Nathan's POV
"Anak magiingat ka sa Pilipinas ha? Alam mo naman maraming mandurugas dun." Hay. Mama ko talaga. Excited na akong makita si Meagan at si Mitch. Tsaka ang taong pinakamamahal ko, si Raydie. Girlfriend ko.
"Ma naman eh. Bansa natin yun. Makapagsabi ka naman ng maraming mandurugas. Ipagmalaki mo dapat yung bansa mo ma."
"Anak sinasabi ko lang ang totoo. Ohh siya siya alis ka na. Malate ka pa sa flight mo."
"Ma naman. Makapagtaboy ka grabe. Kanina ayaw mo akong paalisin tapos ngayon papaalisin mo na ako. Ang sakit nun ma."
"Drama mo nak. Halika na nga."
Sumakay na ako sa Eroplano at pinikit ko na ang mata ko.
At Philippines
Sinundo ako ni Raydie airport. And dumiretso kami sa Academy kung saan nagaaral sila Mitch at nagpaenroll ako doon. Family friend namin nila Meg yung may ari ng school. Kaya pwede kaming magpaenroll anytime we want. Hindi alam nila Meg na may girlfriend na ako. Pero they know Raydie. Kaklase namin sya since grade one.
Hinatid ko si Raydie sakanila tsaka dumiretso ako sa bahay para magpahinga. Dahil may pasok pa bukas at para hindi ako mapagod. I'm excited to see you again Meg.
Meagan's POV
Lunch na namin dito sa school. May nakita akong pinagkakaguluhan sa may office ni Mrs. McAdams- ang president ng school. Actually Tita Marilou taway namin nila Mitch sakanya kaso nakakahiya naman kaya we prefer to call her Mrs. McAdams.
Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino ang pinagkakaguluhan. Humarap yung lalaki na may black leather jacket tapos white V-neck na shirt. Nakaside view sya. Teka, Parang si Marky yun ha? Pero kapag babalik naman siya ipapaalam naman niya samin nila Mitch eh. Ughh. Pero--
"Sis. May balak ka ba talaga kumain?" Tanong ni Mitch.
"Eh sis. Parang nakita ko si Marky eh." Sabi ko saknaya.
"KYAAAAAHHHH!!" Sigaw ni Mitch. "Asan si Marky?! O to the G to the M. I'm oh so excited to see him." Sabi niya. Ang ingay. Tch.
"Aish! Mitch ang ingay mo." Sabi ni Travis.
"Kabute ka din Travis 'no." Sabi ko kay Travis. Akala ko kasi kasama niya mga kaibigan niya kanina.
"Kaya nga. Magmula ngayon Kabute na ang tawag ko sayo." Sabi ni Mitch na ikinatawa ko.
"Ang tawag ko naman sayo megaphone. Ang lakas lakas kasi ng boses mo. Grabe! Ipinahlihi ka ba sa megaphone?!" Sabi ni Travis.
"Aba! Ba---." Bago pa siya sumigaw eh hinili ko na papuntang cafeteria. Hinila ko silang dalawa. Bagay sila. Cute couples. Haha!
"Bat ka ba nanghihila Meg?" Tanong ni Mitch.
"Gutom na ako eh." Sabi ko.
"Ohh sige sige kain na tayo. My treat." Sabi ni Travis.
"Wooh! Bago to. Manlilibre si Kabute." Sabi ni Mitch. Ay puta. Di talaga titigil.
"Bakit, sinabi ko bang pati ikaw mega phone ililibre kita?" Sabi ni Travis.
"Sabi mo kanina, 'kain na tayo. My treat.' Ano ibigsabihin nun. Diba manlilibre ka?"
"Pero may sinabi ba ako na kasama ka sa ililibre ko?!" Sabi ni Travis.
"Can you please stop?! Kanina pa kayong dalawa. Gutom na nga ako eh. Makapagorder na nga. Bahala kayong dalawa dyan sa buhay niyo." Sabi ko. Kakarindi kasi eh. Di na tumigil.
Nagorder na ako Fried chicken na may half of rice. Tapos fries and then pineapple juice. Kumain na ako. Humiwalay ako ng table. Kahit may nakaseparate na table samin nila Mitch at Marky. Oo may nakareserve samin. At kami lang ang pwedeng umupo doon. Sumunod yung dalawa sa table ko kaya umalis ulit ako doon nagpunta sa Garden. May mga upuan at tables din naman doon kaya doon na ako kumain. After ko kumain, dumiretso na ako sa room. Umupo na ako at napabuntong hininga. Miss ko na si Marky. Umaasa ako na siya yong nakita ko dun sa office ni tita Marilou. Pero alam ko namang hindi sya yun. Sabi niya dun na siya magtatapos. Kaya imposible naman na andito sya. Haha! Ilusyon ko lang siguro yun.
Nilagay ko na lang ang headphones ko tsaka natulog.
Travis' POV
"Ikaw kasi ang ingay mong mega phone ka yan tuloy umalis na si Meagan ko." Sabi ko kay Mega Phone.
"Aba! Aba! Kasalanan ko pa ngayon?!" Sabi niya sabay walk out. Mega Phone na nga walk out girl pa. Tch.
Hindi na ako kumain ng lunch. Dumiretso nalang ako sa room. Naupo ako sa tabi ni Meagan at pinagmasdan ang mukha nito habang tulog. Ang ganda niya talaga. Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi niya, ang haba ng eyelashes niya. Kaya hindi maipagakakaila na maganda siya. Mabait din siya.
Gusto kong saakin lang si Meagan. Gagawin ko lahat mapasaakin lang sya. Desperado na kung desperado. But I want her to he my wife. Nasakanya na lahat eh. Kabaitan, Kagandahan, Katalinuhan. Pero bakit hindi niya ako magustuhan? Sabi niya sakin noon,
Flashback
'Hmm. Meagan, pwede magtanong?'
'Nagtatanong ka na. Haha! Sure.'
'Hmm. Magugustuhan mo ba ako?'
'Yep. Pwede din. Boyfriend material ka kaso iba ang mahal ko eh. Sorry. Pero may time na mapapagod at mapapagod din ako kakaasa sakanya. Hindi naman ako robot eh.'
'Aw. I can wait My Meagan.'
_________End of the flashback
Pero ang tanong na laging nasa isip ko, Kailan pa nga ba ang pagkakataon na yun?
Meagan's POV
Nagising na ako nung tinapik tapik ako ni Travis at Mitch. Uwian na pala. Ang haba ng tulog ko.
"Enebeyen. Bakit hindi niyo man lang ako ginising?"
"Ayaw kitang gisingin My Meagan kasi ang sarap ng tulog mo." Sabi ni Kabute este Travis pala. Nagagaya na ako kay Mitch.
"Tsaka wag kang magalala sis! Walang dumating na teachers." Sabi ni Megaphone este Mitch pala.
"Okay? O siya siya labas na tayo." Sabi ko
Lumabas na kami nila Mitch sa classroom at dumiretso sa Parking lot. Nagpaalam na si Travis at kami na lang ni Mitch ang nandito. Pumasok na kami sa kotse ko at pinaandar ko na yun.
"Mitch. San kita ihahatid?" Tanong ko kay Mitch.
"Sa house na lang namin. Di bale darating na yata si tita Meg mamaya. Pero bukas sunduin mo ako ha sis?" Sabi niya.
"Sige. Bye sis. Ingat." Sabi ko at umalis na.
Pagdating ko sa bahay, andun na si mommy.
"Hi baby! How's your day? I miss you." Sabi ni mommy. Sweet talaga ni mommy.
"Hmm. A little bit tiring day mommy. And confusing?" Sagot ko kay mommy.
"Why tiring and confusing? Is there a problem or anything bothering you?" Tanong ni mommy.
"Uhm. Mommy wala naman bang nasasabi sayo si tita May na uuwi si Marky?" Tanong ko kay mommy. Curious na kasi ako.
"Ah--Eh, w-wala naman. Hehe! Sige akyat muna ako Baby ha? Medyo pagod pa si mommy." Parang may tinatago si mommy ha. Hmm. Wala naman siguro.
Umakyat na din ako. Hindi ako kakain. Nagbihis na ako at natulog.
_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡_♡
BINABASA MO ANG
How Unlucky Am I?
RomanceMayroong lyrics ng kanta na, "Lucky I'm Inlove with My Bestfriend." pero ako? Lucky nga ba ako na nainlove sa Bestfriend kong may mahal na iba?