Waiting

623 23 3
                                    

Isang gabi, nag aantay ako ng bus malapit sa waiting shed. Medyo late na ko nakauwi dahil nag overtime ako. Halos mag-aalauna na ako nakalabas. Nang mga oras na iyon, wala akong kasamang nag-aantay ng bus sa waiting shed. Makalipas ng ilang minuto, meron akong narinig na parang tunog ng plastik na hinalukay, di ko gaano pinansin dahil nakaabang ako sa darating na bus, maya maya'y nagulat ako ng biglang may humawak sa aking pantalon, isang bata. Di ko maaninag gaano ang muka dahil may kadiliman ang lugar, medyo malayo ng konti ang poste ng ilaw sa waiting shed.

Nagsalita ang bata at nagtanong kung nakita ko daw ba ang kanyang nanay, di ko sya kaagad sinagot dahil gusto ko maaninag ang kanyang muka, hahawakan ko na sana ang kanyang muka ng bigla lumiwanag ng dahil sa ilaw ng parating na bus, napatingin ako sa bus pero paglingon ko'y biglang nawala ang bata, hindi ko tuloy na para ang bus na dumaan. Hinanap ko sa paligid ang bata pero di ko na sya nakita, kaya nag antay nalang ulit ako ng bus. Halos umabot na ng ilang minuto pero wala parin dumaraan na bus. Maya maya'y narinig ko nanaman yung plastik, nilingon ko na ang buong paligid ng kinatatayuan ko pero wala ako nakita. Napatingin ako sa may poste ng ilaw at may nakitang nakatayo, tinitigan ko lang ito ng bigla nalang tumakbo ... patungo sa akin. Medyo natakot ako dahil bigla bigla nalang syang tumakbo, nang malapit na sya sa akin ay bigla syang huminto, isa palang babae. Inisip ko na baka sya ang nanay ng bata. Lalapitan ko na sana ng may napansin ako sa kanyang kakaiba, gumagalaw ang kanyang bibig pero walang boses, parang may sinasabi syang mabilis. Natakot na ako ng mga oras na iyon, nilingon ko kung meron ng papalapit na bus pero wala ni isang dumadaan na sasakyan. Nang nilingon ko ulit ang babae ay nakaturo na ito sa paanan ko habang nagsasalita ng mabilis at nanlalaki ang mga mata. Laking gulat ko na may natatapakan pala akong malaking asul na plastik... hindi lang ito basta plastik, meron itong laman at mukang katawan ng tao. 

Inalis ko kaagad ang aking mga paa, at napaatras. Binalikan ko ang tingin sa babae pero nawala ito. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid pero wala akong nakita ni isang tao, wala rin dumaraan na kahit anong sasakyan. Natakot na ako at kinilabutan. Maya maya pa ay bigla nalang gumalaw ang plastik, inisip ko na mukang buhay pa ang nasa loob nito. Nilapitan ko ito at nang tangka ko itong buksan... bigla nalang nanlamig ang aking leeg sa bandang kanan ng aking ulo, ayoko sanang lumingon nang kusang gumalaw ang ulo ko pakanan...... halos atakihin ako sa puso ng makita ang babae kanina na lapit na lapit ang mukha sa aking mukha habang gumagalaw ang bibig ng mabilis at nanlalaki ang mga mata..... titig na titig ito akin. Nahimatay ako at di na alam mga sumunod na nangyari.

Nagising ako bigla sa isang bus na nakaupo, inisip ko na panaginip lang iyon. Tiningnan ko ang mga upuan pero walang tao, nasa may bandang likod ako ng bus nakaupo, di ko gaano makita ang driver kaya sinubukan kong lumapit, hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay may narinig akong plastik ... naaninag ko na may gumagalaw sa harapan, isang kisapmata ng biglang nakita ko ang plastik na kulay asul na mabilis na gumagapang papunta sa akin, napaatras ako sa gulat at takot ng biglang huminto at tumayo ito ng diretso,..... at unti unting bumubukas ang plastik. Nanlalaki ang mata ko sa takot habang tinititigan ang lumalabas sa loob ng plastik. Halos mabaliw ako sa takot ng makita ang katawan ng babae at isang bata na magkapulupot sa isat isa na parang walang mga buto, napasigaw nalang ako sa takot at nawalan nanaman ng malay.

Nagising nalang ako sa isang kama at laking gulat na nasa tabi ko na ang aking pamilya, nasa ospital pala ako. Ang sabi ng doctor ay nahagip daw ako ng bus sa waiting shed habang nag aantay ng masasakyan. Buti nalang at hindi grabe ang natamo kong sugat. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari sa akin, pero isa lang ako tanong ko .... sino sila?

THE END

WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon