Aliah's P.O.V
hingal na hingal kami ni Deve na umupo sa waiting shed mga malayo-layo nang kaunti sa cafeteria.
"sabi ko hingin mo ang number hindi nakawin ang ballpen" bahagya na sabi sa akin ni Deve
Aba, diko alam gagawin ko eh .
umalis na muna sandali si Deve, bibili daw sya ng tubig haha"Oh Ayan!". sabay abot na sa akin ni Deve ng tubig
"Pot*hhhhh!
Nagulat naman ako sa sigaw ni Deve
Bakit? tanong ko
Hinatak naman ako ni Deve . Ang bilis tumakbo hah . Makakandadapa na ako eh . tinatanong ko kung bakit kami tumatakbo
"Shutttacccca late na tayo ng 15 mins sa next subject"
since nasa likod yung upuan namin , sa may likod nadin kami na pintuan umupo . Dire-diretso na kami sabay upo habang nakayuko . Hindi ko binibitawan yung kamay ni Deve, kinakabahan ako baka magalitan ng prof. kita ko naman na nakatingin na sa prof si Deve. "sir sorry po kung nalate kami" pagpapasensya ni Deve. Huhu wala pa akong lakas ng loob kausapin itong prof namin .
" For the sake of your two classmate, I will introduce myself again , I am Clyde Edwards, your instructor in General Psychology"
rinig ko na sabi ng prof namin. Jusqo ang lamig ng boses n'ya . Dahan-dahan ko na iniangat yung ulo ko para makita kung ano itsura ng prof namin . Jusqooo kung gaano kalamig yung boses n'ya ay ganoon din kalamig ang katawan ko ngayon . Yung prof namin na ito at yung guy na hinarang ko sa cafeteria kanina ay iisa . Tinitigan ko si Deve at umiwas naman sya sa akin ng tingin.
Nag raise ng hand naman yung isa ko na classmate na babae. Ewan ko kung bakit.
"Bakit Shena?"
Potaahh ano ? Memorize agad nya mga pangalan ng classmate ko?"Sir dapat po mag-introduce yourself din yung dalawa"
Napalaglag panga naman ako sa suggestion nitong Shena na ito. BIDA-BIDA yarn
"Ok ! " -sir
"You two, please come to the front and introduce yourselves." sabi ni sir habang nakaturo sa amin ni Deve.itinulak ko si Deve sa may unahan . ako naman eto nakasunod sa likod n'ya . para akong tang* na tinatakpan ng pamaypay ko yung mukha ko .
"Hello I'm Deve Alfelor " -pakilala ni Deve sa buong klase
"Hi ako po si Aliah Hernandez" pakilala ko naman
Both of you, come to my office after this class
Well, parang alam ko na kung bakit .
"sir saan po ang office mo ? Pwede pasama? Hehe" -tanong naman ni Shena
"No need na Ms. Shena, btw yung office ko katabi lang nitong room n'yo . " sagot naman ni sir.
Jusqooo kinakabahan ako
"Btw, I'll give you my C.P number incase you will have a question and clarification tuwing magkakaroon tayo ng take home tasks . " sabi ni sir habang isinusulat sa board yung number n'ya
kinurot ko sa tagiliran si Deve . Eto na ba yun? nagpaparinig na ba sya?
Andito kami ngayon ni Deve sa office ni sir . Shutaaaa ang ganda tapos ang laki . Kulay white lahat tapos isang mataas at malaking bookshelve lang yung naghahati sa room namin at office nya . Pero may pader sa tapat noong classroom namin kumbaga may maliit na pinto tapos ayon bookshelve na . Basta ganon ! Ang hirap ipaliwanag.
"Maupo kayo" dinig ko na sabi ni sir
Agad agad naman kami umupo ni Deve. Kinakabahan na ako jusmeee"Where's my pen?" Tanong ni sir habang nakatingin sa akin . Ramdam ko yung gigil eh huhu
Agad ko namang kinapa sa bulsa ko yung ballpen nya . Shutaaaa ! Nawawala
Bakas naman sa mukha ni sir yung pagka-iritable .
"Deve ! Diba binigay ko pala sayo kanina yung pen ni sir! " Nanlalaking mata na sabi ko sa kanya . Shutaaa sana magets nya pinapahiwatig ko . Huhu .
Sinipa ko paanan nya para ipahiwatig na ibigay nya muna yung pen nya since katulad na katulad naman yun noong kay sir.
"Ah oo! Ah sir eto po" sabay abot ni Deve kay sir noong pen