Sayo na ko!

72 0 0
                                    

Walang papel, type lang ng type.

Hindi ko alam kung anong istorya to!

Bahala na!

"Nakakainis!" sigaw ko

andito ako ngayon sa park ng University namin. Well as always, gawain ko nman to e. lalo na pag pagnakikita ko syang may nilalandi na namang iba. Di ko naman sya crush e, basta nakakabwisit lang talaga pagmumuka nya! Walang ginawa kundi mambabae. Nakakainis ba yung ganung klaseng lalaki no?

"Oh sumisigaw kana naman dyan"

"Ay Potaaah!" sabay lingon ko sa nagsalita kahit alam ko kung sino yun. Tae bat nandito tong Kumag na to. Kanina lang may  nilalandi to ah.

"Ang sabi ko naman kasi sayo wag mong pansinin pangbabae ko e, hinihintay ko lang magsawa ako kasi sigurado kapag SAYO NA KO. Di ko na magagawa yun" Sabay Ngiti nyang nakakaadik. Nung babaerong Kumag.

"Hay nako Geo, tigiltigilan mo nga ako nyang mga banat mong bulok! Ang pangit mo. Sayo na ko muka mo. pati ako isasali mo sa listahan mo" Tae nakakagigil din no? Gumaganon pa e. Lalaki talaga oh! magaling lang sa paunang salita!

"Bakit ba ganyan ka? Tuwing nkikita mo kong may ibang kasama parang abstract yung muka mo, di maintindihan kung hindi pa tititigan, kung di ko pa alam yang laman ng utak mo. Ako lang naman laman nyan kaya ka nagkakaganyan."

Wow lang ha! diba ang taas nya? ang taas ng tingin sa sarili.

"Yuck! Ang kapal mo talaga Geo. Lumayas ka nga dito. Bat ba sumulpot kana naman?"

"Masama bang puntahan yung mahal ko na nanggagalaiti sa galit dahil nakita nya yung love nya na may chicks na nmang kasama? I just want to repeat to you. IKAW LANG"

"pwede bang tigilan mo na ko? HINDI KITA GUSTO. At KAILANMAN DI KITA MAGUGUSTUHAN, Gets? Like duh Geo, wag na wag mo na kong lalapitan dun ka sa mga chicks mo. please lang layuan mo na ako ha? HINDI AKO NAKIKIPAGLOKOHAN SAYO!"

Lumayas na ko sa harap nya. nakakagigil lang sya. feelingero ang peg! 

"Yan ba talaga gusto mo?" narinig ko pang sagot nya!

"OO" sigaw ko din

"Kung dyan ka masaya" 

*TWO WEEKS LATER*

Woh! two weeks ko na di nakikita si Kumag. Di na ko inaabala.

"Hey Leah!" Tawag sakin ng Friend ko.

"Ow! Happen?" Say ko kay Treycy

"Alam mo na ba chismis? May Girlfriend na si Geo."

"Ow? Ano bago dun?" Di naman nawawalan ng gf yun e

"Pinakilala na nya sa parents nya." sabay kindat pa sakn ng bruha at lapad ng ngiti.

"Anong meron sa ngiting yan? Problema mo? Ayaw mo nun, magseseryoso na sya." sabay iwan ko sa kanya. Aga aga bbwisitin ako.

"Ayan tinataboy taboy mo pa sya ah! nagpapakipot kapa e mahal mo naman." pahabol pa nya. 

Bakit ba ganyan sila? Mahal ko ba yun? di naman diba? Hindi tala----

"Hi Leah"

Lumingon ako sa pamilyar na boses

"Hi din" sabay iwas ko ng tingin, wiw! He's with maybe the new girl??????

"Btw, Leah she's Charm"  nakangiti nyang pagpapakilala dun sa kasama nya

"Oh Hi" tipid kong sabi "Ge, bye. May klase na ko e"

"ok."

Wiiw! umalis na ko. Di ko naman sya mahal diba? Di naman talaga ko nasasaktan diba? Ano ba tong nararamdaman ko  parang ewan lang.

"Hoy babae! Tulala ka dyan. Ano naniwala kanaba? May girlfriend na talaga sya! Ang sakit diba? Nag iinarte kapa kasi e. ano ka ngayon NGANGA? Tinaboy mo sya. Ano gusto mo habulin kapa nya? Tinanong ka kung ano gusto mo, yan sinunod nya lang.

Ngayon tatanungin kita,

Masaya kaba sa naging desisyon mo?" mahinahon kuno na tanong sakin ni Treycy 

Napayakap ako sa kanya! At naramdaman kong basa na yung mukha ko. Umiiyak ako.

"Tapos ngayon ngangawa ka dyan? Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa sarili mong mahal mo naman talga sya. Kung di kapa masasaktan, kung di ko pa ipapamukha sayo. di mo pa magegets? Slow kaba friend? Tae ka talaga! ano ka ngayon hahagulgol ka nalang? wala ka na gagawin?

"Ano gagawin ko? Huli na lahat diba? Pinakilala nya na nga e." Halos padabog ko pang sabi habang nagpupunas ng luha

"Di pa huli no." narinig ko na naman yung boses na yun, lumingon ako

"0.0"

"ikaw talga kung di ka gaganunin, kung di kpa papakitaan----"

"anong gaganunin? anong papakitaan? ang berde nun ah?"

tumawa syang malakas "ikaw ang berde ang utak"

hinampas ko sya, gago talaga!

"Ang ibig kong sabihin kung di kapa pagseselosin, di mo pa marerealize, di mo pa maaamin sa sarili mong mahal mo ko. Arte mo ha? Napapagod na ko sayo" pagmamaktol nya

"Ge ngayon kapa mapagod, sasapukin kita dyan"

"Brutal mo talaga. Di bale. Mahal naman kita"

"ops ops! nasa eksena pa ko, ge kayo na sweet" sabat na ni treycy

"Salamat Treycy ha" sabay naming sabi ni Geo.

"Wala yun, ge alis na ko. Ingatan mo yan Geo ha"

"Kahit di mo sabihin yun, un tlaga gagawin ko. To pa mahal na mahal ko to. Babe SAYO NA KO"sabay yakap nya sakin

waah! ang sarap sa feeling, kaya pala ganun nararamdaman ko tuwing may kasama syang iba kasi mahal ko pala tong Kumag na to! 

Kaya pala nabbwisit ako sa kanya tuwing malayo sya sakin kasi Mahal ko pala tong Kumag na to!

"Ikaw kumag ka! Kung ayaw mong mapaslang, umayos ka! AKIN ka lang "

"SAYO NA KO, Pangako"

(Waaah! On the spot! naharap sa laptop e. tapos pindot lang ng pindot. kaya iyan! Palso e no! hahahah pasensya naman) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sayo na ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon