Prologue

29 4 1
                                    

Thank you po sa new book cover^^ YellowIsBlack

•••••

Halakhak at kulitan ng tatlo sa loob ng science lab ay rinig na rinig sa labas. Isa sa kanila ang may hawak ng susi dahil dito ipinagkatiwala ng guro. Nauna nang lumabas ang ibang kaklase ng tatlo dahil tapos na ang experiment na kanilang ginawa at uwian na. Naunang lumabas ang lalaking nakasuot ng salamin. Sa kanan kamay ay may hawak itong libro, science book. Ang kaliwa naman ay nakahawak sa isang strap ng bag na nakasukbit sa likod nito. Naka polo ito at kita ang puting sando sa loob dahil nakabukas lahat ang butones ng polo.

"Ang epic talaga ng excuses mo, Hell," natatawang saad ng pangalawang lalaki na lumabas sa pinto. Gamit ang kamay ay sinuklay nito ang buhok na magulo. Ang bag nito ay hawak ng kanan kamay at nakasuot din ito ng polo pero hindi tulad ng nauna, dalawang butones lang ang nakabukas.

"Eh, malay ko bang makaluma na 'yon." Sinara ng pangatlong lalaki ang pinto. Hindi nito suot ang polo dahil nakasampay ito sa kanyang balikat at ang kanyang bag ay nakasukbit. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at may maliit na kulay itim na hikaw sa kaliwang tenga nito.

Nagtago ng mabilis ang babae sa pinagtataguan nito nang lumingon sa kanyang direksyon ang lalaking nakasalamin na ngayon ay isinisilid na nito ang libro sa bag. Tinapunan nang tingin ng babae ang kanyang hawak na isang pirasong papel na naglalaman ng sulat tungkol sa pagtatapat ng damdamin sa taong hinahangaan nito.

"Gusto ko ng umuwi."

"Me too."

"Sandali." Napahinto ang dalawa. Nilingon nila si Hellix at tinanong kung bakit. Naiwan nito ang notebook sa loob ng lab. Nagpaalam ang dalawa na mauna na sa kotse at doon na lang hihintayin ang lalaki.

Dahan-dahan naman lumabas ang babae sa kanyang pinagtataguan ng makaalis na ang dalawa. Nasa loob ng science lab ulit ang pagbibigyan niya ng sulat. Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Nagulat kasi ito dahil sa pagsulpot niya sa gilid. Napatalon pa ito at napahawak sa may dibdib.

"Nakakagulat ka naman miss. Aatakihin ako sa puso ng wala sa oras." Humingi siya ng paumanhin dito. Sinara naman nito ang pinto at linock. "Ano pala kailangan mo?"

Nanginginig man ang kamay ay hinawakan niya ang kanan kamay ng lalaki at doon ipinatong ang sulat. Nanatili siyang nakayuko at kita niyang binuksan nito ang dapat. Ibinalik din nito kaagad sa pagkakatupi.

"G-Gusto kita."

"May gusto ka sa sahig?"

"Ha?" Nakaangat na ngayon ang kanyang ulo. Nanghihina siya sa tuwing magtatagpo ang kanilang mata at kung tatagal pa ito baka mawalan na siya ng balanse. Aakmang yuyuko ulit siya ng magsalita ito.

"Nakalagay sa sulat ang pangalan ko pero
umaamin ka naman sa sahig. Ako ba talaga ang gusto mo o ang sahig?"

"Ikaw." Nagpasalamat ang babae dahil hindi siya nautal. "Gusto kita, Hellix," saad niya habang nakatingin sa mata ng lalaki.

"Hindi ko alam kung...damn! Unang pagkikita pa lang natin ito diba?" Tumango ang babae bilang sagot. Tama ito. Ito ang unang pagkikita nila pero siya lagi niya itong pinagmamasdan mula sa malayo. "Bakit ganoon? Nag-aalinlangan ako sa mga salitang lalabas sa bibig ko. Hindi na ito bago sa akin. Marami ng umamin  sa 'kin at sasabihin ko naman hindi ko sila gusto ng walang pag-aalinlangan."

Napahilamos ito sa mukha at kitang-kita na problemado ito. "Hindi ako nagpapaliwanag kung bakit hindi ko sila gusto. Yeah, tinatanggap ko ang binibigay nila dahil sayang ang effort nila kung Hindi ko tatanggapin, diba?"

Nagkasalubong muli ang kanilang mata. Napalunok ang babae at muling napatango. "Pero sayo...Trigo! Anong meron sa mga mata mo? Nagkita na ba tayo dati?"

"H-Hindi ko alam." Ang lakas nang kalabog ng kanyang dibdib. Hindi naman siya slow para hindi maintindihan ang mga sinasabi nito. Hindi siya nito gusto. Reneject siya nito.

"Thank you. Thank you for this." Iwinagayway nito ang sulat na ibinigay niya. "Thank you for liking me but...I'm sorry to say this. I don't like you."

Love Formula (Senior high Series #2)Where stories live. Discover now