Aliah's P.O.V

0 0 0
                                    

"Hi I am Aliah Hernandez! 18 years old "
introduce yourself yarn? Haha . Hindi naman kasi talaga ako comprehensive pag dating sa mga ganyan eh .

"Thank you Ms. Hernandez, maupo ka na doon sa last row sa likod katabi noong naka kulay blue na hoodie"

Napatingin naman ako doon sa magiging katabi ko .
" HOY!" Sabay sapok ko sa ulo noong makakatabi ko . Hahaha kilala ko kasi s'ya bestfriend ko . Classmate kami since elem.

" Gago ka ba? " sabi nya
Napatingin ako sa paligid . Pinagtitinginan na pala kami ng buong klase hahahaha

Umupo na ako ng tahimik
Sabay tsinismis ko na bff ko hahaha

"Hoy Deve! sabi mo dika ma-college ? ano ginagawa mo dito? "

"Isang Deve Alfelor ata ako ano? Mula elem hanggang HS 1st honor tapos di ma-college . Seryoso ka ba? hehe"

Oo nga naman . Pero kasi alam nya na dito ako mapasok sa Nerva State College tapos ang course ko eh  Bachelor of Science in Psychology tapos yung din pala kinuha nya. Di man lang nag-update sa akin e.

natapos na agad ang 1st subject namin since introduce yourself lang naman ang ginawa . Wala pa ako syempre masyado kaclose bukod kay Deve kaya ayun chinika chika ko muna .

Maya-maya dumating yung adviser namin . Ang ganda n'ya , binabae s'ya hah pero yung itsura n'ya ay mas mukha pang babae kesa sa akin.

"Good morning class! I am Ronie Vasquez but you can call me madam Ron  , your adviser and teacher in Introduction to Psychology"

pakilala ni madam . Nakakastarstruck s'ya grabe

Natapos ulit ang klase na puro introduce yourself tapos bibigyan kami ng 15 mins break .

inakit ko si Deve na kumain sa cafeteria

" ano gusto mo kainin? " Tanong ko kay Deve

"kahit ano " sabi nya

napapawow kami sa cafeteria lakas kasi maka Korean Drama ng design tapos ang laki pa

Kumuha na kami ng pagkain tapos akmang babayadan ko na yung pagkain ..
"Ako na magbabayad" sabi ni Deve

Oh diba . Dami pera yarn. Haha

Habang nakaupo kami nangispot ako ng cutiepie chic. Charot
Nagtitingin-tingin lang kung may pogi ba para naman ganahan ako kumain .

"Naghahanap ka siguro ng pogi ano? sabagay, dapat pa ba itanong  yan sayo haha"

"Tignan mo yun o pogi mga 89/100 ratings haha" turo ko kay Deve

" Nah , mas gwapo pa ako d'yan eh hehe" -Deve

" Aliah, may nakita ako alam ko bet mo ito" sabi sa akin ni Deve

"Asan ? Haha" habang palinga-linga naman ako

itinuro sa akin ni Deve yung isang lalaki na naglalakad papalapit sa may table namin . 1000000+/100 kung irorate ko sa looks hahaha . Matangkad, kissable yung lips Ang ganda ng mata tapos basta maganda lahat sa kanya

Pinitik naman ako ni Deve sabay sabing " na love at first sight ka ata haha"

" Hingin mo number,  libre kita ng milk tea at pizza pag nahingi mo haha" sabi sa akin ni Deve habang ang ngiti abot tenga .

Ewan ko pero parang bigla nalang gumalaw yung katawan ko at hinarang yung lalake . Naka side arm pa ako

"Hep! Hep!" sabay tapik sa balikat noong guy

Kita ko naman sa peripheral vision ko na parang pinagtitinginan ako ng tao sa cafeteria haha pero wala akong pake , kailangan ko ng milk tea at pizza

kita ko naman si Deve na nagpipigil ng tawa at diko alam kung bakit sya ganun

btw, kumunot naman yung noo nitong guy na hinarang ko haha
May nakita akong ballpen na nakasabit sa may neck ng polo shirt nya. Napanganga ako kasi parker pen yun 1k+ ata price noon kasi meron noon si Deve eh. "ibigay mo number mo, isasauli ko sayo ito" sabi ko sa guy  tapos biglang kinuha ko yung parker pen nya sabay hinatak ko si Deve patakbo








Sir, Kiss me backWhere stories live. Discover now