Dec 1 2021
Dear Diary,
December na ang bilis ng panahon parang nakaraang taon lang mula nong nagkapandemya ang mundo.
Bilis lumipas ng oras na hindi ko namalayan na wala akong ginawa sa mga oras na yun, kundi magmukmok sa kwarto manood ng kdrama, magbasa ng pocket books at wattpad. Eto yung routine ko nakakasawa, nakakaiyak na nakakainis kase nagsayang ako ng oras ng hindi ko namamalayan.
Masyadong okupado ng mga pag aalala at problema yung utak ko. 2019 mula ng mamatay ang anak ko, 2019 mula nong nagtrigger ang sakit ko. 2019 mula nong nagbago ang pamumuhay ko. Ngayon, wala nakong kaibigan, tamang tingin nalabg ako sa mga My day nila.
Nalulugmok ako pero wala akong masabihan. Nagdasal na ako pero nakakalungkot pa rin.
Napapagod nakong umiyak tuwing gabi, napapagod nakong isiping wala akong silbi. Napapagod nako pero ayoko iwan ang asawa ko at mga magulang ko.
Ang hirap ng walang maka usap, pasenya kana diary ha nababaliw nako at dito pa talaga akong nagsusumbong.Umiiyak,
Candy