A Tale of a Mortal's Crossover

24 4 0
                                    

Nagpagulong-gulong ang isang lalaki sa isang lugar kung saan ay hindi siya sigurado kung saang lupalop ba ng mundo ito. Bigla na lanang siyang bumagsak sa lupaing ito at natigil lang ang kaniyang paggulong nang tumama and kaniyang katawan sa isang malaking puno. Rinig na rinig ang kaniyang mga ungol dahil sa sakit ng kaniyang katawan sa pagtama nito sa mabatong lupa kanina. Pakiramdam niya'y hindi niya na maigalaw ang kaniyang sarili dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago iminulat ang kaniyang mga mata.

Nasaan ako? Damn, patay na ba ako?

Iyon lang ang tumatak sa kaniyang isipan. Nang luminga-linga siya sa paligid ay napansin niyang may malalaking pillar at tila ba'y kakainin siya ng ilaw sa sobrang liwanag. Kahit na kaniyang iniinda ang sakit, sinubukan niyang tumayo. Hindi niya talaga maisip kung nasaan siya kahit na pamilyar sa kaniya ang nakikita at sa tingin niya'y naaalala niya pa kahit paano ang kaniyang sarili. Lance? Tama, Lance ang kaniyang pangalan.

Paika-ika siyang naglakad patungo sa isa sa naglalakihang pillar at sumandal doon para tignan niya ang mga sugat na kaniyang nakuha sa kaniyang paggulong. Hindi niya mawari bakit ang sarili niya lang na pangalan ang kaniyang naaalala. Ni hindi niya alam kung saan siya nanggaling, anong edad niya, mayroon ba siyang mga kamag-anak na buhay, may kasintahan ba siya, at kung ano-ano pa, ngunit wala na iyon sa kaniyang isipan. Hindi na iyon ang kaniyang first priority. Ang kailangan niya lang gawin ay malaman kung saang lugar ito, ano ang dahilan kung bakit siya napadpad dito, at kung paano siya makaaalis.

Nakakita siya ng malapit na dahon at napag-isipan niyang kunin ito para takpan ang kaniyang sugat sa tuhod. Nanlaki ang kaniyang mata nang kaniyang mapagtanto na ang kaniyang sugat ay gumaling agad nang lumapat ang dahon sa kanyang balat.

His mouth gaped. Nabitawan niya ang dahon bago ilapit ang tingin sa sugat. Nawala ito bigla, ni kahit bakas ng dugo ay wala kang makikita. Kumunot ang noo ni Lance sa pagtataka. Now, he really needs to know where he ended up, or he's going to lose his mind.

Nananaginip ba siya? O tumama lang sa matigas na bagay ang ulo niya? His eyes roamed around his surroundings again, but they automatically closed when a bright light conquered his sight.

Nag-iwas siya muli ng tingin sa ilaw at binalik ito sa mga dahon. Still unsure about where he winded up, nag-alangan siyang kumuha ng mga dahon bago ito ilapat sa lahat ng mga natamong sugat niya. When his wounds healed miraculously once again, he decided it was the least of his concerns before he started to roam around the place. His feet took him some place else, each step on the path sent a cold shiver down his spine.

It took him some time to realize that he was going upwards.

Upwards? A mountain!

Ang pagiging kalmado niya na dulot ng paglalakad-lakad sa paligid ay muling nawala nang mapagtanto na siya nga ay nasa isang bundok. After realizing that he's on a mountain, his brain began to process information; the pillars, the blinding lights, the eerie atmosphere, and the feeling of not belonging.

Ilang minutong nakatayo lamang si Lance matapos magkaroon ng ideya kung nasaan siya. Hiniling niya na isa lamang panaginip ang lahat at magising na siya mula roon.

Nagdadasal na ho ako sa lahat ng santo sa mundong ibabaw o sa universe. Alam ko po na prank niyo lang 'to. Gisingin niyo na ho ako, it's a prank!

Nang hindi makuntento sa pagkausap sa sarili sa kaniyang isipan ay sinimulan niyang hampas-hampasin ang pisngi.

"Hoy."

Multo...

Ang unang pumasok sa isipan ni Lance nang may boses siyang narinig mula sa kaniyang likuran.

A Tale of a Mortal's CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon