Chapter 2

1 0 0
                                    

Isang araw nanaman ang lumipas, Madaling araw nanaman kasabay ng malamig ng simoy ng hangin. Namiss ko magsulat kaya sulat tayo.

                                         Dec 07 2021

Dear Diary,
               Kamusta ka? Yan yung tanong na gusto ko sana marinig mula sa mga kaibigan ko. Kaso may kanya kanya na kaming buhay na kailangan bigyan ng pansin. Ngayong araw birthday ng inaanak ko, Nagkasama ulit kami ng nanay nya na napakalapit sa puso ko mula pagkabata. Nakita ko na ang laki ng pinagbago ng aking kaibigan. Sa uri ng kanya panunuot ng damit, pagkilos at pagsasalita ay nakakapanibago. Nakakatuwa na alam kong masaya sya sa buhay nya ngayong may sarili na syang pamilya. Ang panget lang ng ugali ko dahil may halong lungkot akong naramdaman, sana buhay din ang anak ko naka pagbirthday man lang sana sya. May family picture din sana kami. Kung ano anong bagay na ang pumapasok sa utak ko na kakadurog ng puso. Nakakamiss yung anak ko. Alam ko naman na kasama na nya si Lord alam ko ring masaya na sya doon. Kaso may pagkakataon talaga na hindi ko maiwasan hindi sya maisip tulad ngayong gabi. Pasensya na kung puro rants tong diary na to. Tuliro na kase ang laman ng utak ko.

Your,
Candy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Candy's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon