Ano yung motibo?

21 0 0
                                    

Alam ko marami saatin alam kung ano yung motibo hindi ba? Pero paano mo nalalaman na nagbibigay na siya o nagpapakita siya ng motibo?

Una syempre pagnagkakachat kayo yung mga emoticons niya diba? Odi kaya yung mga tanong niya na "kumain ka na ba? Wag ka magpapalipas ah?" yung tipong ganyan. Ikaw naman tong kikiligin agad agad. Aba ate/ kuya wag masyadong kiligin ng bonggang bongga kasi isa yan sa kasama ni FLIRT.

Pangalawa tuwing makikita mo siya sa school, pagtitingnan mo siya makikita mo nakatingin din siya sayo tapos ngingitian ka niya. Ikaw naman kwento agad sa mga kaibigan mo, hala sigee! Kwento pa pangfflirt lang yan! Sounds like bitter? Aba hindi noh!

Advice

Wala naman masyadong ano sa motibo eh, kaya kung alam mo sa sarili mo na nagpapa-fall lang siya eh, iwas iwasan mo na kasi mahirap magassume. Magmumukha ka lang tanga kung assume ka ng assume eh yun naman pala masyado lang siyang pa-fall. Kailangan hindi ka maging torpe pagtapat mo na agad yung nararamdaman mo sakanya, pero syempre wag mong bibiglain eh talagang lalayo yan sayo.
Tips

Sabihin mo na gusto mo siya pero lalagyan mo ng explanation yung tipong ganito.

"Alam mo naman sigurong gusto kita diba? Pero hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo na rin ako. Gusto ko lang malaman mo, hayaan mo hindi naman ako yung taong pagGusto ko gusto ko gusto niya rin ako, gusto ko lang naman ipaalam sayo na gusto kita eh."

Yan, pwede na yan. Effective yan kayo na bahala sa iba basta mahaba pa yan. Natry ko na rin yan sa crush ko, okey lang sakanya at hindi kami naiilang ngayon kasi nga okey lang sakanya.

Try niyo rin siyang tanungin na kung masyado na siyang naaawkwardan sa sitwasyon niyo, kung oo sagot niya sabihin mong lalayuan mo na siya para walang ilangan. Atleast nakaamin ka na diba? Hehe.

Yun na.. Alam mo? ako rin, alam ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alam mo? ako rin, Alam ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon