Galawang Chezka

234 21 3
                                    

Nagkasundo ang dalawang kampo at agad lumabas ang mga Garcia at Hechanova..at sumunod naman dito si Chezka..

"Sarah sandali"tawag ni Chezka at lumingon naman agad si Sarah

"Sh*t ang ganda talaga nya"bulong ni Chezka

"Ano yun Chezka?"tanong ni Sarah habang nakangiti

"Grabe parang matutunaw ako sa mga ngiti nya"saad ni Chezka sa sarili at nilapitan si Sarah

"Clare..Grace mauna na kayo mag uusap muna kami"saad ni Sarah

At nagpatuloy sa paglabas sina Clare at Apple..

"Ah Sarah kasi may itatanong lang ako"saad ni Chezka habang nakangiti at kitang kita ang mga dimples nito



"Ano yun?"tanong ni Sarah

"Ahh ano kasi" ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Tanch

"Ate!"tawag ni Chezka


"Oh Che kanina pa kita hinahanap eh nandito ka lang pala"saad ni Tanch at lumapit ito sa kapatid


"Ah Ate si Sarah nga pala katrabaho ko"pagpapakilala ni Chezka

"Hi Sarah ako nga pala si Tanch"pagpapakilala nya dito habang nakikipagkamay at nakatitig sa mata mga ni Sarah

"Hi Tanch,I'm Sarah nice to meet you"nakangiting saad nito

🎶🎶🎶

Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan

Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala

Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig

Tanch mind (ang ganda ng babaeng ito, mga labing natural ang kulay,ilong na perpekto,matang kay sarap titigan at mga ngiti nitong nakakabighani,sh*t ano ba itong iniisip ko na totomboy na ba ako?)

At biglang tinawag siya ni Angelica...

"Ate Tanch? Uuwi na ba tayo??"pagpuputol nito at bumalik sa realidad ang puri ni Tanch habang si Sarah naman ay inaantay na bitiwan ni Tanch ang kanyang kamay...

"Tanch??"tawag ni Sarah,nagulat si Tanch na hawak pa rin pala nya ang kamay ito kaya dali dali nyang binitiwan ito..

Nabaling naman ang atensyon ni Sarah ng nagsalita si Chezka


"By the way Sarah may lipad ka ba bukas?" tanong ni Chezka habang nakatitig kay Sarah

"Wala,sa susunod pa na araw,ba't mo natanong?"

"Ahh yayain sana kitang lumabas bukas eh"suaveng saad ni Chezka

Ayaw namang ni Sarah mapahiya si Chezka sa kapatid nito kaya...

"Okay"agarang sagot ni Sarah ,masayang masaya si Chezka sa narinig

"Sige Captain mauna na ako nag aantay sila Grace eh"pagpapaalam ni Sarah


"Bye Tanch" bilang saad ni Sarah sabay talikod

"YES!"tuwang tuwa saad ni Chezka na napatalon pa


Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon