaw ng dalaga.

"Good night CEO!" Nakangiting paalm niya at tumalikod.

Agad namang tumindig ang binata at muling nagpahabol kay Ada.

"Pag-isipan mo Ada! I can wait for one week. One week!"

Pailing-iling siyang pumasok sa pinto ng likod ng Mansion. Nagdiretso siya sa maid's room.

Ibinagsak ni Ada ang katawan sa kama, sa ibabang bahagi ng double deck. Napahugot siya ng napakalalim na hininga.

"Kasal? 50 million pesos?" usal niya.

Alam niyang hindi pa lasing ang amo. At sigurado siyang seryoso ito sa inaalok. Hindi naman si Creed ang tipong mapagbiro, bilang CEO ng CMB Company ay likas itong seryoso at suplado.

Mahihiya ka rin harapin ito dahil sa makapigil hiningang anyo. Matikas at matipuno ang katawan nito. May maganda at mapuputing kutis , wala rin sinabi ang mga amerikano sa natural na tangos ng ilong ng binata, ang labing ka'y sarap pagmasdan, ang makakapal na kilay nito sa tuwing nagsasalubong. At Diyos ko, ang mga mata nitong tila kinakausap ka.

Pinilig ni Ada ang ulo, maling pagpantasyahan niya si Creed. Bwisit siya rito at ganoon na rin sa matapobreng ina nito kaya't kung totoo man ang inaalok ng binata at alam niyang sa oras na tanggapin iyon ay parang tinulak niya ang sarili sa malalim at mapanganib na bangin.

"O, nay!" Nagmamadaling sinalubong ni Ada ang inang si Salve, may dala itong mga patong-patong na babasaging plato.

"Ako na riyan! Mabigat ito!" pilit ngunit maingat niyang kinuha ang mga ito.

Napamasid siya sa paligid, nagkalat ang ilang tauhan sa pool area kung saan gaganapin ang birthday ni Creed. Nag-aayos ang mga ito sa venue ng selebrasyon. Bukas pa man ang kaarawan ng binata ngunit puspusan na ang mga staff sa paghahanda ng magarbong kaarawan ng kasulukuyang nakaupo sa kumpanya ng mga Buenaventura.

CMB Company has been the leading construction company since its inception. And that's because of its founder and it was retained by the heir, Creed Miguel Buenaventura. The only child of billionaire couple Francisco and Greta Buenaventura.

"21 lang ba si Creed? Ang o.a naman ng paghahanda nila, samantalang isang taon na lang wala na sa kalendaryo ang edad ng pinakamamahal nilang anak!" yamot na komento ni Ada.

"Tumigil ka nga bata ka! Marinig ka ni Ma'am Greta at anong Creed? Nakalimutan mo na ba ang gumalang?" sermon naman ni Salve sa anak.

"Dalawang taon lang naman ang tanda sa akin no'n kaya't-"

"Pero amo natin siya. Pinasasahod nila tayo," agap ng ginang habang seryosong nakatingin sa dalaga.

Natigilan si Ada sa narinig. Simula nang ipanganak ito na ang nakagisnang buhay. Kung hindi magpapaalipin hindi makakain.

Bata pa lang siya ay iniwan na silang mag-ina ng amang nagpunta sa ibang bansa at katulad ng ordinaryong kuwento ay hindi na rin ito bumalik.

"Bakit kasi hindi pa tayo umalis dito, nay? Lumayas na tayo rito sa mga Buenaventura. Matanda na ako at ako na ang magtatrabaho para sa ating dalawa. Hindi na natin kailangan ng pera nila-"

"Paano si Sir Francisco? Malaki ang utang na loob natin sa kaniya. At si Sir Creed?"

Mapait na napangiti si Ada. Isa sa pa sa ikinagagalit niya ay ang sobrang pagmamalasakit at pagmamahal ng ina sa alaganh si Creed. Mas inuuna pa nga nito ang binata kaysa sa kaniyang tunay na anak. Kaya't mas lalo lamang siyang napupuno ng poot.

"Ano'ng tinatanga-tanga ninyo riyan?" Nakakunotnoong tanong ni Greta nang lumapit sa kanila.

Agad na hinawakan ni Salve ang anak at bahagyang inilayo sa amo. Pilit na ngumiti ang ginang.

"Pasensiya na po Ma'am Greta. May sinasabi lamang po-"

"Shut up!" seryosong awat nito sa kaniyang ina.

"Bumalik ka sa kusina, roon ka bagay!" singhal ni Greta.

Nanipis ang labi ng ni Ada sa narinig sa matandang amo. Tinitigan niya ang napakagandang mukha nito na kabaligtaran ng kaniyang ugali.

"Sige po, Ada, halika na?" Bulong sa kaniya ni Salve.

"Iwan mo iyang anak mo."

Sabay na natuon ang mga mata nilang mag-ina rito. Matiim ang nasalubong ni Ada na tingin mula kay Greta pero tinapangan niya nang mga sandaling iyon.

"Sige na nay. Mauna na kayo!" Ngumiti siya sa ina na bakas ang pagkabahala sa hitsura.

CEO's other halfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon