RURU,
"Ru, nabalitaan mo na yung nangyari kay Kylie? Bungad ni Buboy sa kagigising na si Ruru."Bakit? Bakit ano ba nangyari, ikaw Buboy aga-aga ha. Kagigising ko lang ha, nagchi-chismis ka kaagad. Siguraduhin mo lang yang chismis mo ha. Pupungas pungas pang sagot ni Ruru sa kanyang kausap.
Sya pa ba ang hindi makaalam sa nangyayari? Sus, hindi ko maamin sa sarili ko pero iba ang nagagawa ng puso ko, hindi na kailangan mag dalawang isip. Nakakainis, pero hanggang kelan. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Stalker na kung stalker, pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na mag react. Lalo na kapag pakiramdam ko may pinag dadaanan sya sa twing malungkot at tila may pakahulugan ang bawat post nya. Sa isip nya lamang.
Dalawang taon na rin simula ng matapos ang proyekto Ni Ruru at Kylie na Toda one i love, at pagkatapos noon ay ang napabalitang pagbubuntis nitong muli sa bunsong anak kay Aljur. Kaya tila tumamlay muli ang tambalang tinangkilik ng napakaraming hukbong Ybramihan/Kyru na talaga namang hindi nagpapatinag sa kanilang pagpapakita ng suporta at pagmamahal para sa dalawa. Kahit pa kinasasabikan ng mga ito ang muling pagsasama ng dalawa sa isang proyekto. Sa mga simpleng pansinan lang ng dalawa sa Twitter at Instagram ay talaga namang nag iingay ang buong hukbo. Ilang proyekto na rin ang nagawa ni Ruru, at hindi pa rin nawawala ang suporta ng kanilang Fans.
"Ru, gusto mo ba ng bagong project? May inaalok si Direk Mark. Wika ng Manager nya.
"Main Lead ba? Anong kwento? Walang ganang sagot ni Ruru,
"Oo main Lead, hindi ko pa nababasa script pero sabi nya action, drama, suspense yung content. And ang napupusuan nya yata Leading lady mo is dalawa Si Shaira D. or c Bianca U.
Ano sa palagay mo, wala ka bang schedule for coming days? Mahabang litanya ng kanyang manager.Sa totoo lang naman nais nya maging busy ayaw nya Mao occupied ng kahit anong ibang bagay o isipin ang kanyang isip. Iisa at iisa pa din nmn ang kanyang kahahantungan ang magstalk kay Kylie. Kung magiging krimen man ang pang iistalk baka nakasuhan na sya. Minsan nga pati videos nila at mga edited videos sa youtube hindi nya pinalalampas.
Minsan nga nkakalimutan nyang nasa relasyon sya. Oo mahal ko girlfriend ko,masaya rin naman ako, pero hindi ko maintindihan kung nakukulangan ba ako o sadyang my hinahanap lng talaga ako.KYLIE,
"Ky, kumusta ka. Ok ka lang ba? Simpatya ng ama.Umuwi sa kanyang ama si Kylie, kinausap ang ama tungkol sa relasyong tila hindi na kayang ayusin ng one sided love. Tila hindi na pag ibig ang sagot. Hindi na rin yata pag ibig ang naayon para sa relasyong pilit mong binubuo pero palaging may gusot. Siguro nga sa pagmamahal na ang tiwala ay nawala isusumbat at isusumbat pa rin sya ng pagkakataon. Kahit anong pilit mo na iwasang kutuban sa oras na kalabitin ka ng trust issue mo, susuko ka kahit pa ang matibay mong sandata ay ang anak mo. Para saan pa ang pagmamahal na may gusot kung unti unti ay lumalamat. Mas maigi pang tapusin yung relasyon kesa ipag patuloy pa, habang ika'y nauupos. Nakakaiyak lang isipin na kahit anong tatag mo bilang babae para sa mga anak mo, pinahihina ka ng puso at isip mo.
Kaya ng isip mo pero paano ang puso mo? Hindi na lamang ito para sa pansarili mo, dahil may dalawang paslit na madadamay sa pagiging selfish nyo. Hindi selfish, kundi selfcare. Paano mo pa maipaparamdam ang tunay na pagmamahal kung sa sarili mo hindi mo na ito maramdaman."Ok lang po ako Pa, don't worry. Kaya ko to. Ako pa ba.? You raise me well, you raise me as a strong woman. Alam ko kakayanin ko to para sa mga anak ko. Humihikbing sagot sa ama.
"Basta anak wag mong kakalimutan nandito lang ako, ang mommy mo at ang tita mo. Himig simpatya ng ama.
Hindi man maamin ngunit napakasakit bilang ama, ang makitang durog at nasasaktan ang iyong anak. Yung puso mong tila pinipiga bawat hikbi, tila pinupunit bawat patak ng luha. Sadyang may mga tadhanang ano't ipinilit, at kasawian ng puso ang kapalit. Sino ba ako para saklawan ang anak ko, gayong maging ako ay unti unting lumilimot sa sariling nakaraan ko.
Sa labas ng Kwarto ng anak, piping humihikbi ang kanyang ama.