Kabanata 5

2 1 0
                                    

Ang ina ni Creed na si Greta, sa oras na ipakilala siya ng binata rito ay talagang na-iimagine na niya ang magiging hitsura ng isang bruhang nagwawala. Kinakabahan siya sa mga susunod pa na mangyayari matapos ang gabing ito.

Ngunit kailangan niyang kayanin ang lahat lalo na at may kalakip na malaking halaga ang simpleng sakripisyo niya ngayon.

"Buti naman at lumabas ka pa!" bulalas ni Creed nang lumabas ang dalaga.

Inayos ni Ada ang ang suot na bulaklaking bestida na kulay puti at ang nakaladlad na itim na buhok.

"Halika na!" kaswal na hatak ni Creed sa kaniya at nagsimulang maglakad.

Hindi pa man tuluyang nakalalapit sa pool area ay sabay na natigilan ang dalawa sa paglalakad.

Punong-puno ng matitingkad na ilaw ang buong lugar, nagkalat din ang iba't-ibang bisita na karamihan ay nasa alta siyudad. Pormal ang suot ng mga lalake at ang ibang mga babae ay napakagara ng mga suot na bestida.

Isang kanta ang tumutugtog mula sa nakaupong orkestra sa gilid ng pool area.

Napalunok si Ada ng sunod-sunod, tama ba na pumayag siya? Parang gusto na niyang umatras ngayon. Tinapunan niya ng tingin ang kahawak-kamay na binata.

"S-sir, puwede pa po ba'ng umatras?" nauutal niyang tanong sabay bitaw sa kamay nito.

Nakakunotnoong hinarap ni Creed ang dalagang bakas sa mukha ang pagkabahala.

"You can't back out, Ada! We've already made-"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin nito ay agad na niyang binirahan ng takbo. Hindi siya tuluyang nakalayo dahil nahablot siya ni Creed sa bewang at pinigilan.

"Pumayag ka na kanina 'di ba?" mahinang sambit nito habang nakakulong siya sa mga braso ng binata mula sa likuran.

"O-oo nga kaso kasi," hindi siya maka-aapuhap ng isasagot sa amo at pilit na inaalis ang mga matitigas na braso niyong nakapalupot sa balingkinitan niyang katawan.

Umikot si Ada paharap kay Creed at nang magtagpo ang mga mata nila ay pareho silang natigilan.

Nanatili siyang nakatitig sa magagandang mga mata ng amo na nilalabanan din nito. Naramdaman niya ang tila kuryenteng nagsisimula ng dumaloy sa kaniyang buong katawan, lalo na nang higpitan at kabigin pa ni Creed ang bewang niya papalapit sa katawan nito.

Napahawak si Ada sa malalapad na dibdib ng binata habang nanatiling magkahinang ang mga mata. Alam niya na hindi matatawaran ang pisikal na anyo nito pero kakaiba pa pala sa malapitan.

Napatuon ang mga mata ni Creed sa manipis at mapulang labi ng dalaga. Pumikit ang binata, ang kanang kamay ay kinabig ang batok ni Ada. Bahagyang inawang ang labi at agad na sinakop ang labi nito.

Napalaki ang mga mata ni Ada nang halikan siya ni Creed. Napaangat ang mga kamay niya sa ere. Napatingin siya sa nakapikit na binata. Mabilis niyang binaba ang mga kamay at pilit na itinulak ito pero mas malakas si Creed at ayaw magpa-awat sa pag-angkin ng kaniyang labi.

"Open the light's Salve!" utos ni Greta at itinuro ang isang madilim na parte sa gilid ng pool.

Unti-unting gumapang ang liwanag sa gilid ng pool.

"Oh my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Greta.

Lahat ng bisita ay nag-uumpisang malaglag ang panga habang nakatunghay sa nasilayan.

Nakita ni Ada sa sulok ng kanang mata ang mga taong nakatulala sa paghalik sa kaniya ni Creed. Naalarmang tinapik niya ang magkabilang balikat ng binata na nanatiling sinasakop ang labi niya.

"Diyos ko! Iba talaga ang kamandag ni Ada!" dahan-dahan at punong-puno ng pagkamanghang sambit ni Mae habang walang kakurap-kurap sa halikan ng dalawa.

"Tama ka pang CEO!" parehong tono ni Dalhia na katabi ni Mae at tigalgal pa rin sa eksena.

Ang mga bisita ay parang mga estatwa sa hindi paggalaw at nakatulala sa dalawa na parang nanonood ng isang eksena sa isang romantic movie.

Sinulyapan ni Ada ng tingin si Creed, nakapikit pa rin ito kaya't hindi napapansin ang mga tao sa harapan.

Mabilis ba napamulat ang binata nang maramdaman ang pagkurot ng dalaga sa kaniyang tagiliran. Buong lakas siya nitong tinulak dahilan para maputol ang paghalik niya sa dalaga.

Napaharap si Creed sa mga taong nanonood at sa inang hindi maipinta ang mukha. Mabilis siyang lumapit muli kay Ada na bakas pa rin ang gulat at galit sa mukha.

"Everyone, I wanted you to all meet my girlfriend and soon to be my other half, Maria Ada Sarmiento!" buong luwag ang ngiti niya sa labi at buong pagmamalaking inakbayan ang dalaga.

Puwede ba na may sumapak kay Ada para magising siya sa bangungot na ito. Totoo ba ang lahat ng nangyari at ang narinig niya? Napapikit siya nang magsimulang magkislapan ang mga nakatutok na ngayong kamera sa kanila.

Umugong ang mga bulong-bulungan sa buong pool area. May mga nakataas ang kilay, may nabigla, nakasimagot na mga mukha ngunit nangibabaw ang mga tingin ng panghuhusga habang hinahagod ng tingin si Ada mula ulo hanggang paa.

"T-this can't be," halos hirap na hirap si Greta ibukas ang bibig habang tulala pa rin sa anak na nakaakbay sa kanilang kasambahay.

"Let's get the party started?" Nakangiting aya ni Creed sa dalaga.

Napatingin si Ada nang ginagap ng binata ang kaniyang nanlalamig na kamay. Nagsimula na itong maglakad papalapit sa mga bisita.

"N-nay," usal niya nang madaanan ang inang pinagmamasdan lamang siya.

Saglit pa siyang napalingon sa ina nang patuloy sa paglalakad ang kahawak-kamay na binata.

Lumapit si Creed sa ginang na si Greta. Nakita niya ang matiim na pagtitig nito sa kasamang si Ada bago bumaling sa kaniyang mukha.

"What the hell is this, Creed Miguel Buenaventura?" halos hindi bumubuka ang bibig ng matandang babae nang magsalita.

Natuon ang mga mata ni Ada sa among babae. Npasulyap siya sa mga kamay nitong nakayukom habang namumula ang mapuputi nitong kutis  sa mukha at dibdib. Nanginginig din ang labi ni Greta, pakiramdam ni Ada ay ilang minuto lang ay tutulo na ang luha nito dahil sa galit.

Para itong isang bulkan na nagsisimulang mag-alboroto at sasabog anumang oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CEO's other halfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon